PROLOGUE

978 17 0
                                    

Habang nag papahinga sa kanyang Kaharian ang Bathalang si Haiden ay bigla siyang tinawag sa labas ng kanyang silid ng kanyang kanang Kamay na si Luna(Diyosa ng Buwan sa Mundo ng mga nilalang na walang mga mahika o Kapangyarihan)

"Anong kailangan mo Luna?"tanong nito sa Diyosa

"Pinapatawag po kayu ng inyong Amang Bathala"saad nito

"Alam kona toh!"walang ganang saad nito at nag lahu at sa pag lahu nito ay mag naiwan pang mga Moon Dust...

"Anong kailangan mo't pinatawag moko?" Tanong nito sa Ama ng biglang pag dating nito sa Harap ng Araw

At agad namang lumabas ang Ama nito na binabalutan ng liwanag

"Wag tayo ditong mag usap! Tumungo ka sa kaharian ng iyong Ina! Doon tayong lahat na mag pupulong"saad nito na kina bilog ng aking mata sa gulat

"Lahat?!!"biglang saad ko sa gulat

At agad na itong umalis na hindi manlang ako sinagot saking tanong

"Bastos tlaga kausap ni Tanda!"asik ko at bag lahung muli patungo sa kaharian ng aking Ina

Pag dating ko doon sa Harap ng napakalaking Kaharian nito ay nakasalubong ko agad ang mga Anghel nito

Agad itong nag si yuko ng dumating ako at agad na binuksan ang napakalaking tarangkahan nito na nag aapoy at agad nakong pumasok dito.

"Anong meron?"tanong ko sa lahat nag pupulong pag dating ko doon at agad na bumaling ang kanilang atensiyon sakin

"Andito kana pala"nakangiting saad ni Levithia

"Simulan na nating ang pag pupulong"biglang saad ni Ama sa aking likuran na bagong dating lang

Agad naman nagsi-upo ang lahat kaya umupo nalang sin ako

"Ano ba ang mahalagang ipupulong
ngayun Ama?"seryuso kung tanong dito

Agad namang tumingin sakin bigla si Saturno na nakangisi na kina taka ko naman

"Kailangan kana naming paalisin bilang isang Bathala ng Buwan dahil sa iyong kapabayaan kahit na labag ito sa aming kalooban ngunit ito ang nakakabuti para sa lahat"saad bigla ni Levithia(Bathala ng Pagkalikha) na kinagulat ko..."Ano ba ang nagawa kung mali?! Maayos naman ang lahat ah!"asik ko naman bigla hindi ako papayag na mawala nalang lahat ng aking pag hihirap

"Ngunit hindi lahat"sambit naman ni Saturno(Bathala ng Pagkawasak) na kina taka ko kaya natahimik naman ako bigla

"Hindi lahat ng maayos marami na ang napapahamak tuwing gabi dahil sa iyong kapabayaan ikaw pa naman ang Bathala ng buwan"asik nito na kinagulat ko

"Anong napapahamak? Anong kapabayaan!! Wala akong pinapabayaan lalu na't maayus ang lahat ng aking buwan at mga Myth lalu na pag gabi wala akong pinapabayaan!!!...."sigaw ko dahil sa subrang galit at sa hindi ko mawaring balitang narinig lalu na't hindi ko naman pinapabayaan ang lahat

"Anong HINDI!! tignan mo nga kung anong nangyayare sa mundo ng Mortal! Tignan mo ang mga kaguluhan tuwing gabi pati na sa Mundo ng Enchanted World! Marami na ang nawawala at pati na ang pagkawala ng iyong Moon Guardian!"asik nito sakin na kinagulat ko at kina wala ko sa ulirat

"Hindi ito maaari"sambit ko habang tulala dahil sa gulat at pagka blanko ng aking isipan lalu na't wala naman akong nabalitaan tungkol rito

"Dahil lahat iyon sa iyong kapabayaan!!..."sigaw nito sakin

Bigla namang nanghina ang aking tuhod sa hindi matanggap na pangyayari at balita

"Hindi maaari"paulit² na sambit ko nalang

"Patawad ngunit kailangan ka naming parusahan at paalisin sa iyong pwesto bilang Bathala"sambit ni Drevo(Bathala ng pitong Planeta)

