Haiden POV:
Ilang taon narin ang nakalipas ng matagpuan ako ng isang matandang lalaki na nangangaso sa Gitna ng kagubatan
Inalagaan at kinupkop ako nito at nang kanyang Asawa at tinuring nila ako na parang kanilang anak, dahil sila ay hindi binayayaan ng Anak kaya ganun lamang ang turing nila sakin
Ilang taon narin akung namumuhay sa Mundong ito at nasasanay narin ako at habang tumatagal ay bumalik ang aking lakas at Majika ngunit hindi ito gaanong kalakas ito ay parang ordenaryong Kapangyarihan lamang
Tinuturuan din ako ng aking Ama kung paano sanayin at palakasin ang aking Kapangyarihan' Ama na ang tawag ko sa taong nag kupkop sa akin ng ilang taon at Ina narin ang tawag ko sa napaka bait na asawa nito
"Haiden Lucian Hernandez"sigaw ng aking Ina sa labas ng aking silid
Haiden Lucian Hernandez'- yun ang pinangalan nila sakin "Haiden Lucian" dinugtungan lang nila at pangalan kung Haiden Hernandez naman ang gamit kung apelyido
"Haiden Lucian Hernandez, ISA!!" Sigaw ulit nito Kaya agad naman akong napabangon saking kama at agad na lumabas
"Ikaw na bata ka antagal mo gumising!..."kurot nito saking tagiliran
"Ma!!... Naman ehh!"makaawa ko naman rito agad naman itong umalis saking harapan at tumungo sa kusina at agad na nag hain ng pagkain sa mesa.
"Ma! Ano meron bat ang daming nakabalandrang pagkain sa Hapag?"manghang tanong ko habang nakangiti
"Dahil ang aming magandang Prinsesa ay papasok na sa Twilight Academy!!"biglang saad naman ng aking tinuturing na Ama na kinagulat ko naman.
-tanggap nila kung ano ang aking kasarian at pinagmamalaki panga nila ito
"Totoo Pa?! Walang halong biro?"seryusong saad ko rito
Agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit
"Mamimiss ka namin nang Mama mo"sambit nito habang yakap ako at nakisali narin si Mama sa aming yakapan
"Thank You talaga pa! Pangarap ko talagang makapasok sa Twilight Academy! Sa iyo din Ma"saad ko rito at hinalikan sila"Thank You talaga pa! Pangarap ko talagang makapasok sa Twilight Academy! Sa iyo din Ma"saad ko rito at hinalikan sila sakanilang mga pisnge.
Pagkatapos naming kumain ay binigyan ako ni Ina(Mama) ng pera para daw makabili ako ng mga gamit na gagamitin ko sa school
Kaya agad akong nag ayos ng aking sarili at nag bihis para mag mukha akong disenting tignan
Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng aking silid at nag paalam sa aking Ina at Ama na mag lilibot muna ako ng bayan para narin makabili ng aking mga kagamitan.
[-Fast Forward-]°
Nang makarating ako ng bayan ay agad akong nag hanap ng kwintas namay pendant na parang isang bote na maliit na pwede kong masidlan ng Moon Dust.
Kahit kasi nawala na ang aking Kapangyarihan bilang isang Bathala ng Buwan ay nandito parin ang majika sa aking katawan na hindi ko mawari pero hindi ko naman ito mailalabas dahil hindi ko makontrol dahil sa kulang ang aking lakas para kontrolin ito
Ilang sandali lang ay nahagip nang aking mata ang isang gintong kwintas namay pendant na maliit na bote na walang laman kaya agad ko itong kinuha
"Magkano po ito Ginang?!"tanong ko sa isang Tindera
"Ah iyan ba Ijo, isang gintong pera lang ijo"sambit nito at agad naman akong nag bayad ng gintong pera
- hindi gold coins ang binabayad namin kondi parang isang papel na pera ngunit gawa sa ginto, parang isang ticket kung titiganan mo ito
Agad naman akong umalis doon at nag hanap pa ng mga kagamitan.
Sa oras na ito at hindi kona alam kung ano ang aking bibilhin
Alam kung marami pa akong dapat na bilhin kaso hindi ko mawari kung ano-ano ang mga ito kaya pumunta muna ako sa isang maliit na bench para mag isip-isip
Sinuot ko muna ang aking mahiwagang kwintas na bago kong bili, ilang sandali lang ay nakaisip na ako ng aking bibilhin
Agad naman akong tumayo sa aking kina uupuan at pumunta sa Magical Bag's Shop
Pumasok naman ako rito at nag hanap ng magagamit na bag
Ilang saglit lang ay nakita ko ang isang kulay Asul na bag namay halong kulay ube sa mga desenyo nito at may kasama itong magical Pocket na maliit
Ito ay makakatulong sa akin at hindi kona kailangan pang...Ito ay makakatulong sakin dahil hindi kona kailangan pang mag buhat ng mga napakaraming mga bagay dahil kaya na nitong dalhin at isilid lahat ng bagay
At pagkatapos nun ay binayaran kona ito at agad namang lumabas
At sunod ko namang pinuntahan ay ang Book Shop, ito ay kilala na sa aming bayan na napaka hiwaga dahil sa matandang nag bebenta rito dahil sa hindi mawari at makilala nang mga tao ito rin ay kinakatakotan ng mga namimili sa bayan pero para sakin ay napaka mahiwaga nito naging sikat kasi ito nang mabili ng isang istudyante na ngayon ay isa nang mahusay at dating top student nang University noon
Agad naman akong tumungo roon at pumasok kita ko naman laki nito dahil kung titignan ito sa labas ay isa lang itong munting tindahan ng mga libro
Pagka pasok ko roon ay nakita ko ang matandang nagbebenta rito, nginitian ko nalang ito at tumungo sa mga libro at pumili kung anong pwede kung bilhin rito
Sorcerer Magic Spell
Four Elements Magic
Fairies Lost Magic Spell
Dark & White Witch Deadly and Healing Potion'sYan pa lamang ang mga nakita kong nga libro pero ang hihiwaga na nito kaya mas naghanap pa ako lalu ng libro na mas nakakainterisado kaya tumungo ako sa pinakasulok at pinakadulo ng Shop
Ilang minuto lang ay may nakita akong isang kulay pulang libro na nasa pinakamataas ng Shelve's kaya na curious ako rito kaya ito ang gusto kung kunin pero hindi ko lang ma abot dahil sa taas ito at hindi kaya nang height ko
Kaya nag hanap ako nang isang maliit na hagdan ngunit parang wala atang hagdan sa loob ng shop na ito kaya pinilit ko nalang na abotin ito kahit alam kung di kaya pero tinry ko talaga
Ilang minutong pag pipilit ko ay sawakas at naabot ko narin ito pero nawalan ako ng balanse kaya bigla akong natumba ng wala sa oras
Ilang minuto lang ay hindi ko parin nararamdaman na bumagsak ako kaya sa sahig kaya bigla akong napabalikwas nang parang may nararamdaman akong tao saking likuran kaya nang pagka harap ko rito ay tama nga ang hinala ko...
.
.
.
YOU ARE READING
The Moon Goddess
FantasySa Mundo ng mga Diyos at Diyosa na nangangalaga ng mga iba't ibang Elemento at bumabalanse ng kalawakan at tagapangalaga ng mga planeta at ibang mga dimension Phyro(Fai-ro):Bathala ng Araw pinaka nakakatakot na bathala sa lahat at pinaka malakas dah...