Epilogue

92 4 0
                                    

"Putangina!"

Kunot noong nilingon ko ang sumigaw at nakita ang dalawang babae na tumitili habang nagtatatalon.

"Ang lutong naman non, Suel! Sisilihan ko mamaya 'yang bibig mo!"pananakot ni Ma'am Jody sa kaniya.

"May uod kasi, Ma'am. Sorry na, maganda lang ako pero may weakness din naman po."

"Sira ulo talaga 'yang si Estrada."napapailing na sabi ni Thomas.

Baka oa. Napabaling si Suel sa akin at mas lalong napakunot ang noo ko nang ngumiti siya at kumaway. Hindi naman lingid sa akin na gusto niya ako dahil ilang beses na siyang umamin. Hindi ko lang talaga siya gusto kaya hindi ko pinapatulan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa Camping Site. Inutusan kami ng tour guide na ayusin muna ang mga tent namin bago mag-prepare ng kakainin.

"Andyan na manliligaw mo."nakangising puna ni Jones kaya inilipat ko ang aking tingin sa kaniyang itinurong direksyon.

"Hi, Ramesses!"malawak ang ngiting tumabi si Suel sa akin.

"Hi, Suel."bati nina Thomas at Jones nang hindi ako magsalita.

"Oh! Hello, boys! Ramesses, pwede bang patulong sa pagbuo ng tent namin ni Moria?"

"Hindi."

"Ehh? Bakit?"

"Ayoko lang. Sa iba ka magpatulong."

"Eh gusto ko sa'yo. Please? Hindi ka ba naaawa sa dalagang katulad ko?"ngumuso pa ito na tila nagpapa-cute. Nadinig ko pa ang hagikhikan ng mga kaibigan ko na animo'y kinikilig. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Hindi."aniko at tinalikuran siya.

Maganda naman si Suel. Papasa na sa mga tipo ko pero masyadong makulit. Medyo isip bata rin pero naiintindihan ko naman minsan dahil ganoon kadalasan ang mga babae sa edad niya. Ang mas gusto ko ay ako 'yung naghahabol, mas may thrill. Mas nakaka-excite.

"Sir, saan ho ang cr?"tanong ko sa tour guide. Napangiti siya.

"Naiihi ka?"

Nagtataka man ay tumango na lamang ako. Kaya nga nagtatanong, malamang gagamit.

"Kahit dyan sa tabi-tabi na lang. Lalaki ka naman, walang makakapansin."tinapik pa nito ang aking balikat at iniwan ako upang tulungan ang ilang estudyante na magbuo ng mga tent.

Tangina ah. Ano ako aso? Napapailing na nagpalinga-linga ako ngunit wala namang natagpuang banyo maliban na lamang sa liguan na sobrang haba ng pila. Karamihan doon ay mga babae at sobrang tagal ng pagitan bago matapos. May isinasagawa pa atang ritual bago maligo. Naglakad-lakad ako nang hindi na makatiis upang humanap ng tagong lugar. I made sure that no one is around before I pulled down my zipper and do my thing. Ah, finally!

"Ramesses?"

Tangina! Hanggang dito ba naman? Nagmadaling isinarado ko ang aking zipper nang marinig ang boses ni Suel.

"Ramesses? Hoy! Ginagawa mo dyan?"

"Huwag kang lalapit!"inis na sigaw ko habang inaayos ang shorts at sinturon ko.

"Hala ka, napaano ka ba?"

"Just leave me alone, Suel!"

"Aba! Aba! Stop shouting, baby ha! Marinig ka ng mga engkanto dyan, sige ka baka lumiit 'yang sa'yo."humahagikhik na aniya at nang malingunan ko ay ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata. Natanaw ko rin ang papalapit na si Moria, kaibigan ni Kulit.

"B-bakit meron ka niyan?"

"Oo nga, bakit m-may abs ka na?!"oa ring sabi ni Moria.

Napakunot ang noo ko at sinundan ang parteng kanilang tinitingnan. Umangat ang sulok ng labi ko nang mapagtantong tumaas pala ng bahagya ang t-shirt ko. Marahang pinasadahan ko ng aking kamay ang aking sikmura.

Almost YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon