Chapter 3

51 4 0
                                    

"Morning."matamlay na bati ko sa kanila nang madatnan sa hapag. Inaantok pa kasi ako. Humikab ako bago naupo sa tabi ni Ate. Nandoon rin sina Mama at Papa, maging ang asawa ng aking kapatid at ang kanilang tatlong anak.

"Suel ha, nagsumbong sa akin si Jody kahapon. Kung ano-ano raw kabastusan ang sinasabi mo sa klase niya."sermon ni Ate Kyla sa akin.

Napangiwi ako sa kaniyang sinabi ngunit nagpatuloy pa rin sa pagsandok ng sinangag. Nakalimutan kong mag bff nga pala sila ni Ma'am Jody. Parang others naman si Ma'am, pati ba naman iyon ay isinumbong pa niya?

"Nagkamali kasi ng dinig si Moria kaya itinama ko lang. Na-misinterpret lang ni Ma'am, 'no. Grabe ka sa akin, Ate."nakangusong wika ko pero napapailing lamang siya at mukhang hindi naniwala.

"Bakit? Ano bang sinabi mo at nagalit sa'yo ang teacher mo, anak?"tanong ni Mama. Ngumiti ako at umiling. Naku, bawal sabihin! Bawal sa matanda! Choss!

"Hehehe wala po, basta nagkamali lang po ng pagkakaintindi si Ma'am."

Matapos makakain ng almusal ay nagpaalam na rin akong papasok. Magkasabay kami ni Moria na nag-commute papasok sa school. Hindi pa rin mawala-wala ang antok ko. Hindi kasi ako umiinom ng kape sa umaga dahil sumasakit ang tyan ko. Nakaakbay ako kay Moria at tamad na tamad sa pagkilos.

"Ang bigat mo ha! Itutulak na kita dyan mamaya!"aniya pero hindi naman inaalis ang braso ko.

"Ihh! Inaantok nga kasi ako."

Hanggang sa makapasok kami sa room ay nakaakbay pa rin ako. Wala siyang nagawa kundi ang alalayan akong makaupo. Sumubsob ako sa aking desk ngunit makalipas ang ilang minuto ay nag-side view rin ako ng pagkakahiga habang nakaunan sa aking braso. Medyo nakakatulog na ako habang naririnig ang tila mga bubuyog sa ingay na mga boses ng kaklase ko. Mababaw lang ang naging pagtulog ko at ilang minuto pa ay nagising na. Nakakagana talaga ang pag idlip. Humikab akong muli at nag-stretching. Sa kaka-stretch ko sa aking braso ay may nahawakan akong kung ano. Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na nilingon ang kabilang side.

"Ay! Sorry!"napapahiyang wika ko ngunit nakahinga rin nang maluwag nang mapagtantong kamay lang pala ni Ramesses ang nahawakan ko. Akala ko kung ano at sino na eh. Kausap niya kasi si Mary Joy at may binabayaran na naman kung ano. Kunot noong nakatitig lamang siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Good morning, Ramesses!"masiglang bati ko.

"May muta ka pa."aniya kaya nagmamadaling napakusot naman ako sa aking mga mata.

"Wala naman ah!"nakangusong giit ko. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi bago ako talikuran. Nakapangalumbaba akong sinundan siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa kaniyang pwesto. Hala ka, marunong na siyang mang-asar, baka like niya na rin ako?

Hays Ramesses my loves, bakit ka ganiyan? Mas lalo tuloy akong nafo-fall sa'yo. Napahinto ako sa pagtitig sa kaniya nang may humarang doon. Nakita ko ang isa kong kaklase na dinaig pa ang negosyante sa pagka-business minded. Kinginamers 'to!

"Mga suki, bili na kayo!"aniya habang may dalang mga paninda.

"Pabiling dalawang hotdog."wika ko bago kinuha ang wallet sa aking bulsa.

"Yown! Alam na alam ko ng suki talaga kita, Suel eh!"nakangising aniya bago iabot sa akin ang binili.

Ang sarap naman kasi ng ibinebenta niyang hotdog. May coated iyon na harina at itlog. Hindi ako mahilig maglagay ng mayo kaya umiling ako nang alukin niya ako ng sauce.

"Dapat hot sauce kasi ang ginawa mo. Bukas ulit."

