CHAPTER 7:
JENNY’S POV:
Hindi ko alam kung nagmukha akong desperado sa ginawa ko o ano.. Bigla ko na lang niyakap si Justin at sinabi kung pwede sya na lang ang kasama ko.
Nadala lang kaya ako ng pangyayari?
Kasi naman, di ko akalain na icocomfort nya ko.
Sobra kasi akong nalungkot pagkalabas ko ng bar. Naramdaman ko kasing mag-isa ako sa table habang yung ibang tao, may mga kasama at nagsasaya. Bakit kasi nagpaiwan pa ko kila mommy. Ang loner ko tuloy.
Pagkatapos kong masabi yun kay Justin, humiwalay na ko sa yakap. Nakakahiya >____<
“S-sorry.” Yan lang ang nasabi ko, tapos tumayo na at naglakad.
Pero di pa ko nakakalayo…
“Jenny…”
Huminto ako at nilingon sya.
Nagsalita naman ulit sya.
“Hatid na kita?”
Hindi ko alam pero, umiling ako. At tuluyan nang naglakad.
Nakakahiya! Nakakahiya ka Jenny! Ang iyakin mo kasi! >_______<
Paano ko sya haharapin sa school bukas? UGH. Kainis talaga! Ang drama drama ko kasi.
-----
Habang naglalakad ako sa hallway, nagkasalubong kami ni Justin.
Nakuu, pano na to. Ang awkward.
Parehas kaming napatigil sa paglalakad.
“Uhh… Justin.. Pwede ba tayong mag-usap?” Hindi ko alam pero yan ang nasabi ko kahit medyo kinakabahan ako. Baka kasi kung ano nang iniisip nya tungkol sakin.
“A-about san?”
“Yung kagabi.. Justin kasi.. Ano… Sorry… Di ko sinasadyang sabihin yun. Emotional lang kasi ako.” Tuloy tuloy kong sinabi yung last sentence.
“Ahh, yun ba. Okay lang.”
“Osya, see you around Jen. May klase pa ko e.”
At tuluyan na syang naglakad palayo. Umiiwas ba sya?
JUSTIN’S POV:
Di nya pala sinasadya yun. :(
Teka…
Bakit ako nanghihinayang?
Eh bahala na nga.
Studies first. Studies first. Wala muna lovelife.
Ehh?? Lovelife??? Anung lovelife dun? Friends lang kami ni Jenny. Friends.
Pero diba dun naman nagsisimula yun?
Aish!!! Lumalanding bakla na ko.
Siguro kailangan ko na talaga iwasan si Jenny, baka kung ano pang feelings ang madevelop. ><
CINDY’S POV:
Yeeey! Pasukan na!!
Grabe pala magenroll sa college. Buti na lang kasama ko si kuya. Wahahahahaha. XD
Sinabay ko na lang kay kuya yung ipapaencode ko sa admin, ang haba kasi ng pila eh =____=
Ang bait nya talaga. Kaya wala na kong gagawin kundi pumasok. ^____^
So yeah, eto na. Naglalakad na ko sa hallway, medyo kinakabahan ako pero okay lang.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang…
*booogsh*
Napahawak ako sa noo ko, ang sakit!!!
“Hey! Watch where you’re going, idiot!” Sigaw nung lalaking nakabangga ko.
Aba! Ang yabang neto ah! Tawagin pa kong idiot. Ang yabang. Aish!!
Nasaktan din naman ako ah ><
“Di ko naman sinasadya ah! At sino ka ba para tawagin akong idiot? Idiot your face!” Sagot ko. Ang lakas ng boses ko. Di pwedeng di ko sasagutin to. Kainis talaga sya.
“Whatever you’re blocking the way!” Sya yan. May accent pa ang mokong.
“Who do you think you are to call me idiot?! Jerk!!!” Nabbwisit na talaga ko dito. Kainis ang first day of college ko.
“And who are you to call me jerk?! You’re the one who bumped on me!” Aish. Kelan ba kami matatapos magsagutan dito. Nakakapagod na din ah.
Hindi naman sa di ako marunong mag-english, pero kasi may klase pa ko plus pinagtitinginan na kami.
This guy ruined my first day! Late na ata ako. Great!!!
“Look mr. Jerk, I didn’t mean to bump on you. So if you will excuse me, I have a class to attend. Bye!” Sabi ko at umalis na agad agad.
NagCR muna ko. Then pumunta na sa klase ko. Patay! Andito na yung prof.
“Sorry ma’am, I’m late.” Sabi ko tas napayuko na lang ako. Tinignan lang ako ng matalim ni ma’am kaya umupo na ko sa nag-iisang bakanteng upuan. Nakakahiya talaga. Kung hindi dahil sa lalaking may accent na yun, di ako malelate. Bwisit ><
Di na ko nag-abalang tignan tong katabi ko, para san pa? E napahiya na nga ako dahil late ako.
Ang discussion lang naman ngayon ay about sa grading system and syllabus. Pssh. Major subject pala to kaya terror ang prof.
Nung medyo na-bore na ko, nagtingin tingin na ko sa paligid. Nakakasawa yung mukha ni Ms. Prof Masungit e.
Hanggang sa mapadpad yung tingin ko sa katabi ko… At tignan mo nga naman ang pagkakataon..
“YOU?!”
“IKAW?!” O______O
Naman oh! Bakit sya pa!! >><<
A/N:
Pa-vote po, for motivation lang. Thank you :))) :*
Anyways, there's Cindy Lee on the side. :)
Yes, she is Ann Li/ Li Yi Shuan of PBB. :)))))
I hope you can give me some comments and whatsoevers. Thankyouuuu po sa mga nagbabasa. Sana basahin nyo pa rin. More characters to be revealed... soon. :*
Smile :)