Kita ko naman sa gawi ni Ina na tutol ito ngunit wala itong magagawa dahil ito ang napag desisyonan ng nakararami

"Oras na para tanggalin ka sa iyong pwesto Jaiden at parusahan sa iyong kapabayaan"saad ni Ama na kinagulat at kina lugmok ko

"Hindi!! Hindi ako aalis hindi!!"sigaw ko at may bahid na ng luha ang aking mga mata"Hindi ako papayag na mawala lang lahat ng aking mga pinag hirapan HINDI AKO PAPAYAG!"sigaw ko at seryusong tumingin sa kanila na kina tayo agad nilang lahat pati na si Ina

Agad namang Lumiwanag ang aking katawan na binalutan ng mga Moon Dust galing saking katawan

"Tumigil ka!!"sigaw ni Ama ngunit wala na akong pake alam

"Mga Heneral!!"sigaw nito sa mga tauhan nito at agaran naman silang pumasok at agad na nilapitan ako

Ngunit bago paman sila makalapit sakin ay nag labas agad ako ng aking munting kapangyarihan na kina talsik ng mga kawal nito

"Alalahanin niyo isa akong Bathala"sambit ko at seryusong nakatingin kay Saturno na kina gulat at kina atras nito

"Tumigil kana!"sigaw ni Ama at Inatake ako ng Kapangyarihan nito na kina gulat at kina Talsik ko sa pader ng Silid

"Raveia!! Ang mahiwagang Lagusan"utos nito sa Bathala ng Iba't ibang dimension

Agad namang Lumapit sa akin ang mga kawal at agad na ginapos ako ng Mahiwagang kadena at agadrang dinala nila ako sa isang silid kung saan ang Mahiwagang Lagusan

"Ina!"nalukuhang tawag ko dito at kita Kong wala itong reaksiyon at hindi ito tumitingin sakin bagkos nakayuko lang ito habang nakasunod samin

"Ngayun na!"saad ni Ama at agad na nilapat nito ang kamay nito saking noo at unti unting may lumabas na mga Enerhiya doon at agad na kinawala ng aking marka sa bandang leeg ko alam lung nag lahu ito dahil nanghina ang aking katawan iyon ang simbolo ng aking pagiging Isang Bathala ng buwan ngunit ngayon ito'y wala na at natula nalang ako nung naglahu na ang aking Marka

"Mag sisisi kayo"mahinang saad ko at kasabay nun ang pag alis nila ng gapos sakin at ako na mismo ang pumasok ng walang alinlangan sa loob ng portal

***Third Person POV***

Isang nag aalab na bolang apoy na nanggagaling sa kalawan na tumambulusok tungo sa kalagitnaan ng kagubatan na kina likha ng matinding pagsabog

Isang kagubatan na malayo sa mga Baryo at mga Kabahayan

Isang matandang lalaki na nangangaso ang napadpad roon namay dalang pana at sibat na nay dalang isang Usa ang nakasaksi sa nangyare sa kagubatan

Agad naman nitong binitawan ang patay na na Usa at nilapag ito kasama ng mga sibat at pana nito

Agaran nitong nilabas ang kanyang Mahiwagang tungkod namay bolang Kristal na kulay asul at nagliliwanag ito agad nitong tinaas ang kanyang Mahiwagang tungkod at nag labas ng napakalakas na enerhiya sa buong kagubatan at agad itong bumalik sa dati

Ilang saglit lang ay may nakita siyang isang napakagandang binata namay mahabang buhok na kulay asul at naka tirintas pa ang ibang bahagi ng buhok nito at nagulat ito ng nakita niyang punit² ang suot nitong damit kaya agad niya itong nilapitan at sinakluluhan

"Ginoo! Ayos kalang ba?"nag aalalang tanong nito sa binata at kita nito ang mga mata nitong lumuluha at parang nahihirapan at agad namang nawalan ng Malay kaya agad nitong ginamit ang kanyang Mahiwagang tungkod at nag lahu sa gitna ng kagubatan kasama ang kawawang binata

The Moon GoddessWhere stories live. Discover now