Tumango siya bago tuluyang lumampas. Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Ramesses. Sa ngayon ay kuntento muna akong pinagmamasdan siya. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng babae na pag nagkagusto ay palaging nakasunod at nakadikit. Errr, slight lang pala akong ganern.

Mabilis kong inubos ang aking kinakain dahil dumating na ang aming guro. Ipinasa ang mga test papers upang checkan. Awtomatiko namang inisa-isa ko muna ang mga dumaan sa akin bago iyon ipasa sa aking likuran.Hindi ko mahanap 'yung kay Ramesses. Nasaan na kaya ang test paper niya?

"Suel!"

Napalingon ako sa kabilang row nang may tumawag sa akin. Nakangiting iwinawagayway niya ang isang test paper. Ang akala ko noong una ay sa akin iyon ngunit nang ipapasa niya sa kaniyang mga katabi papunta sa akin ay napag-alaman kong kay Ramesses pala.

"I love you na talaga!"nakangiting sabi ko doon sa nagbigay sa akin ng test paper. Ipinasa ko rin ang dapat sana ay che-checkan ko.

Nakangiting kinuha ko ang aking red ballpen na napakadalang ko lamang gamitin, sa mahahalagang tai lang 'to 'no! Nagsulat ako ng corrected by sa dulong bahagi with hearts pa nga eh. Wow, ang ganda naman ng sulat ni Ramesses. Dinaig pa 'yung sa akin.

Ramesses Malcolm Mendez

Mrs. Suelmin Mendez, bagay na bagay!

Nakinig ako ng mabuti habang chineckan ang kaniyang test papers. Ang talino talaga ni Ramesses, dalawa lang 'yung mali niya. Hindi niya kasi na round off 'yung numbers matapos 'yung point .Ang sabi naman ng teacher ay dapat daw whole number kaya ayon at may dalawa siyang mali. Nagsitayuan na kaming lahat para ibalik sa kani-kanilang pagmamay-ari ang mga papel na hawak. Nakaupo lamang doon si Ramesses at mukhang malapit lamang sa kaniya ang kaniyang chineckan.

"Congrats! Highest ka."nakangiting wika ko bago iniabot sa kaniya ang papel.

"Thanks."aniya na tila wala lamang sa kaniya ang nakuhang score. Kung sa bagay ay sanay na siya kaya hindi na nakakagulat iyon.

"Estrada, maupo ka na."utos ng aming guro kaya bumalik na rin ako sa aking silya. Ako na lamang pala ang nakatayo! Ano ba kasi ang hinihintay ko doon? Pasko? Bagong taon? Himala?

Nakakuha lamang ako ng limang incorrect answers, bale second to the highest ang lola n'yo! Meant to be talaga kami! Oh my god! Anong magandang ipangalan sa soon to be panganay namin? Ramesses the second? Sinubukan kong mag-isip nang pinagsama naming pangalan kaso napangiwi rin ako kaagad sa pumasok sa aking isipan.

Ramesses + Suelmin = Ramin

Wews! Tunog Ramen! Baka asarin ang magiging anak namin don. No way! I have to think other names pa!

"Estrada?"

"Ramen!"wala sa sariling sigaw ko dulot ng pagkagulat.

"Estrada! Wala ka na naman sa sarili mo! Ano kakong score mo?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Nagtawanan ang aking mga kaklase.

"55 po."mahinang sabi ko at halos gusto ng lumubog sa kinauupuan.

"Lutang ka na naman, oy!"nakangising sabi ni Moria.

"Wala, may iniisip lang."

Sumandal siya sa kaniyang silya.

"Ano naman? Spill the chika, best!"

"Haays, sige na nga. Nag-iisip kasi ako kung anong pwedeng ipangalan sa magiging panganay namin ni Ramesses."

Nalaglag ang kaniyang panga at napapailing na tinitigan ako.

"Alam mo? Bwisit ka! Puro ka na Ramesses, Ramesses! Akala ko naman kung ano ng chika."aniya bago muling ituon ang atensyon sa harap.

Napabuga na lamang ako ng hangin at nangalumbaba habang iniisip kung saan kami pwedeng manirahan kapag naikasal na kami. Pero dapat ata unahin kong magplano sa kasal namin?

Almost YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon