Chapter 7

43 4 0
                                    

"Tsk! Hindi kayo marunong makinig! Ako na nga ang pipili ng magka-partner!"reklamo ni Sir kaya nagtawanan ang iba samantalang ako ay nanatiling tahimik.

"Estrada, Mendez!"

Iyon lamang ang aking tanging narinig at halos mapako ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Sir. What?! Magka-partner kami ni Ramesses?! Hindi sa ayaw ko pero...
nagtatampo pa kasi ako sa kaniya. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan at hinayaan siya mismo ang lumapit sa akin. Kahit ngayon man lang sana ay siya ang humabol at kusang lumapit, hindi 'yung palagi na lang ako. Nakakapagod rin kasi.

"Oy, kilig 'yan deep inside! Simangot pa more!"pang-aasar ni Moria.

"Buti ka pa, Suel! Sana si ano rin ang maka-partner ko."wika ni Mary Joy.

Maya-maya pa ay nakita ko na lamang si Ramesses na nakatayo sa aking tabi. Abot-abot ang naging kaba ko lalo na ng magsimula na ulit magsalita si Sir para sa instruction.

"Face your partner!"

Humarap ako kay Ramesses ngunit nasa bandang dibdib lamang niya ang aking tinitingnan. Wala akong kangiti-ngiti sa labi. Hindi ko makalimutan ang ginawa niyang pagpayag kay Allison. Feeling ko nagtaksil siya sa akin. Lol!

"Mga lalaki, isang kamay sa itaas na bahagi ng bewang, bandang likuran. At kayo, mga girls, hawak sa balikat ng mga ka-partner n'yo gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakalapat sa nakalahad na palad ng lalaki."

Lumunok ako at hindi kumilos. Humawak sa aking bewang si Ramesses kasunod ng paglalahad niya ng kaniyang palad sa aking harapan.

"Estatwa ka ba? Bakit hindi ka gumagalaw dyan?!"iritadong tanong niya kaya napakunot ang noo ko bago umirap at kusang ilagay ang isa kong kamay sa kaniyang balikat. Muntik ko ng ilapit iyon sa kaniyang leeg. Ang sarap niyang sakalin eh! Inilapat ko ang palad ko sa kaniyang nakalahad na kamay at halos makuryente ako dulot ng kakaibang kilig pero galit pa rin ako ha! Walang titibag! Walang magpapadala sa gwapong 'to!

"Eyes on your partner, lalo ka na Estrada!"

Ako na naman? Favorite talaga nila ako. Favorite sitahin! Umirap akong muli bago iangat ang mukha at salubungin ang titig ni Ramesses. Seryoso lamang din siya habang nakatitig sa akin.

"Galaw-galaw! Baka pumanaw!"hiyaw na naman ng teacher kaya nag-umpisa na kaming sumayaw kahit walang tugtog. In short, mukha kaming tanga.

Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay tila nahuhulog ako lalo. Iniikot niya ako kagaya ng sabi ng teacher at muling iniharap sa kaniya. Sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko at halos makaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking tyan o baka naman natatae lang ako? Just kidding!

"Huwag kang masyadong kiligin sa akin."dinig kong wika ni Ramesses kaya napabalik ako sa aking sarili.

"Hindi ako kinikilig, 'no! Sa katunayan ay naiinis nga ako sa'yo. Duh!"masungit kunwaring sabi ko upang mapagtakpan ang kahihiyan.

Natulala ako nang umangat ang gilid ng kaniyang mga labi. Ngumiti siya?Ngumiti siya! Kyaaah! Why naman so gwapo, baby?

"Ah, talaga ba, Suel? Inis ka pasa lagay na 'yan pero halos yumakap ka na sa akin."

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na lumayo ng kaunti.

"Para napadikit lang eh! Hoy, Ramesses bakit ba iwas na iwas ka sa akin? Wala namana akong sakit na nakakahawa ah!"

Nagkibit balikat siya. Patuloy pa rin kami sa marahang pagsayaw habang ang mga mata ay nasa isa't isa. Pakiramdam ko ay natunaw ang pagtatampo kong nararamdaman dahil sa ngiti niya.

"Uh, ahem! Ahem! Baka pwedeng huminto na kayo sa pagsasayaw?"

Awtomatikong napalayo kami sa isa't isa nang marinig ang boses ng aming guro. Nabalot ng kahihiyan ang aking buong pagkatao nang makitang kami na lamang pala ni Ramesses ang sumasayaw, nakapalibot na lamang silang lahat sa amin na tila nanonood.

"S-sorry po."nahihiyang wika ko.

"Feel na feel mo, mars ah!"puna ni Moria kaya kinurot ko siya sa kaniyang bewang upang mahinto ang pang-aasar.

Nakakahiya! Pero at the same time, nakakakilig! Putangina lang! Kyaaaah!

Papauwi na kami ni Moria nang matanaw namin si Ramesses na papasakay pa lamang sa sasakyan. Nakababa ang bintana kaya nasilip ko ang driver.

"Tita Hannah!"sigaw ko dahilan upang mapalingon siya sa gawi namin. Kumaway ako kaya ngumiti siya.

"Oy, sinong kausap mo? Nabaliw ka na ba?"tanong ni Moria kaya umiling ako at inginuso ang gawi nina Ramesses.

"Ay wow? Ang Tita Hannah ba na tinawag mo ay ang Mommy ni Ramesses? Close kayo, 'te?"nakangiwing aniya.

"Naman! Tara, lapitan natin ang mother in law ko."

Wala na siyang nagawa nang hatakin ko siya papalapit. Napalingon rin si Ramesses sa amin dahil itinuro kami ng kaniyang ina.

"Oh, hi, Suel."nakangiting bati niya.

"Hi po."nahihiyang bati ko pabalik.

"Kilala mo po siya, Ma?"tanong ni Ramesses kaya tumango ang kaniyang ina.

"Oo, na-meet ko 'tong kaibigan mo noong nakaraan sa supermarket. Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa'yong may nakita akong magandang kaklase mo? Siya 'yon."

Enebe! Eke leng pe 'te!

Kunot noong binalingan ako ni Ramesses.

"Uh, si Moria nga po pala, bestfriend ko."pagpapakilala ko sa aking katabi at hindi na muna inabala pang pansinin ang masamang titig ni Ramesses.

"Hello po, Tita."bati ni Moria.

"Hi, Moria. Nice meeting you and I like your dimples, ang ganda mo rin like Suel. Busy ba kayong dalawa? Pwede kayong sumama sa amin ng anak ko, want to have some meryenda, kids?"

Akma pa akong magsasalita upang pumayag nang mauna si Ramesses.

"I'm tired, I want to go home at dadaan pa po kayo kay Tita Fawzi. Uuwi na rin sila kaya hayaan n'yo na po."wika ni Ramesses bago sumakay sa loob ng kotse.

Sungit!

"Sorry ha, mainitin talaga ang ulo ng baby ko and mainipin din, manang mana sa tatay. Sa susunod na lang tayo lumabas, Suel, Moria."paghingi sa amin ng paumanhin ni Tita Hannah kaya tumango ako.

"No problem, Tita. Take care po, bye!"

"Bye po!"paalam rin ni Moria.

Sumakay na muli si Tita Hannah sa loob hanggang sa paandarin niya iyon palayo ay nakatanaw lamang ako. Kumakaway pa ako na tila bata.

"Ang bata pa ng Mama ni Ramesses. Parang dalaga pa, 'no? Lalo na siguro ang Papa niya, ang balita ay napakagwapo rin non tapos maaga silang ikinasal ni Tita Hannah noon. Mahal siguro nila ang isa't isa kaya hindi na pinatagal pa."kwento ni Moria habang naglalakad kami papasakay sa nakahintong jeep. Tumabi kami sa driver at nagbayad.

"Oo nga eh, sana sa susunod ma-meet ko na silang pareho."

"Echoserang frog 'to! May pa meet and greet pero hindi naman kayo ni Mendez."aniya kaya sumimangot ako.

"Doon na din ang punta ng relasyon namin, 'no! Ikaw talaga, hindi kita kukuning ninang ng panganay namin kapag nagkataon!"

"Hay, Suel! You're getting into my neurons!"

"Nerves, baliw!"

"Ganoon na din 'yon!"

Almost YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon