Chapter 39

58 4 0
                                    

Things takes time. Iyon ang sabi ni Tita Fawzia sa akin noon pero ang paniniwala ko ay naging "Time takes everything." nang mabalitaang may girlfriend na si Ramesses at malapit ng ikasal.

Hindi ako nag-aksaya ng panahon at hinanap ang kinaroroonan nila. Masyadong maraming katanungan sa aking isipan. Halo-halo rin ang nararamdaman ko pero mas lamang ang lungkot at galit, feeling ko trinaydor ako. Bakit ni minsan ay wala silang nabanggit na mayroon na palang iba? Bakit pinagmukha nila akong tanga?

Kung hindi ko pa aksidenteng malalaman sa balita ay tila walang magsasabi sa akin. Rumagasa ang pagtatampo ko sa mga magulang ni Ramesses, madalas kaming makipag-communicate sa isa't isa pero wala silang nabanggit tungkol sa bagong girlfriend ni Ramesses. Isa pang bagay na nakapakasakit sa akin ay hindi naman kami nag-break bago ako umalis. Nilinaw ko naman sa kaniya iyon, sinabi kong cool off lang. Oo, I left him for two years straight without communication pero umaasa akong naintindihan niyang kailangan lang naman namin ng konting panahon para makapag-isip-isip. Umalis ako pero hindi lang naman para sa akin iyon.

"Tita! Tito, please lumabas naman kayo!"sigaw ko mula sa labas ng kanilang bahay. Kanina pa ako nagdo-door bell at sinubukan rin silang tawagan ngunit ni isa ay wala akong ma-contact. Ilang saglit pa ay bumukas ang gate at ganoon na lamang ang pasasalamat ko nang may lumabas na katulong.

"Nandyan ba sina Mrs. Mendez?"natatarantang tanong ko.

"Naku, wala po eh. Umalis po noong nakaraang araw pa kasi may party na gaganapin."

"Saan daw nagpunta?"

"Sa pagkakaalam ko po ay sa Palawan. Sino po ba sila?"

Hindi ko na inabala pang sagutin ang kaniyang katanungan nang makatanggap ng tawag mula kay Tita Hannah.

"Suel, what happened? Do you need anything?"aniya mula sa kabilang linya.

"I want to meet you, Tita. Nasaan po kayo sa Palawan?"seryosong sagot ko.

"Suel,"tila nabitin ang kaniyang boses at tila ayaw pang magsalita.

"Tita, please. I need to see you."

Nadinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya bago sinabi sa akin ang exact location. Wala na akong inaksyang oras at kaagad na bumyahe patungo doon. Ni gutom o pagod ay wala akong maramdaman, manhid na ata ako. Ang gusto ko na lamang ay makita sila upang mapatunayan ang aking hinala.

Hindi naman ako nabigo nang makita ko kaagad si Tita Hannah at Lincoln sa location na ibinigay nila. Isang private resort iyon at hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman kung bakit sila nandodoon. Alam ko ng sandaling iyon ay magaganap ang engagement party nina Ramesses at ng girlfriend niya. Hindi pa ako nakakalapit pero naiiyak na ako. Natanaw ako ng dalawa. Nanghihinang naupo ako sa kanilang tapat.

"Bakit n'yo inilihim sa akin?"

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Akmang lalapitan ako ni Tita ngunit pinigilan ko siya. Mabuti na lamang at walang ibang tao sa amin, may mga waitress kanina na at iba pang nag-aayos sa paligid ngunit nakita kong sinenyasan ni Tito Lincoln ang mga iyon upang umalis.

"I am s-sorry, anak. Ang akala kasi n-namin break na kayo. I thought you moved on kasi mukhang masaya ka naman sa ibang bansa, ganoon rin si Ramesses."umiiyak na paliwanag ni Tita.

Hindi ko mapigilang hindi matawa kahit umiiyak ako. Wala na akong pakialam kung anong hitsura ko.

"M-masaya? Ako, magiging masaya? Tita, umalis lang ako para bigyan siya ng space pero bakit ganito? Nilinaw ko sa kaniyang c-cool off lang naman po ang gusto ko kahit na maski ako ay tutol doon kasi gustong gusto ko... gusto kong manatili sa tabi niya pero ramdam kong ayaw niya na."

Almost YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon