Chapter 19

27 4 0
                                    

Patalon-talon akong lumapit kay Ramesses nang makitang nag-iisa lang siyang nakatambay sa labas ng room.

"Hi, baby! Bakit ka nag-iisa dyan?"nakangiting tanong ko dahilan upang mag-angat siya ng mukha.

"Bakit ganiyan ka, Suelmin?"

Umawang ang aking labi nang marinig kung gaano kaseryoso ang kaniyang boses, lalo na nang tawagin niya ng buo ang aking pangalan. Nakakapanibago.

"Huh? Anong bakit ako ganito?"

Tumayo siya at nagpalinga-linga sa paligid bago ako muling hinarap. Inabot niya ang aking kamay at halos manlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Hinila niya ako papalayo sa aming room.

"Ramesses, saan tayo pupunta?"

"Mag-uusap tayo. May kailangan kang linawin sa akin."aniya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Nakarating kami sa bakanteng side ng katabi naming room at doon niya ako hinarap. Nanatili pa rin ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa akin kaya napababa ang tingin ko doon. Maya-maya pa ay naramdaman kong bumitaw si Ramesses. Napahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng pagtibok ng aking puso.

"Ang akala ko ba hindi mo na kakausapin si Murillo?"

Sinalubong ko ang masamang tinging ipinupukol sa akin ni Ramesses.

"Sinabi ko nga pero bakit hindi ba pwede? Wala naman akong ginagawang masama. Mabait siya at magkaibigan lang kami."

"Kaibigan pero palaging kausap? Ano? Nililigawan ka ba niya, Suel? May gusto ka rin ba sa kaniya?"

"Ramesses, bakit ka ba nagkakaganiyan?"

Isang sabi mo lang na nagseselos ka lalayuan ko ang lahat ng lalaking umaaligid sa akin, kahit si Lord or Guardian Angel pa. 'De choss lang.

"Dahil hindi mo makuha ang gusto kong iparating!"

"Ano bang gusto mong sabihin? Hindi kita ma-gets. Naiinis ka dahil palagi kong kausap si Ahern? Teka nga, nagseselos ka ba?"

Nawala ng sandali ang pagkakakunot ng kaniyang noo ngunit sumeryoso rin at tinalikuran ako. Humawak siya ng mariin sa railings at hindi ako sinagot.

"Ah! So, nagseselos ka nga?"

"Hindi ako nagseselos! Hindi kita gusto, baka nakakalimutan mo."

Ouchie ha! Nawala ang kilig na nararamdaman ko at napalitan ng pagkayamot.

"Eh bakit nagkakaganiyan ka?! Bakit apektadong apektado ka noong nalaman mong nakikipag-usap ako kay Ahern?"

"Suel! Manahimik ka na nga lang!"

Hinawakan ko siya sa braso at pilit na ipinaharap sa akin. Mas matangkad kasi sa akin si Ramesses at hanggang balikat niya lang ako. Pareho na kaming nakakunot ang noo ngayon habang nakaharap sa isa't isa.

"Anong manahimik?! Hindi! Napipikon na ako sa'yo ah! Sala ka sa init, sala ka sa lamig! Ano ba, Ramesses? Kung hindi mo pala ako gusto eh bakit ganiyan ka kung umasta ngayon? Dinaig mo pa ang isang boyfriend na nagseselos!"

"Dahil ang landi-landi mo! Lahat na lang ata ng lalaking nakikita mo ay nagugustuhan mo!"

Kumuyom ang aking mga palad. Gusto ko siyang sampalin ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

"Malandi na kung malandi pero sana alam mong mali ang iniisip mo! FYI! Ikaw lang ang lalaking gusto ko pero dahil sa ginagawa mo ay unti-unti ng naglalaho ang feelings ko para sa'yo!"

Maging ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata ay pinigilan ko. Hinding hindi ako iiyak. Walang iyakin sa pamilya namin! Lahat kami strong! Kinagat ko nang mariin ang dulo ng aking dila bago talikuran si Ramesses. Ni hindi man lang niya ako hinabol para mag-sorry. Tsk! Ang sama talaga ng ugali! Bakit ko ba naging crush ang lalaking 'yon? If he likes me naman, he could have told me! Hindi 'yung dadaanin niya ako sa pang-i-insulto.

