MMMF.23-restobar

5.7K 128 1
                                    


-majesty-

Andito kami ngayon sa isang resto bar medyo malapit lang sa hotel

Pagpasok na pagpasok palang namin napakaingay na at ang daming taong nagsasayawan sa gitna .

Pagkalagay namin ng mga gamit namin kanina sa mga kwarto namin nag aya ng magpunta dito si ate shaine

Sa baba kasi nito may kainan at dito sa taas bar kaya pagkatapos namin kumain nagaya na silang umakyat dito sa taas para makipag party party .

"Sis ano iinumin mo ?"tanong sakin ni ate shaine ng nakaupo na kami dito sa pabilog na upuan katabi ko si chinglyn na katabi naman si kuya marky sa kabila ko naman si shaun sa harap namin sila kuya mackie at ate shaine

Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita sila kuya at si shaun "juice lang siya " sabi nila yan ng parang choir kaya natawa kaming lahat

"Isang bocket ng sanmig "sabi ni ate shaine sa waiter at hindi pinansin yung sinabi nila kuya at shaun

"Hoy kayo ! Hayaan niyo ngang mag enjoy si majesty !"duro niya kila kuya at shaun . Napailing nalang sila

O.a kasi nila ! At itong katabi ko nanahimik lang " Best ok ka lang ?" Siko ko sa kanya

Tumango lang siya at ngumiti ano ba publema nito ! Dumating kagad yung order namin binigyan kaming tigisa ni chinglyn ni ate shaine . Sanay naman ako uminom basta yung sakto lang

Tutunggain kuna sana ng biglang agawin ni shaun "isang bote ka lang "sabi niya at binitawan din yung kamay ko .

"Ewan ko sayo !"sabi ko at tinungga yung san mig . Pait ! Napangiwi ako dun ha ! Pero ayos lang

"Guys sayaw tayo dun !"sabi ni ate shaine at hinaltak patayo si kuya mackie kaya wala ng nagawa

"Halika sayaw din tayo !"aya ko kay chinglyn at tumayo nadin aalis na sana kami ng bigla akong hilain ni shaun

"Dito ka lang !"pigil niya
"Wag ka ngang epal !"sabi ko sabay hila ng kamay ko minsan lang ako mageenjoy pipigilan niya pa !

"Tss bahala ka nga! Pag may nambastos sayo dyan bahala ka !"rinig kong sabi niya hindi ko nalang pinansin at hinila kuna si chinglyn

------------

-shaun-

Nakakainis tong babae nato napakatigas ng ulo . Sabi ng wag ng makisayaw dun at talagang nakisali pa dun

Wala nako nagawa kaya pinanood ko nalang sila habang nagsasaya sa harapan
"Shaun ayaw mo makisali sa kanila ?"tanong sakin ni marky nasa tapat ko nakatingin lang din siya kila princess

Umiling lang ako . Mas gusto kupang uminom kesa makisayaw doon

Napakunot ako ng noo ng may lumapit kay princess . "Don't touch me !"rinig kong sigaw ni princess kahit maingay narinig ko padin yung sigaw niya

Napatayo ako kaya pati si marky napatayo "baket ?"tanong niya

Hindi ako kumibo kasi tinitignan ko kung ano na nagyayari . Nakita ko ng sinampal niya yung lalaking lumalpit sa kanya at yumakap kay chinglyn

Hindi nako nagdalawang isip puntahan sila at paglapit ko nakita ko yung lalaki na hinihila si princess

Agad ko siyang kinewelyuhan at binigyan ng suntok kaya napabagsak hindi ko siya tinigilan suntukin

Hanggat nakikita ko siyang humihinga hindi ko siya titigilan sa kakasuntok ng biglang may yumakap sakin sa likod

"Shaun ta-ma na !"nanginginig na boses ni princess kaya napatigil ako

"Ok kalang ?"tanong ko sa knya ng nakatayo ako at agad ko siyang hinarap

Tumango lang siya at umiyak sa dibdib ko . Inalalayan kuna siyang umalis doon dahil nakagawa na kami ng eksena

Dumating din yung bouncer at kinuwa yung lalaki palabas. sininyasan ko yung D.J na pagpatuloy na yung tutugan

Kaya ng tumugtog nawala na yung atensyon samin nung mga tao

Dinala ko siya sa lamesa namin at pinaupo kasunod na pala namin sila shaine

"Ano nangyari ?"nagaalalang tanong ni shaine . Hindi ko napansin na hanggang ngayon nakayakap padin siya sakin

"Amm sa tingin ko kaylangan niya na magpahinga ."nagsitanguan lang sila at si princess tahimik lang na nakayakap sakin . Sana ok lang siya !

Napagdisisyunan namin na bumalik na sa hotel ng makapagpahinga na . Bukas nalang namin kakausapin si princess

My Maid My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon