Thania (Goddess of Balance) POV:
"Anong kailangan nating gawin upang makinig satin si Phyro?!"tanong ko sakanilang lahat
Andito kami ngayun sa Balancing Tower na lihim na nag uusap
"Wala kaming alam ngunit ikaw ang ang Asawa ni Phyro at baka sa iyo makinig iyon!"saad naman ni Drevo
"Lubhang nilason na nang tuluyan ni Saturno ang isipan nang aking kapatid kailangan na nating Maibalik sa katungkolan si Haiden dahil siya lang ang pweding maka pag balik sa ulirat ng ama nito!"sambit naman ni Skyler
Habang nag uusap kaming lahat ay nakaramdam kami ng napakalakas na Enerhiya na nanggagaling sa Enchanted World na kinagulat ko naman
"Hindi ito maaari!..."mahinang sambit ko na kinataka naman ng mga kapwa ko mga Bathala
"Ano iyon Thania?"takang tanong naman sakin ni Levithia kapatid ni Saturno
"Inilabas na ni Haiden ang kanyang tunay na Kapangyarihan at hindi ko alam kung bakit!..."saad ko naman rito na kinagulat nito
"Mukhang may kinalaman na naman ang kapatid mo rito Levithia!"biglang saad naman ni Raveia kay Levithia
"Thania! Kelan makakabalik sa Supreme Palace si Haiden?"tanong naman sakin ni Levithia, alam kong makakapag katiwalaan si Levithia sa lahat ng bagay at napakalayo ng ugali nito kesa sa kapatid nito nasi Saturno na ubod ng kasakiman
Haiden Lucian Hernandez POV:
"Magandang Umaga Mahal ko!"bungad naman sakin ni Mattheus ng pagkadilat ng mga mata ko
Andito kami ngayun sa kaharian nito pagkatapos ng kaganapan nung gabi
"Gising najan mahal ko May kailangan pa tayong gawin sa Academy"asik nito at agad na hinalikan ako saking labi na kina tayo ko naman sa gulat
"Oo na ito na tatayo na!"saad ko naman bigla at agad na tumayo at tumungo sa banyo upang maligo
"Sabay na tayo!"saad naman bigla nito na kinatigil ko naman at dahan-dahang lumingon rito
"Hindi pwede!!"saad ko rito at mabilis na pumasok sa banyo at iniwan ito sa labas
Ilang minuto lang ay natapos na ako maligo at naka b"Hindi pwede!!"saad ko rito at mabilis na pumasok sa banyo at iniwan ito sa labas
Ilang minuto lang ay natapos na ako maligo at naka bihis narin ako sa loob nang banyo
At nang pagkalabas ko ay tumambad agad sakin si Mattheus na nakabihis na at kinagulat ko kung saan ito naligo
"May banyo sa kabilang silid kaya doon nalang ako naligo! Wag muna basahin iniisip ko baka may mabasa kapang ikakagulat mo"biglang saad naman nito na kinahinto ko naman dahil babasahin ko sana isipan nito
"Mag-agahan na tayo baka gutom kana!"saad naman nito na kinatigil ko at tinitigan ito sa mga mata nito
"Bumalik na ako sa pagiging isang Bathala at bilang isang Bathala ay hindi kami nagugutom o nauuhaw man lang!"saad ko naman rito
"Eh libog!? nakakaramdam din ba kayo nun?"biglang sambit nito na kinagulat ko sa tanong nito
"Hoi lalaki ibang usapan nayon! Umayos ka!!"asik ko naman rito at tinulak tulak ito palayo sakin na kinatawa naman nito nang malakas
"Mukhang nagkakasiyahan ang dalawang love Birds natin ngayun ahh!..."biglang wika naman ng Ina nito sa aming likuran na kinatigil naman namin ni Mattheus sa pag bardagulan
"Uhm Magandang Umaga Kamahalan!"galang ko naman sambit ng pagkaharap ko sa Ina nito
"Huwag kang yumuko Kataas-taasang Bathala! Ako dapat ang yumuko s iyong harapan mas kagalang-galang ka"saad naman nito at yumuko na kinatango ko nalang rito
YOU ARE READING
The Moon Goddess
FantasySa Mundo ng mga Diyos at Diyosa na nangangalaga ng mga iba't ibang Elemento at bumabalanse ng kalawakan at tagapangalaga ng mga planeta at ibang mga dimension Phyro(Fai-ro):Bathala ng Araw pinaka nakakatakot na bathala sa lahat at pinaka malakas dah...