CHAPTER 4

341 12 0
                                    

Haiden Lucian Hernandez POV:

Andito kami ngayung apat sa Cafeteria ng Academy at subrang ganda ng Cafeteria nila dito subrang linis at napakagalante tignan

Kasama ko ngayun ay si Amanda at ang Dalawa kong ka Roommate nasi Pexie at si Nathalie

Habang kumakain ay bigla akong nagulat at narindi sa subrang ingay ng mga tili ng mga kababaihan at mga kabaklaan at hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag kakaguluhan

"Peterson ang Gwapo mo!!...

"Jonathan Anakan moko Bente!!..

"Lucian ang Hot mo subra!!...

"Sky Gabriel akin ka nalang!!...

Sigaw nilang lahat na kina bingi ko sa subrang ingay nila nanakakarindi at nakakasuka pakinggan

Bigla ako napatingin ng bigla silang tumahimik lahat

"AHHHhhhh!!!....."tili nilang lahat ng biglang lumabas ang isang lalaki na naka itim na at may kulay pula na mga mata

"MATTHEUS wala ka paring kupas!!

"King sipsipin mo dugo ko!!...

"Napaka Hot mo parin Mattheus!!...

Sigawan ulit nilang lahat ng dumating ang lalaking iyon

"Sino ba sila, bat ganun nalang maka asta ang mga iyan?"tanong ko sa dalawa na sina Nathalie at Pexie

"Ang gagwapo nila bakla para silang mga Deme Goddess parang mamamatay na yata-Aray ano ba!!"sigaw nito ng bigla ko itong batukan

"Tumahimik kanga!!"pamamaktol ko rito

"Sakit nun ah"busangot na  sambit nito

"Landi mo kasi"asik ko naman

"Totoo naman ehh"saad naman nito kaya agad ko naman itong tinitigan sa mata

"Ito na tatahimik na"sambit nito

"Sino ba talaga sila?"seryusong tanong ko ulit sa dalawa

"Ang lalaking may kulay pula ang buhok ay si Jake Peterson Gualves The Demon Prince, Prinsepe ng Underworld

"Ang may kulay Green na buhok namay mahabang tenga naman ay si Jonathan Moon isang Elf Prince

"Lucian Legaspi naman yung may kulay Gray na buhok isa siyang Sorcerer Prince

"Ang may kulay asul na buhok naman na iyon si Sky Gabriel Vergara isang Ocean Prince"At ang huli na hindi mag papahuli ay si Mattheus Vince Gualves or King for short Isa siyang Vampire Prince at kinakatakotan ng Lahat kaya dumistansiya kayo sa kanya"pinaliwanag naman lahat ni Pexie kung sino sila kaya ngayun alam kuna kung bakit

"At ito pa pala silang lima ang Pinakamalakas sa Academy at silang lima ang mga Heart-throb rito sa Academy kaya ganun nalang kung maka tili ang mga yan!"pahabol na wika nito.

Kumain nalang kami ng tahimik at tumahimik naman ang loob ng Cafeteria

Habang kumakain ay hindi ako makapakali sa aking sarili ramdam kong may tumititig sa akin kaya naman ay napa lingon ako sa aking likuran at kinagulat ko naman na nakangising nakatitig sakin si Mattheus kaya bigla naman akong umiwas ng tingin at humarap bigla sa mga kasamahan ko

"Anong Meron?!"takang tanong sakin ni Nathalie ng makita akong kinakabahan

"Wala lang! Maiwan ko muna kayo mag papahangin lang ako"sambit ko at agad na tumayo

"Samaham na kita"biglang sambit nakan ni Amanda pero pinigilan ko ito

"Kaya ko naman jan ka nalang mag usap nalang muna kayo"wika ko rito at agad na umalis at lumabas sa loob ng Cafeteria.

______

"Hindi kona talaga kaya!" Nanghihinang sambit ko habang hawak ang dibdib ko

Agad akong tumungo sa maliit na Garden na ito at umupo sa sulok sa isang maliit na Bench

"AHHhhh!!"hiyaw ko sa subrang sakit na nararamdaman ko parang pinaglalaruan ako ng isang Bampira

Bigla akong napahinto ng maalala ko si Mattheus na nakangising nakatitig kanina sakin at ramdam korin namay nakamasid sakin rito

Kaya bigla naman akong tumayo at pumikit at dinamq ang sariwang hangin sa Mene Garden na ito

"Elemental Vines!!"sigaw ko at biglang may kumaluskos at biglang may nakalambitin sa aking Vines at kinagulat ko na nakabitin rito si Mattheus

"Ang ginagawa mo at bakit moko sinusundan?!"inis na sambit ko rito

"Ibaba mo muna ako rito!"sigaw naman nito sakin kaya agad naman itong binitawan ng mga Vines ko na kinahulog nito sa damuhan

"Anong kailangan mo?"seryusong tanong ko rito

"Wala lang!"nakangiting wika nito na parang baliw at agad naman itong binalutan ng maitim na usok at bigla itong nag lahu sa aking Harapan"saan ka galing?" Bungad na tanong sakin ni Amanda ng pagkarating ko sa Aking Dorm

Tinitigan ko naman ito na nagtataka

"Pinapasok ako rito nina Pexie at Nathalie"sambit nito

"Saan kaba galing"ulit na tanong nito sakin

"Nag pahangin lang sumama kasi pakiramdam ko eh"sagot ko rito

"Nga pala Every year merong laban ang nga Freshman gaya niyo para bigyan kayo ng Badge at para matukoy kung malakas ba kayo o Hindi"saad samin ni Nathalie na kina tango ko naman

"Kelan daw yan gaganapin?"tanong naman ni Amanda

"Sa pag sapit ng Unang Araw ng pasukan kaya humanda na kayo"saan naman ni Pexie

"Kailangan kona palang mag insayo bukas na bukas din! Cge guys una nako kailangan kopang mag ayus ng gamit sa Dorm ko"paalam ni Amanda samin at agad na lumabas ng Dorm namin na nag mamadali

"Oh ikaw ba Haiden kailangan moba ng tulong para sa gaganapin na Freshman Battle?"tanong nito sakin

"Hindi kona kailangan"nakangiting wika ko

"Mag papahinga muna ako! Paalam!"pag papaalam ko

Pero pa ako makaalis ay biglang nag salita si Nathalie

"Ate nalang tawag mo samin tutal mas matanda naman kami sayo ng dalawang taon"wika nito na nakangiti pati narin si Pexie

"Thank you mga Ate pahinga napo muna ako!"paalam ko ulit bago pumunta sa aking silid

_______

"Palpak yung ginawa ko kanina, kainis!!" Pamamaktol nito sa kanyang Silid

"Makikita kona sana siya ulit pero maling hakbang naman ata ginawa ko, Pero hindi bale makikita konanaman siya bukas at sa Freshman Battle dahil napag alaman ko na Bagohan palang pala ito"usap nito sa kanyang sarili habang nakahiga sa kanyang napakalaking kama nito at agad naman itong umayos ng higa at tsaka natulog ng mahimbing...

The Moon GoddessWhere stories live. Discover now