"Miss me already?"
Napatayo ako bigla nang marinig ang boses ni Simon Ferrer sa likuran ko. Mabuti na lang at natapos ko nang kalkalin ang mga gamit niya at nakuhanan ko na rin ng litrato ang mga kailangang dokumento ni Jacob. Mabilis ko iyong s-in-end sa kanya at binura sa cellphone.
Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. "Maybe." I chuckled.
He smiled. Kung hindi lang demonyo ang lalakeng ito ay baka isa rin siya mga magugustuhan ko. He is handsome, parang magka-level lang sila ni Julian pero sa ugali ay napakalayo.
"Lucky you, it's my free time." Binaba niya ang mga dalang papeles sa table niya, bahagya pa siyang natigilan kaya kinabahan ako.
"Let's date, what do you think?" Kinuha ko ang atensyon niya.
Kumurap siya at tumingin sa akin. "Date? Hindi magagalit ang boyfriend mo?"
Umiling ako at kumapit sa braso niya. Pasimple ko siyang hinila palayo sa mesa niya. "Break na kami."
He smirked. "Good for you. Hindi siya bagay sa 'yo. Bagay sila ng putang Lucy na 'yon."
Nanginig ang kalamnan ko sa sinabi niya. What the hell?!
"Hayaan na natin sila. Ayoko nang isipin pa iyon." Pinilit kong maging kalmado kahit pa natatakot na talaga ako.
Ano kaya ang gagawin niya sa akin kapag nalaman niyang espiya ako ni Jacob? Mapapatay niya siguro ako. Worth it ba ang buhay ko para rito? Worth it ba ang ginagawa ko para lang mapasaya si Jacob?
"Mall? Sa mall mo gustong pumunta?" tanong niya habang nasa sasakyan niya kami.
"I want to go shopping, it's been a long time." I smiled and looked out the window.
Kami kaya ni Jacob? Kailan kami makakapag-date? Pwede naman na, hindi na kami ni Julian. No one will stop us from being together now.
"Oh? Overworked?" He raised a brow.
I shook my head. "Wala lang akong kasama kaya hindi rin ako masyadong lumalabas. Simula kasi noong dumating kami rito ni Julian sa Pilipinas, iba na ang inaasikaso niya."
He hissed. "Basura talaga ang lalakeng 'yon. Parehas sila ng asawa niya." He held my hand while looking at the road. "Don't worry. Ako na ang kasama mo ngayon. Layuan mo na ang mga manggagamit na mga Cabrini na 'yon." May diin sa bawat salitang binibitawan niya.
"Manggagamit?" I need more information. Kahit naman kababata ko si Julian, it doesn't change the fact that time can change so many things.
"Yes, they used my parents to grow their business. Wala naman sanang kaso kasi hindi naman gahaman ang mga magulang ko, but by the time they chose to become our rivals, my respect for them went down. Sila ang dahilan kung bakit nalugi ang iba naming negosyo." Huminto siya sa parking lot ng isang mall.
Nag-igting ang bagang niya. "Even this mall was once mine. Ito ang unang minana ko sa mga magulang pero napilitan na lang din akong isuko dahil palugi na rin. And guess who availed it? Attorney Christian Cabrini." Hinampas niya ang manibela ng kotse at saka tumawa.
Isang malaking sampal nga sa kanya na lahat ng nalulugi niyang negosyo, kapag ang mga Cabrini na ang humawak ay napapalago pa lalo. Pero hindi naman nila iyon kasalanan kung magaling silang humawak ng negosyo.
"Let's not talk about them anymore. Can't we just enjoy this day?" I tried to calm him down.
Malaki ang galit niya sa mga Cabrini, dumagdag pa na nakuha siyang ipagpalit ni Lucy at Tarra sa isa ring Cabrini. Hindi ko siya masisisi pero masama pa rin ang mga ginawa niya at hindi iyon makatwiran.
"What do you want to do in this mall? Wala lang akong choice dahil ito lang ang malapit na mall dito. I have to go back before 5 p.m. in the office," he said.
"How about we eat first and then go shopping?" I suggested.
He shrugged his shoulders. "Okay, you pick the restaurant. It will be my treat."
I bit my lower lip and just picked the nearest fast-food chain. He ordered our food at habang malayo siya sa akin ay binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang mga mensahe ni Jacob.
From: Jacob
Thank you so much, sweetheart. Please, come home early, let's have dinner together. I love you.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Mabuti na lang talaga at maaga rin kaming uuwi ni Simon, I wanna go home to Jacob. Tapos na siguro ang trabaho ko rito at pwede na akong manatili na lang sa tabi niya.
To: Jacob
I love you too. I can't wait.
Mabilis kong tinago ang phone ko nang makitang papalapit na si Simon. Drinks pa lang ang hawak niya at may dala pa siyang number.
"Fifteen minutes pa ang order natin. Let's talk while waiting." He sighed. "It's been a long time since I had a date. Hindi ko alam kung bakit ilag sa akin ang mga babae. Pangit ba ako?" Natatawa siya pero sa tingin ko ay seryoso siya sa tanong niya.
Umiling ako. "Hindi naman. You are just intimidating, parang masungit, at saka parang laging galit. Try mong mag-smile palagi, baka lima-lima pa ang lumapit sa 'yo." I chuckled.
"Ba't ko pa sila kailangan? Nand'yan ka naman na," he said.
Natigilan ako at nawala ang ngiti. Hindi ko siya type at malayo talagang magustuhan ko siya. Pero naiintindihan ko ang nararamdaman niya, he just wants to have someone who will always be with him no matter what.
"We're just friends, Simon," I said and sighed.
"I know, wala naman akong sinabing iba." Pero ang mga ngiti naman niya ay makahulugan.
Tumunog ang beeper na hawak niya kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Marami pa siyang naging tanong na sinasagot ko naman. Kagaya ng kung kailan matatapos ang kontrata ko kay Jacob. Syempre hindi ko sinabing indefinite 'yon.
"Sa tingin mo bagay ko 'yan?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kami sa isang dress na nakasuot sa mannequin.
"Lahat naman yata bagay sa 'yo. Bagay ka rin sa akin." Ngumisi siya kaya kinurot ko ang braso niya.
"Ewan ko sa 'yo. I'm gonna buy that dress." It was a beautiful pink dress and I imagine wearing it on my first date with Jacob.
"No worries, I'll buy that for you." Bigla na lang siyang pumasok sa loob ng boutique at iniwan ako roon.
Gusto kong tumanggi pero may kausap na niya ang isang saleslady at pinapakuha na ang dress a mannequin.
"Huwag na, Simon. Ako na ang magbabayad," bulong ko sa kanya.
"It's on me, Nathalia. You are hurting my ego." He pouted his lips.
Umirap ako, hinayaan ko na lang dahil sobrang kulit. Bigla ko tuloy na-miss si Jacob. Gusto ko nang umuwi.
The dress fits me, miraculously. Ang laki ng ngiti ni Simon nang makita akong suot ang binili niyang damit.
"Wear that on our first official date," he said.
I forced myself to give him a sweet smile. Now, I can't wear it on my date with Jacob.
I chose to stay at the mall when Simon received a call from his office. It was an urgent he needed to attend. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. I was about to get my phone to check on Jacob's messages if there were any when I heard his voice in front of me.
"I got pissed," he said.
Napakurap ako. "Why?"
"Watching with another man is torture. It won't happen again, damn!" Hinila niya ako.
"Jacob, saan tayo magdi-dinner?" Niyakap ko ang braso niya.
"In our house, I am cooking." Seryoso ang mukha niya.
"Sana mag-sex din tayo. Gusto ko ulit mapalo," sabi ko at saka humagikgik.
"Oh yeah? Hindi ka mapapalo ngayon, Nathalia. You will be rewarded with something delicious," he whispered to my ears and bit my earlobe.
I can't wait!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Possession
RomanceWarning: R18🔞 Cabrini Empire #3 "I'm your brother's girlfriend, why are you doing this to me?! You feel so good inside me!" Nathalia Lonzaga grew up with his childhood friend Jacob Cabrini whom she didn't know would take her virginity away and give...
