MMMF.12-Chua's Mansyon

6K 134 0
                                    


-majesty-

Ito na yung araw na makikita kuna yung shaun na yun kasi nagyong araw na yung simula ko bilang maging isang maid ng fiance ko badtrip! Sa ganda kong to magiging maid lang ako tsss !

"Anak andyan na yung sundo mo " sabi sakin ni mami pag pasok niya dito sa kwarto ko . Tapos nanaman ako magayos ng gamit ko

Nagmumunimuni lang ako dito sa kwarto ko kasi matagal akong mawawala huhuhu mamimiss kotong kwarto ko

"Anak ano ok kana?"tanong ulet ni mami .Tumango lang ako nalulungkot ako dahil ang ganda ganda ko tapos maid lang ang peg ko

Doon pa sa shaun na yun! Tanga ko kasi madami namang option yun pa nasabi ko . Pero wala ng choice ito na yun ee

"Bye yaya " paalam ko kay yaya tasing ng nasa pinto na kami "magiingat kadun ha ! Yung tinuro ko sayo ha gawin mo "paalala niya kasi nagpaturo ako sa kanya noong nakaraang araw kung paano maging isang maid

At isa lang masasabi ko wala pa nga pero parang ang hirap na nagpraktis pa nga kami kahapon ni yaya tasing kunwari ako siya tapos ako yung maid niya

At ang magaling kong yaya talagang pinagod ako pinaghugas ako ng pinggan pagkatapos ng tangahalian at hapunan tapos pinagwalis ako basta ang dami pa

Tapos yung magaling kong mga kuya tawa lang ng tawa tas nakikisali pa sa kakautos .

"Bye princess !lagi kang tatawag ha !"sabi ni kuya marky " tumawag ka lang pag pinahihirapan ka nun ha ! Tas bantayan mo din si ano ha ! Alam muna kung sino"at sino paba edi ang girlfriend niya

Pabulong niya lang yun sabi kasi hindi pa alam nila mam at dad kami lang magkakapatid nakakaalam saka si chinglyn

Pero yung bruha wala ngayon kasi sinama siya ng parents niya sa Singapore kakaalis niya lang kahapon mamimiss ko yung bruha na yun ! Hayy

Nagpaalam nadin ako sa mga magulang ko aalis nadin kasi sila bukas babalik na sila sa korea at babalik nalang daw sila sa engagement party namin

Talgang tuloy naba to ? Dahhh sana hindi. Hahanap talaga akong ng paraan para hindi matuloy

Lumabas nako at bongga si mrs.chua pa nagsundo sakin "hija !"sabi niya ng nakasakay nako sa sasakyan nila

"Hello po " sabi ko at nakipagbeso "hija hindi ka mukhang maid "sabi niya sabay tawa

Hindi paba to nabaduyan nga ako sa suot ko nakapantalon lang tapos tshirt pero nakahills ako para naman magmukha akong tao

Ilang oras lang ang byahe at nakarating na kami sa mansyon nila mas malaki sa mansyon namin

"Handa kana ?"tanong sakin ni mrs.chua habang hindi pa kami bumababa tumango nalang ako at ngumiti

Bigla akong kinabahan ng bumaba na kami sa sasakyan
Pumasok na kami at nagulat nalang ako ng nakita ko si ate shaine sa may sofa nila nanonood

"Shaine !"tawag ni mrs.chua kay ate shaine kaya napatingin siya samin nanlaki yung mata niya pero
Ngumiti lang siya at lumapit sa pwesto namin
"Sino siya mi ?"sabi ni ate shaine at sumimpleng kindat sakin

"Siya si majesty anak bago nating maid "paliwanag ni mrs.chua "maid ? Dahhhh ang dami na nating maid " maarting sabi ni ate shain

"Well hindi naman talaga siya dito sa bahay natin kasi maid siya ni shuan kaya doon siya sa condo ni shaun tutuloy "nanlaki yung nata ko

Putik kaming dalawa lang doon " Ohhh I see "tumatanong sabi ni ate shaine

"Shaine wait lang ha ! Kausapin mo muna tong si majesty tatawagin ko lang si shaun " paalam ni mrs.chua

"Grabe ha !ang hirap umarte !"sabi ni ate shaine kaya medyo ako natawa kasi pati siya kaylangan niyang magpanggap na hindi kami magkakilala

"Ate kinakabahan ako !"nahihiya kong sabi
"Ok lang yan ako bahala sayo tutulungan kita !"paalala niya paano kaya niya ako tutulungan ?

Hayyy nakakatense !

My Maid My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon