Chapter 3

189 6 1
                                    

CHAPTER 3

CINDY’S POV

Hayy nako, naging instant tiga-punas pa ko. Sino ba kasi tong dala ni kuya na to? Anu ba yaaaaan. Di ko tuloy makakasama tong kwarto ko for a night. Pero okay lang, si kuya naman kasama ko :))))

Tama nga si kuya, ang laswa ng suot. Nakasuperfit tube dress kasi tapos kitang kita ang curves nya. Pero in fairness, maganda yung pag-mix and match ng accessories nya, and okay lang din naman yung dress nya, maikli nga lang talaga.

Wait, nakakaloka tong babaeng to ha. Ito ang KAUNA-UNAHANG BABAE na dinala ni kuya dito sa bahay. Eh puro mga beki friends lang sinasama nya dito, ni hindi pa nga nagtatagal ng ilang oras. Tapos this girl papatulugin pa? Errrrr. Why do I smell something fishy? Di kaya??? OH MY GOD. Chos lang! XD

Ayun, after ko syang punasan, pinalitan ko na sya ng shirt and pajamas. Pero di ko pinakialaman yung undies nya ha. Gruuuubeh.

JENNY’S POV

Super sakit ng ulo ko nung gumising ako. >__<

Tumingin tingin ako sa paligid. Ang cute. Pero wait, nasan ba ko? Kaninong kwarto to?

May nakita akong picture sa bedside table, si Justin tsaka yung kapatid nya.

Ugh. Oo nga pala. Sabi ni Justin kahapon may gig sya at 8pm, kaya pumunta ko dun. Gustong gusto ko syang nakikitang kumakanta, ang galing galing nya kasi eh. Well, I can say na napapangiti ako pag naririnig ko syang kumakanta. Actually, hindi ko first time mapanuod sya kagabi. Lagi akong pumupunta dun pag alam kong may gig sya tsaka pag nag-aaway kami ni Paul. And speaking of Paul, tinawagan nya ko kagabi, nakipagbreak sya sakin. Ang boring ko daw na girlfriend, tapos lagi na lang kaming nag-aaway. Kasalanan ko ba kung madami akong ginagawa sa school?

Ayun nga, naglasing ako. At hanggang dun lang ang naaalala ko.

Teka, bakit iba na damit ko? Sinong nagpalit sakin? Di kaya si….? Nakoooo patay.

Bumaba ako. Nakita ko si Justin tsaka yung kapatid nya sa dining table.

“Morning.” Sabi nung kapatid nya habang naglalagay ng isa pang cup, if I’m not mistaken, Cindy ang name. Hindi naman kasi makwento si Justin about sa family nya eh. Well, bakit nga naman sya magkkwento.

“Hi. Sorry kung naabala ko pa kayo. Uuwi na ko.” Sabi ko, nakakahiya na kasi talaga. Suot ko pa tong damit ni Cindy.

“Magbreakfast ka muna… ate.” Sabi ni Cindy, pero bakit nag-aalangan ata sya sa pagsabi ng ate?

“Si Cindy nagpalit ng damit mo, wag kang hopia.” Sabi naman ni Justin. Medyo naka-smile sya, ang gwapo. “Ahh, thank you Cindy. Sorry talaga sa abala.” Sabi ko.

“Upo na po, wag nang papilit.” Sagot naman ni Justin habang hinihila yung isang upuan para paupuin ako. Gentleman. ^_^

Syempre umupo na ko. Sus, KJ pa ba ko? Medyo crush ko kaya to si Justin.

Oops.

Okay, ano pang magagawa ko, nasabi ko na. Oo, medyo crush ko sya. Hindi kasi sya yung tipo ng baklang ang ingay ingay tapos wagas magmake-up at magsuot ng pambabae. Simple lang sya. Pants and tops lang ang usually na suot nya. Tapos laging naka-shoes, minsan sneakers, minsan rubber shoes. Yung ibang beki kasi, nagddoll shoes and heels pa. Eh basta, iba talaga si Justin. Bakla nga kaya toh? CHOS. Too much thinking Jenny…

Nagbreakfast kami. Si Cindy, kwento ng kwento. Madaldal din tong babaeng to eh noh? XD Pero I like her. Super jolly and witty.

“Cindy, ang daldal mo sis.” Sabi ni Justin. Kung anu-ano na kasi kinkwento ni Cindy.

“Alam mo ba ate Jenny, nung sinamahan ako ni kuya mag-enroll sa school ko, tameme yung mga tao sa admin, pano ba naman kasi, ang dami pang tanong, hindi na lang ako bigyan ng form, binara tuloy sila ni kuya.” Tapos tumawa kami ni Cindy. Si Justin naman, naka-smile lang.

“Dapat lang naman sakanila yun noh. Ang babagal kasi kumilos. *roll eyes*” Sabi ni Justin. Tapos tumawa ulit kami. Now I know, dumadaldal at mas nagiging masayahin si Justin pag kasama nya yung kapatid nya. Buti pa sila K

“Ate Jen… Huy.”

Ay kahiya, natulala pala ako sa harap nila. Hahaha. Naisip ko kasi yung kapatid ko. =___=  Kamusta na kaya yung mokong na yun? :3

Nagkwentuhan at nagtawanan pa kami hanggang matapos kaming magbreakfast. :DD

He's InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon