CHAPTER 10
CINDY'S POV:
Nakaupo ako dito ngayon sa isa sa mga bench. Lunch time na. Kaso di ko feel kumain ngayon kasi mag-isa ako. Ayoko naman kumain sa cafeteria nang mag-isa habang yung iba masayang nagkkwentuhan at tawanan with their friends. Ang awkward naman nun. So mas pinili kong tumambay nalang dito sa bench.
*poke*
"Kung sino ka man, wala akong pake umalis ka sa tabi ko." Sabi ko without looking kung sino yung nagpoke sakin.
*poke*
"Umalis ka na bago ko pa makita kung sino ka at masapak pa kita." Hindi pa rin ako nakatingin.
"Why are you so masungit."
Okay, alam ko na sino to. Di ako titigilan neto. Kaya hinarap ko na.
Pag lingon ko, ang laki ng ngiti nya sakin. Anong meron?
"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Di ba nya nakikita may alone time ako dito with myself?
"What?"
Nang-aasar nanaman. Kunwari di nya naintindihan.
"What-whatin mo mukha mo, Tyler." Inirapan ko pa sya.
"Huh?" Aba at hindi pa titigil. Jerk.
"Get out of my sight." Hah! Take that.
"What if I don't want to?" Ugh. Patience Cindy, patience.
"Ako nalang aalis."
Akmang tatayo na ko nang hinawakan nya ko sa braso.
"Wait."
"Ano? Di ka pa titigil sa pagkulit sakin?"
Nauubusan na kasi talaga ko ng pasensya sa pang-aasar nya. Halos araw araw nalang. One time nga, habang nagddiscuss yung prof, kinuha nya yung notebook ko at sinulatan ng kung anu-ano. Sa iba't-ibang pages pa! Grrrr. Syempre di ako pwede umangal dahil mapapagalitan nanaman ako sa prof. Yung masungit pa naman. Tapos isang time pa, nakasalubong ko sya sa hallway, then bigla akong pinagtinginan ng mga tao, yun pala dinikitan nya ko sa likod ng sign na, "I FARTED. SMELL IT?" Pagtingin ko sa likod, andun sya tumatawa. Tuwang tuwa pa. Grrrrrr. Kung masama lang akong tao, gagantihan ko talaga sya. Pero dahil pinalaki ako ng kuya at magulang ko na mabuting bata, hinayaan ko nalang. Mapapagod din yun sa pang-aasar... o hindi? :(
So eto, hawak nya parin ako.
"You can't leave me here."
Infairness, ganda ng Aussie accent nya. Ang sexy. Char!
"At bakit?"
"Because..."
"Because?"
"We'll work on our report. Remember?"
Ahh sh*t. Oo nga pala! Bakit di ko naalala yun. Ilang days nalang at kami na ang magrereport. Naku di ako pwedeng pumalpak dun. Nakakahiyaaaa. Baka sabihin nila di ko kaya ang Pol. Sci. No no way.
Umupo ulit ako sa bench.
"Oh yes. Any idea by the way?" Tanong ko sakanya. Baka sya meron. Tas sya nalang gumawa. Wahahahaha.
"Hmmm... I do have an idea..."
May sasabihin pa yata sya pero bigla na kong nagsalita.
"Ah okay. Ikaw na bahala. Sige, bye."
At tumayo na ko.
"Hey wait!" Hinila nya nanaman braso ko. Huhu. Pano ba ko makakatakas dito.
"We're partners here, remember? We should work together."
'Togetha' daw Cindy. Yung accent talaga eh.
"Fine fine."
"Okay. Since it's weekend tomorrow, let's meet at the park. I'll pick you up there, and we'll do it in our house. 10AM, Cindy. Bye."
At umalis na sya.
Teka, ako dapat yung aalis diba? Loko yun ah. Inunahan ako.
10AM? Bukas? Park? Bahay nila? Ano ba yan. Pero para sa report! Para sa pag-aaral! Para sa diploma! Kaya mo yan Cindy Lee! @( ̄- ̄)@
Magpapaalam nalang ako kay kuya. Maiintindihan nya naman siguro, para sa report naman. And mabait naman yun.
--------
Ano ba namang alarm clock to. Weekend naman pero bakit tumunog. Aisshh!
Pinatay ko yung alarm at natulog ulit.
"Sis.. Cindz."
Naramdaman kong may kumakalabit sakin.
"Gising na sis. It's our dayyyy!" Si kuya na halos pasigaw na. Ano kaya meron.
"Hmm? Anong meron kuya?" Tanong ko habang pinupunasan mata ko. Morning glory. Eww.
"Bangon ka na. Bonding tayo."
Nakamulat na din ako fully at nakita ko ang super sweet smile ng kuya kong pretty pogi! Napasmile din ako. :)
Nakakagoodvibes. Nakakahawa yung ngiti nya. Thank you Lord for giving me a brother like this.
Ayun bumangon na nga ako dahil shopping slash bonding day daw namin ngayon! Yay! So excited!!!
~~~~~~~~~~
A/N: Vote, comment and subscribe. Thank you!
Smile! :)