Isang linggo, isang linggo ko siyang iniwasan dahil nasaktan talaga ako sa paratang niya. Hindi na ako lumilipat ng silya sa tuwing vacant, mas lalo na ang paglipat ko ng grupo kung nasaan siya.

"Nagmo-move on ka, 'te? Napapansin kong parang hindi ka na umaaligid sa ultimate crush mo ah."puna ni Moria.

"Ayoko na, pagod na ako."wika ko sabay kuha sa pagkain na inorder ko sa cafeteria.

"Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses mo na sinabi 'yan, pero kung pang ilan man 'yan ay ganoon din ang bilang na mapapako ang sinabi mo. Move on-move on pero mamaya naman ay makikita na ulit kitang nilalapitan siya. Sus! Sinong niloloko mo, Salmon?"nakangiwing sabi ni Moria.

"Hindi, totoo na 'to."pinal na sagot ko sabay bulsa ng sukling inabot sa akin.

Pagkaharap na pagkaharap ko sa aking likuran ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si Ramesses. Nagkatinginan kami ngunit ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Nilampasan ko siya at hinila papalayo si Moria.

"Omg! Totoo ba ang nakita ko? Hindi mo pinansin si Ramesses?"hindi makapaniwalang bulalas ni Moria habang tinatapik pa ang sariling pisngi.

Nakasimangot na naupo ako sa aming table at kaagad na nilantakan ang biniling burger.

"Tsk! Totoo na nga kasi 'to! Ayaw mo namang maniwala!"

"Pero bakit parang biglaan naman ata? Anong nangyari? Binusted ka ba ulit? Napagsabihan ng masasakit na salita? O na-realize mo lang na hindi mo na siya crush?"

"Secret."

"Ang damot sa chika! Alam mo namang 'yan na lang ang bumubuhay sa akin!"

Dahil sa pagkayamot sa kaniyang kakulitan ay dumampot ako sa kaniyang fries at walang pasabing isinubo iyon sa kaniyang bibig. Sinamaan niya ako ng tingin habang pilit na nginunguya ang ilang piraso ng fries.

"Hi, ladies! Pwede ba kaming maki-share ng table?"

Napadako ang tingin ko sa gilid at nakita sina Thomas, Jones, at ang hearrbreaker na si Ramesses. Walang puso! Maitim ang budhi! Nagtaas ako ng kilay bago tamad na umiling.

"Hindi."

"Bakit naman? Kasama namin si Ramesses. Crush mo siya, hindi ba?"sabi pa ni Jones.

Mas lalong napakunot ang aking noo. Sige, ipamukha mo pa, inaka!

"Noon 'yon, hindi na ngayon."

"Naku! Pagpasensyahan n'yo na 'tong babaeng 'to, may dalaw kasi kaya mainit ang ulo. Sa iba na lang kayo maki-share."sabat ni Moria habang wagas makangisi.

Hindi ko itinuon ang atensyon kay Ramesses kahit nasa gilid ko lamang siya. Sinong hindi magagalit? Ininsulto niya ako at kahit na crush ko siya ay hindi ko palalampasin iyon. Magkapasensyahan kami pero luluhod ang mga tala kung ako pa mismo ang lalapit at makikipag-ayos sa kaniya. Kailangan kong isalba ang natitira kong pride sa katawan, kahit ngayon lang. Malay ba natin at baka malaman niya na ang worth ko. Na hindi ako basta-bastang babae na marupok na hahayaan siyang tapak-tapakan ako.

"Ramesses! Dito na lang kayo sa table namin! Maluwag pa here!"maarteng anyaya ni Allison.

Pasimpleng iwinahi ko ang aking buhok at sinilip sila. Nakita kong naglakad nga papalapit ang tatlong lalaki sa pwesto kung nasaan si Allison. Mga uto-uto! Lumapit naman kaagad! Aso lang? Nakatalikod sa aking gawi si Ramesses, nakikita ko kung gaano kalawak ang pagngiti sa kaniya ni Allison. Edi sila na!

"Ayan, pabebe pa more! Umalis tuloy! Heto ka ngayon at pasulyap-sulyap!"

Binalingan ko si Moria.

"Paki ko sa kanila?"

"Awwwts! No more Ramin!"

"Daldal mo, kumain ka na lang dyan."

Almost YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon