MMMF.24-GoodMorning

5.5K 114 1
                                    


-majesty-

Nagising ako na maga ang mata ko. Hindi ko talaga inaasahan yung nangyari kahapon sa resto bar

Para akong napipi at gusto ko lang umiyak . First time ko mabastos ng ganun . Napaiyak ako kasi hinawakan niya yung shit! Ayaw kong isipin naiiyak ako

"Hi bestfriend good morning :)" nagulat ako ng nagsalita si chinglyn nasa kabilang kama siya at mukhang kakagising lang pero asan si shaun ?

"Hi goodmorning :)" bati ko at umupo baket siya yung nandito?naalala kupa yung kagabi kung paano ako pinakalma ni shaun

Kinantahan niya pa ako walang malisya pero nakahiga kami kahapon sa kama ko at nakayakap ako sa kanya habang kinakantahan niya ako hanggang sa nakatulog ako

"Nasa kabilang kwarto siya nakipagpalit siya sakin "biglang sabi ni chinglyn

"Ha?" Nakakabasa bato ng isip ? "Alam kong hinahanap mo si shaun !"natatawa niyang sabi

"Hindi no!"patanggi ko .

"Indenial ! Makaligo na nga !"sabi niya at tumayo

Nagunat unat ako ng biglang may kumatok kaya tumayo nako para tignan kung sino

"Hi goodmorning :)"nakangiting bati shaun . Aga nito ha !

"H-i good morning "sabi ko at ngumiti ng pilit para tuloy ako nailang sa kanya dahil sa nangyari kagabi

"Are you ok?"tanong niya

"Amm yes !"masaya kong sagot na halata namang pilit

Pero ok nako . Ayaw kunang isipin yung kagabi ayoko maapektuhan yung bakasyon namin ng dahil sakin

"Good . Pumunta ako dito kasi pinapunta ako ng kuya mo para sabihing bumaba na kayo para makapag breakfast na tayo " sabi niya

"Aa ok sige susunod na kami "nakangiti kong sagot

Tumango lang siya at nagpaalam na mauuna na

Pagkatapos maligo ni chinglyn sumunod nadin ako at ng nakapagayos na kami bumaba nadin kami para makapag breakfast

"Good morning !"bati ko sa kanila pagbaba namin ng hotel nakaupo sila sa sofa at mukhang kanina pa sila nagaantay

Nagaya nadin sila sa isang resto para makapag breakfast na kami

Nahahalata ko na gusto nilang magtanong tungkol sa nangyari kagabi pero mukhang ayaw nila mag open kaya ako na unang nagsalita

"Ammm sorry ... about what happened lastnight "sabi ko ng nasa sasakyan na kami si kuya mackie padin ang nag dridrive pero yung seating arrangment namin nagiba

Dahil katabi kuna ngayon si chinglyn

"Wala yun princess naiintindihan ka namin at sorry kung hindi ka namin natulungan doon sa manyak na yun !"sabi ni kuya mackie

"Gusto muba magsampa ng kaso ?"nagaalalang tanong ni kuya marky

"Wag na kuya ! Ok nako !" Sabi ko kaagad kahit gusto ko siyang kasuhan dahil sa ginawa niya pero isa yung mahabang pruseso

At ayoko masira yung bakasyon namin dito kasi minsan lang kami nag kabonding ng ganito

At makakalimutan ko din naman yun .

"Kung yan ang disisyon mo . Ok. Pero kung ako tatanungin mo hindi ko lang siya kakasuhan . Baka mapatay kupa siya !"galit na sabi ni kuya mackie

Nakakatakot talaga pag nagagalit yung mga kuya ko "babe !"saway ni ate shaine

"Mga kuya kalimutan na natin yung nangyari kagabi nandito tayo para mag enjoy so forget about what happened lastnight!" Masaya kong sabi

Ayoko masira to kaya pipilitin kong maging masaya nagsingitian lang sila sa sinabi ko

Kaya bumalik yung kulit nila at puro tawanan lang kami haggang nakarating sa resto.

My Maid My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon