CHAPTER 6:
CINDY’S POV:
After the night na super nag-alala si kuya, tinuruan nya na ko magdrive. After ng klase nya, umuuwi sya agad para turuan ako. Excited na excited na kaya ako matuto! ^_________^
Hanggang sa natuto na nga ako...
Time check: 2:38pm
Anu naman kaya gagawin ko nito? :3
Ayokong mamatay sa boredom dito sa bahay, kaya nagdecide nalang ako magdrive.
Wala lang, inikot ko lang yung buong subdivision. Tinext ko na din si kuya, baka mag-alala nanaman yun.
JUSTIN’S POV:
Ang bagal naman magdiscuss ng prof na to. Ang ending lang naman, i-memorize lahat. =_________= Err.
…
…
…
…
…
…
..
..
.
Pagkatapos ng nakakaantok na klase na yun, pumunta na ko sa campus field para i-meet ang mga beki kong friends! Grabe namiss ko tong mga to. Tagal na naming di nagbobonding.
“Hoy baklaaaaa!” Sigaw ni Johann. (Sa gabi, Johanna XD)
Ang ingay talaga kahit kelan ng baklang to. Pinagtinginan tuloy kami.
“I miss youuuuuuu Just!!!!” Si Lewis naman. (Loisa sa gabi XD)
Eto namang isa, with matching yakap pa at beso beso.
“Namiss ka namin baklaaaa!!!” Sabay pa silang dalawa.
“Namiss ko din kayo. Oh, musta buhay?” Yun lang sinabi ko.
“Ikaw kamo, naging seryoso ka na. Porket Pol. Sci. student ka na dyan, parang ang sungit sungit mo na.”
Huh? Masungit ba ko?
“Ano bang meron sa course mo at nagkaganyan ka? Naku buti na lang pala girl at Accountancy ang kinuha ko.” –Lewis
“Tse! Wala lang kasi talaga akong super friends sa klase. Eh ako lang naman ata beki dun eh. Walang makadaldalan. =______=” Sabi ko. Totoo naman, wala akong masyadong kasundo sa klase, pwera na lang pag about sa projects and all, dun ko lang sila nakakausap, and vice versa.
Pero ewan ko ba kung bakit medyo naging close naman ako kay Jenny. Anu bang meron sa babaeng yun?
Madaldal sya at masiyahin.
“So anu na? Madaming hot and yummy?” Pangungulit ni Johann.
“Charotera. Alam ko namang madaming pogi sainyo nuh..” Sagot ko naman.
“True yan giiiirl!!! Yung isa nga feeling ko may crush sakin, dikit ng dikit!! XDD” Ang landi talaga nitong Loisa na ‘to, binatukan ko nga.
“Aray naman! Anu baaaa. So violent!”
Di ko alam kung panu ko naging best beki friends tong dalawang to. Basta nung isang gig ko, nakasama ko sila. Tapos ayun, lagi na kaming magkakasama. Pag mag-isa ako, lagi silang nandyan. Lalo na nung nasa Taiwan pa si Cindy.
“Kumusta na nga pala si Cindy teh?” –Johann
“Ayun, bored na bored na sa bahay. Bakasyon e.”