CHAPTER 10

333 13 0
                                    

Haiden Lucian Hernandez POV:

Unti-unti akong nagising ng makaramdam ng uhaw kaya dinilat ko naman ang aking mata at tumambad naman sa akin ang napakalaking silid na ubod ng gara ngunit bigla naman akong nagulantang ng hindi ko mawari kung nasaan ako at kung kaninong silid ito kaya dahan-dahan naman akong umalis sa Malaking kama na aking hinihigaan

Agad naman akong tumungo sa malaking pintuan na satingin ko naman ay labasan kaya agad ko naman itong binuksan at tumambad naman saking ang mga nakabaluti na mukhang mga kawal kaya nagulantang naman ako ng humarap ito bigla sakin

Kaya agad naman akong tumakbo at hinabol naman ako ng mga ito at napahinto naman ako ng harangan ako ng mga kasamahan nito kaya wala akong nagawa kundi gumamit ng aking mahika

"Metal Vines!"biglang bigkas ko at bigla namang nagsilabasan ang mga bakal na mga vines sa sahig at pinulupotan ang mga ito

At mabilis na tumakbo at ng malalayo ako rito ay humanap naman ako ng isang silid na matataguan

At ng makapasok ako rito ay tumambad sakin si Mattheus namay kausap na mukhang mga Hari at Reyna pero wala akong pake rito at agad na tumakbo palapit rito ng biglang pumasok ang mga kawal sa silid

Agad akong napayakap rito ng mahigpit dahil sa subrang takot hindi ko alam pero natakot ako dahil hindi ko kabisado at alam ang lugar at hindi kilala ang mga tao rito

"Ako ng bahala rito"saad naman at agad namang lumabas ang mga kawal

"Siya naba?"tanong naman ng babae kay Mattheus na kinatango naman nito

Agad naman akong kumalas ng yakap rito at agad namang lumayo ng kunti rito

"Nasaan tayo at bakit ako naririto!?"tanong ko rito

"Nawalan ka kasi ng malay at punuan na kasi yung Clinic kaya dinala nalang kita rito at para narin pakilala kita sa kanila"nakangiting saad nito na kina gulat at kinataka ko

"Ma,Pa si Haiden ito po yung binabanggit ko sa inyo"pakilala nito na kinagulat ko naman kaya agad naman akong yumuko sa harap ng mga ito hindi ko alam na Hari at Reyna pala ito ng Bloody Empire

"Napaka gandang binata ako nga pala si Queen Victoria at siya naman ang asawa ko si King Matthew Guzon kinagagalak ka naming makilala"saad ng Ina nito

"Kinagagalak korin pong makilala kayo Kamahalan"saad ko namanHindi mo agad sinabing hugis at mukhang Babae ang minamahal mo mahal kung Anak!"saad naman ng Ama nito na kinagulat at kinahiya ko

"Oo nga po Ama napakaswerte ko rito"saad nito agad ko naman itong kinurot sa tagiliran nito n kinagulat nito

"Paumanhin Kamahalan pero pwede kopo bang makausap saglit ang inyong Anak?"tanong ko rito agad namang tumango ang Ina nito kaya agad ko namang hinatak palabas si Mattheus sa labas ng silid ng kanyang Ama at Ina

" Anong kagaguhan ang pinagsasabi mo sa mga magulang mo!?"agad na tanong rito ng makalabas kami

"Sorry! Gusto lang naman kitang ipakilala sa kanila eh"saad nito

"Alalahanin mo wala lang tayo kaya hindi moko pag mamay ari!!"sigaw ko rito na kinatahimik nito at dahan-dahang yumuko

"Hindi nga pero pag-mamay ari muna ako simula nung araw na nakita kita ikaw ang Mate ko at hindi ko iyon maitatago at maitatanggi nakarugtong ang buhay ko sa buhay mo kapag mawala ka mawawala rin ako!"biglang saad nito na kinagulat ko at kinatahimik

"Mattheus!!"tawag ko sa pangalan nito at agad naman nitong inangat ang mukha nito at tumingin sa mga mata ko

Bigla naman akong nagulat ng makita ang marka ng buwan sa mata nito na kinamanha ko

The Moon GoddessWhere stories live. Discover now