MMMF.17-shit !

5.7K 131 1
                                    


-shaun-

"May apointment paba ako ?"tanong ko sa secretary ko andito ako ngayon sa kumpanya namin

Tinitraining palang ako ni dad pero parang ako na humahawak ! Nakakapagod !

"Wala napo sir"sabi ng secretary ko at buti naman kasi 7:00pm na ng gabi . Kaylangan kuna umuwi kasi magisa lang si princess sa bahay .

Hayyy hindi uuwi na pala ako kasi gabi na ! Wala akong pakielam kung magisa lang siya sa condo noh malamang maid ko siya kaya obligasyon niyang umistay sa condo ko

Tumayo nako at inayos kuna yung mga gamit ko ng makauwi nako .

Mga 8:00pm na ng nakarating ako dito sa condo natraffic pa kasi ako .

Pagpasok ko ng condo ko ang tahimik patay lahat ng ilaw kaya napakunot noo ako

Asan na kaya yung babaeng yun ?! nilagay ko sa sofa yung gamit ko at umakyat

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita kong nakaawang yung guess room yung kwarto ni princess kaya napakunot noo ako

Pagpasok ko nakita ko siya nakahiga pero sa isang side siya nakatingin . Aalis na sana ako ng makita kung parang nanginginig siya

Nagmamadali akong lumapit sa kanya para tignan nakita kong nakapikit lang siya pero may tumutulong luha sa mata niya at nanginginig padin siya

"Hey ! Wake up !"medyo inalog ko yung balikat niya . Pero umungol lang siya kasi pati labi niya nanginginig

Hinipo ko yung noo niya
"Shit !ang init mo "inaapoy ata siya ng lagnat kasi sobrang init ng noo niya

Wala nakong ibang naisip gawin kundi dalin siya sa hospital . Ano ba naman yan oh ! Pagod na nga ako .

Binuhat kuna siya at habang bitbit ko siya nanginginig padin siya

Baket ba siya nagkaganto ?
Ano bang ginawa niya ? Ang dami kong tanong nakaka inis naman oh

Andito na kami sa sasakyan ko maingat ko siyang hiniga sa backseat at napadali yung pagsakay ko sa kanya kasi tumulong yung mga guard

Nang nakasakay nako mabilis kong pinaandar yung sasakyan ko. Paano nalang kaya kung gumimik pako? Siguro ano ng nangyari sa kanya

Hindi man lang ba kasi tumawag na may sakit siya . Nakakainis naman oh baka ano mangyari sa kanya !

"Mo-mmy?"narinig kong iyak niya . Mommy?maid kuba to ? Well hindi naman lahat lang ng mayaman ang pwedeng tumawag ng mommy sa magulang nila

Hindi ko nalang pinansin kasi dapat madala kuna siya sa hospital .

At buti nalang hindi traffic andito na kami sa hospital nagmamadali akong bumaba at pinuntahan siya

Ganun padin siya nanginginig at umiiyak binuhat kuna siya habang buhat ko siya bigla siyang yumakap sa leeg ko

"Ku-ya !"nanginginig niyang tawag . Hinayaan ko nalang siya at tinakbo ko siya sa loob ng E.R babalikan ko nalang yung sasakyan ko

"Ano pong nangyari sa pasyente ?" Tanong sakin ng doctor ng nalapag kuna si princess sa hospital bed

Sinabi ko sa kanya kung paano ko naabutan si princess sa higaan niya .

Nilalaboratory na siya ngayon kaya nagpaalam muna ako sa doctor na lalabas muna ako

Pagkatapos ko iparada yung sasakyan ko umupo muna ako dito sa labas . Sino ba pwede kong tawagan ? Naisip kong tawagan si shaine tama si shaine

Nakailang ring lang at sumagot na siya "Kuya ?"sagot niya sa kabilang linya

"Hello shaine ? Asan ka ?"tanong ko kasi nakarinig akong tunog ng sasakyan

"Pauwi na sa bahay baket ?"disoras na ng gabi nasa galaan pa talaga naman tong kakambal ko kababaeng tao lakwatsera

"Pwede bang dumiretso ka dito sa ****** hospital ?"sabi ko sa kanya

"WHAT?ANO NANGYARI SAYO ?" Nalayo ko yung cellphone ko sa tenga ko kasi sa sigaw niya

"Please wag kang sumigaw ok ? Walang nagyari sakin. Sinugod ko yung maid ko dito kasi inaapoy siya ng lagnat " sabi ko

"ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO HA ? PAG---"napakunot noo ko sino yung kasama niya? Baket boses lalaki at anong sabi niya ? Ano daw ginawa ko sa kapatid niya ?

"Sige kuya papunta nako ! Bye !"bigla niyang akong binabaan ng tawag napakunot noo nalang ako

Pumasok na ulet ako sa loob ng E.R aantayin ko nalang sa loob si shaine

My Maid My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon