CHAPTER 4: GAB VISITED

1 0 0
                                    

Si mommy nga ay umuwi muna para pakainin sila puppy, 'yung aso namen sa bahay at si mochie na pusa namin.

“kumain kana.” pag-aalok ko rito kay Prince.

Hindi parin naman umiimik si Prince.

“Prince, sorry for stopping you to play basketball, we're just concerned to you, because we loved you.” saad ko.

“love me?” lumingon ito sa akin.

“ate, kung mahal niyo talaga ako hindi niyo kailangang pigilan kung ano talagang gusto ko!” Saad ni Prince at lumingon na sa harapan niya.

Mejo napapaluha naman ako.

“ 'yun nga e, mahal ka namin kaya ka namin pinapatigil, kase ayaw ka na naming masaktan.” sagot ko rito kay Prince ng maamo.

18 years old palang si Prince ako naman ay 23 years old. 15 years old siya nung nilisan kami ni daddy dahil sa cancer stage 3, 20 years old naman ako nuon. Lumaban si Daddy sa cancer, sinabihan namin siyang 'wag niya kaming iiwan dahil bata pa si Prince at papa's boy pa, iyakin.

Lagi namin siyang binibisita, dinadalhan nang prutas. Naubos ang pera namin nuon sa hospital dahil sa laki ng bayarin at napilitang magtraho si mama. May time pa na nahimatay siya sa trabaho niya. Nag trabaho rin ako nuon para makatulong rin ng pambayad sa hospital at ng bayarin sa kuryente, habang si Prince nasa bahay gumagawa nang gawaing bahay, naglilinis nang bahay, naglalaba, saing, naghuhugas nang plato. Sipag ng bata na'to, nagbabarkada naman siya pero 'yung hindi bad influence, mababait rin 'yung mga barkada niya. Nauunang umuwi si mama galing trabaho at ako ay 7pm nakakauwi, pag-uwi namin ay laging malinis ang bahay. Nakilala ko si Gab sa kaibigan niyang lalaki. 25 years old na si Gab at nakilala ko siya nung 22 palang siya. Nang dahil sa kaibigan niya nagka kilala kami at nagsimulang mag bigayan nang number.

“a-ate, I'm sorry.” sambit ni Prince na naluluha.

“Prince, ayos lang naman maglaro. Basta mag-iingat ka, alam kong 'di maiiwasan 'yung nababangga ka nang mga kalaban mo pero subukan mo paring mag-ingat.” Saad ko.

“mahal ka namin ni mommy.” Saad ko rito.

Unexpected happened, dumating si Gab?

Kumatok ito sa pintuan at sabay kaming lumingon ni Prince rito sa pinto.

Pumasok nanga ito sa loob at may mga dalang prutas.

“Gab?” sambit ko.

“kuya Gab.” sambit ni Prince.

Ngumiti naman si Gab at nilagay ang mga prutas sa patungan ruon sa loob.

“Fruits, Prince. You should eat these, they're good for your health.” sambit ni Gab.

“Thank you kuya.” pasasalamat ni Prince at ngumiti.

Ngumiti naman ako kay Prince. “thank you for visiting Prince, Gab.” sambit ko.

Ngumiti lang naman sa akin si Gab.

“How's the company?” pagtatanong ko rito kay Gab.

“let's talk about that later.” sagot ni Gab.

End of chapter.

✍️ Nathanielgs17

"𝙇𝙊𝙑𝙀 𝘼𝘾𝘾𝙄𝘿𝙀𝙉𝙏"Where stories live. Discover now