Chapter 15: Leave

3.1K 55 2
                                    

We were in the middle of foreplay when his phone rang. Kinalagan niya muna ako at maingat na inilagay sa ibabaw ng kama bago sinagot ang tawag.

Kainis! Bitin na bitin na naman ako, I really hate this feeling.

Hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila ng tao sa kabilang linya dahil abala ako sa pagpapakalma sa sarili. I'm soaking wet and my sweats are unstoppable.

"Yeah, we will go there. Thanks," he said and ended the call.

Tumitig muna sa akin si Jacob bago ako nilapitan. Kumuha siya ng tissue para punasan ang pawis ko sa noo hanggang leeg.

"Are you alright? Walang masakit?" he asked after he wiped my sweat.

I nodded. "What happened? Who called?"

Bumuga siya ng hangin. "That was Ian, Julian got into an accident."

Nanlaki ang mga mata ko at parang bigla akong natauhan. "What?! Why?"

Natataranta akong tumayo at muntik pang matumba dahil sa panginginig ng tuhod. Napaupo ako sa kama at kaagad akong dinaluhan ni Jacob, nakasimangot siya at halatang iritable ang pakiramdam.

"Why are you frowning? Come on, let's go to your brother!" Hinawakan ko ang kamay niya pero kaagad niya iyong hinawi.

Hindi ko siya ma-gets ngayon. Naaksidente ang kapatid niya at parang wala siyang pakialam.

"Jacob, ano ba?!" Sinubukan kong tumayo ulit pero pinigilan niya ako.

"Why are you becoming like that when it comes to that Julian?" iritableng tanong niya at saka umirap.

Nagseselos ba siya? Nagseselos siya sa sarili niyang kapatid?!

"Naaksidente siya, Jacob. Ano ang gusto mong maramdaman ko? Gusto mo bang matuwa ako?" Hindi ko siya maintindihan ngayon.

"Oo, gusto. 'Di ba, sinaktan ka niya? Bakit concern ka pa rin sa kanya hanggang ngayon? Hindi mo na siya boyfriend!" Bumuga siya ng hangin at saka umalis sa tabi ko.

Yumuko ako. "Hindi naman ako masamang tao, Jacob. Naging kaibigan ko rin si Julian noon bago siya maging boyfriend ko kaya nag-aalala ako." Kinagat-kagat ko ang labi ko.

I heard him sigh. Lumabas siya ng dungeon, ang akala ko tuluyan na niya akong iniwan pero bumalik siya at may dala nang mga damit ko.

"Get dressed. We will go to the hospital." Bihis na siya at handa na sa pag-alis.

Kaya naman ay nagmadali akong nagbihis at inayos ang sarili ko. Baka mukha akong kagagaling lang sa kama at mahalata pa ang ginawa namin ni Jacob.

"Nagseselos ka ba kay Julian? Kuya ka niya, hindi ba?" Sinuot ko ang seatbelt ko.

"I don't care who he is kung mas concern ka pa sa kanya kaysa sa akin." Sumimangot siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napanganga at bahagyang natawa. "Sa 'yo naman ako, bakit ka magseselos? Titingnan ko lang naman siya tapos uuwi na tayo."

Hindi siya nagsalita pero nawala ang pagkakunot ng noo niya. Siguro ay okay na siya dahil sa mga sinabi ko.

Pagkarating namin sa hospital ay nandoon na ang mga magulang nila. Si Lilibeth din na maldita at saka si Lucy. Kung hindi ko kasama si Jacob ay OP ako rito.

"He is fine now, natahi na namin ang sugat niya. None of his injuries are serious except that his right arm got sprained. In fact, he is now awake as we are transferring him to his private room," the doctor said and nodded before going back inside the E.R.

"Masama kasi ang ugali ni Julian kaya hindi napuruhan," sabi ni Jacob.

Malakas na natawa si Attorney Christian. Gusto ko rin sanang matawa pero nakakahiya naman sa mga magulang nila.

The Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon