CHAPTER 7

337 13 0
                                    

Haiden Lucian Hernandez POV:

°|A Few Days Later|°

"Elemental Beast!!"sigaw ko at pinakawala ang isang atake

"Mirror Shot!!"biglang bigkas naman nito at pinabalik sakin ang aking atake kaya agaran ko naman itong sinalo at bigla itong sumabog sa harapan ko

"Anggaling muna!!"sigaw ko rito at agad na tumakbo palapit rito at niyakap

"Ready na ako sa Freshman Battle"wika naman nito na kina ngiti ko naman

Tatlong araw nalang ay Freshman Battle na kaya ay nag eensayo na kami ng maiigi ni Amanda alam kung hindi kona kailangan pang mag ensayo pero kailangan dahil para matulongan ko si Amanda sapaggamit ng mga mahika nito

"Ayos kalang ba?"tanong naman sakin nito at agad na hinawakan ang kanang kamay ko na ginamit kung pansalo kanina

"Ang ganda ng mga kamay mo nakakamangha at sadyang napaka kinis ng iyong mga palad! Malapit kanang makabalik mahal kong Haiden..."wika nito habang hawak ang kamay ko na kinagulat ko dahil sa nag iba ang bosses ito at napakapamilyar na bosses nito

"Ina!...."biglang bigkas ko na parang maluluha

"Huh!?"nagtatakang tanong nito at bigla itong nagulat dahil namumula ang mga mata ko

"Ayus kalang? Sabi ko lang naman napakaganda ng palad mo, may masama ba akong nasabi?"nagtataka at nagaalalang wika nito

Bigla ko namang pinunasan ang mata ko ng biglang may pumatak na butil ng luha rito

"Wala! May naalala lang!"sambit ko naman at pilit na ngumiti dito

"Tara magpahinga muna tayo"sambit ko naman

"Puntahan naman natin sina Pexie at Nathalie sa kabila na nag eensayo kasama ang limang Prinsepe"saad nito na kinatigil ko naman dahil baka malasin na naman araw ko ngayun dahil araw-araw nalang akong ginugulo ng Mattheus na iyon

"Tara na!!"hila naman sakin nito kaya sumunod nalang ako dahil wala naman akong mapupuntahanIlang sandali lang ay nakarating na kami sa kanilang pinageensayohan at kita ko naman kung gaano sila ka lakas lumaban at nakakamangha silang tignan mukha silang mga Guardian kung titigan

Naalala ko tuloy ang aking mga magigiting na mga kawal at ang kanang kamay ko nasi Luna na siyang namamahala ng aking kaharian ngayun

Alam kung si Luna ang ipapalit nila sakin dahil napakarami ng alam nito sa aking pamamahala at siya ang palagi kung inaasahan sa lahat ng bagay lalu na kapag may mga nangyayaring hindi maganda sa mga Tagapangalaga ng mga buwan ko, Moon Fairies ang tawag ko sakanila ngunit ang tawag naman ng mga nilalang na nasa mundong ibaba ay Moon Goddess

Mga Goddess naman talaga sila ngunit masmalakas kami kompara sa kanila dahil sa amin nanggagaling ang kanilang mga kapangyarihan

Maraming mga Goddess ang nilikha namin para pangalagaan ang mga nilikhang mga nilalang katulad ng sa Enchanted World kung saan napadpad ako ngayun.

"Haiden ILAG!!"rinig kung sigaw at ng pagka lingon ko naman at bigla akong nasapol ng napakalakas na Enerhiya na kinatilapon ko sa dikalayuan at kinawalan ko ng malay

Third Person POV:

"HAIDEN!!..."sigaw nilang lahat ng tumilapon ang binata dahil sa lakas ng atake na nanggaling sa mga kaibigan nitong nag eensayo

Agad naman nila itong nilapitan at agad naman itong binuhat ni Mattheus  at bakas sa mukha nito ang pagalala sa binata at agad nitong dinala sa Clinic ng Academy para magamot agad.

"Bakit hindi mo nalang ginamitan ng Healing Magic"saad naman ni Sky kay Pexie at bakas sa kanilang lahat ang kaba

"Hindi ako pweding gumamit Healing Magic dahil masyadong marami ang ginamit kong Enerhiya sa ating pag-eensayo"biglang saad naman nito

The Moon GoddessWhere stories live. Discover now