MMMF.27-lastday

6.2K 131 0
                                    


Andito kami ngayon sa strawberry farm at kahit sobrang sinag ng araw ngayon baliwala ang saya kaya manguha ng strawberry

Pagkagising ko palang kanina ito na kagad naisipan kong puntahan kasi ito nalang hindi naman napupuntahan at dahil lastday na namin dito susulitin na namin

Yung mga nakaraan na araw nalibot na namin ang buong baguio at lahat ng pwedeng bilin na bili na namin .

"Baby !"uminit nanaman ang ulo dahil may bwiset na tumatawag sakin at sino paba ?

Simula nung may nangyari sa mall ganyan na siya laging niya ako tinatawag sa endearment niya . At hindi ko nalang pinapansin

Hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagkukuha ng mga strawberry at konti nalang puno natong basket na hawak ko pati nga sila kuya at chinglyn ayun tuwang tuwa din .

Nagulat ako ng biglang may humaltak sa hawak ko basket "ano ba ?!" Seryoso ako habang kumukuha ng strawberry tapos bigla tong eepal si shaun

"Baket ba hindi ka namamansin?"nagtanong pa siya . Simula kasi nung nakawan niya ako ng halik ay nailang nako sa kanya

Kung maari ngang iwasan ko siya iniiwasan ko ee pero itong kupal nato lapit padin ng lapit . Nakakainis yung presensya niya !

"Baket ba ang kulit mo ?"tanong ko din sa kanya

"Eh baket hindi ka namamansin ?"at aba ang loko lalo pang nangasar umatras palapit sakin kaya napaurong tuloy ako .

"Pa-kielam mo ?" Bwiset kasi ee ang lapit niya , nauutal tuloy ako

"Alam mo nitong mga nakaraang araw napapasin kita na iniiwasan muko !?" Wow nagtanong pa siya !

"Alam mo naman pala !nagtatanong kapa !" Hindi sa nagmamaldita ako simula kasi ng hinalikan niya ako lagi na nagloloko yung takbo ng puso ko at alam kong may mali . Kaya mas minabuti kong sungitan at baliwalain siya pero hindi ganun ang nangyayari ! Kaya naiinis ako sa sarili ko

"Alam mo pinipilit kong mapalapit sayo yung makilala ka ng tuluyan para maging kumportable na tayo pero ikaw tong binabaliwala ang mga ginagwa ko " natameme ako sa sinabi niya para bang pagod na may inis yung tono ng boses niya

"Baket muba ginagawa yun ?" Simpleng tanong ko hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya .

"Kung nakakalimutan mo fiance muko at kahit dahil lang yun sa  arrange marriage na yun hindi yun ang tingin ko sayo ... I like you majesty !" Para akong naistatwa sa sinabi niya.  Nagcoconfess ba siya ? Ang bilis! ang gulo .

Hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy siya

"Alam kong naguguluhan ka na parang ang bilis pero unang kita ko palang sayo nakaramdam nako ng kakaiba alam muba dati ayaw kong magkaroon ng isang seryosong relasyon kasi hindi pako handa pero nung nakita kita nagbago lahat.  Lalo na ng nalaman ko na ikaw pala yung fiance ko natuwa ako pero ..."

"Shaun !"awat ko sa kanya kasi hindi kuna kaya yung mga sinasabi niya I feel speechless

"Pero mukhang hindi tayo parehas ng nararamdaman .sabi ko sa sarili ko nung nalaman ko na fiance kita gagawin ko ang lahat para mahulog ka sakin kahit napakaimpusible nun kasi hindi kapa handa sa disisyon ng magulang natin . Pero wag kang magalala kung ayaw mo talaga sakin don't worry ako nagsasabi sa magulang natin at ako ng ang aayaw sa arrange marriage nayun ! " pagpapatuloy niya. shit nman oh ! Gusto kong tumutol sa sinabi niya kasi parehas lang kami ng nararamdaman pero walang lumalabas na boses sa bibig ko

Hanggang sa namalayan kong umalis na siya sa harapan ko at nakita ko nalang na nasa tapat ko yung basket na kinuha niya .

Ganun nalang bayun ? Hindi niya man lang ako pinagsalita ? Hindi niya ba nararamdaman na kaya lang naman ako lumalayo dahil nahihiya ako na baka malaman niya na nahuhulog nako sa kanya .

Nahihiya ako at Natatakot na baka magkaiba kami ng nararamdaman pero hindi pala...

Gusto din kita shaun pero natatakot ako ...

My Maid My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon