CHAPTER 11: BACK

0 0 0
                                    

Sinubuan ni Gab si Celine nang kanin at curry.

Ngumiti't napa tawa pa ito kay Celine nang mahina dahil sa laki ng bunganga. Napa tingin rito si Celine na lumolobo ang pisngi dahil sa pagkain.                          

“tubig.” ang sambit ni Celine.

Ibinigay nga ni Gab ang tubig rito kay Celine nang naka ngiti.

Ininom na ito ni Celine at na higa.

“oh, hindi ka muna puwedeng humiga, magkaka appendicitis ka.” sambit ni Gab.

Inalalayan naman ni Gab si Celine na umupo.

Dumating nga si Prince at ang mommy niya na may dalang prutas.

Napa lingon naman rito si Celine sumonod ay si Gab.

Naka ngiting pumasok rito ang mommy ni Celine.

“tita.” sambit ni Gab sa mommy ni Celine.

'nilagay ni Prince ang prutas sa patungan sabay umupo sila nang mommy niya.

Hindi naman umiimik si Celine.

“gusto mo nito? (Saging)” ang tanong ng mommy ni Celine.

Tinanggihan naman ito ni Celine.

“busog na po ako. maraming salamat po.” sagot ni Celine.

“mommy mo'ko.” Saad ng mommy ni Celine.

“ah, salamat po m-mommy.” Saad ni Celine sabay ngumiti.

Sabay namang ngumiti ang tatlo kay Celine.

May dumaan namang lalaki't sumilip kila Celine sa bintana. Nakasumbrelo itong itim at naka jacket rin na itim.

Umalis na ito nang may dumaan na nurse. Ibinaba pa nito ang sumbrelo niya para hindi siya makilala.

Biglang napa pikit ako't hinawakan ang ulo ko dahil sa kumirot.

“a-ah!” pag-iinda ko.

-
Bigla kong naalala kung paanong may humarang na sasakiyan at dahil rito ay na bangga kami.

“manong iliko mo, mababangga tayo!” sigaw ko na kabang kaba.

--

“Celine, are you okay?” tanong ni Gab.

“ate.” pag tawag ni Prince.

“Celine, anak.” —mommy

pag tawag nila sa aking lahat na nag-aalala.

“ahh!” pag-iinda ko parin at parang sasabog na ang utak ko sa sakit.
-

Niliko ni manong ang sasakiyan at sumalpok kami sa puno. Nawalan na ako nang malay nuon at nagising nalang na bangga na ang sasakiyan.

Ginising kupa ruon si manong pero hindi ko magising. Naiyak nalang ako nuon habang lumabas sa sasakiyan hawak ang ulo ko na sobrang sakit. 

Naglakad ako at malayo na sa sasakiyan. Nang maalala ko ang cellphone ko para tawagan sila mommy ay biglang sumabog ang sasakiyan at nahulog ako rito sa mga lupa't gumulong gulong.  Ramdam na ramdam ko parin ang sakit.

--
“ano pong nangyayari sa pasyente?” ang tanong ng nurse.

“ah! Sobrang sakit ng ulo ko.” pag iinda ko.

-
Ramdam na ramdam ko parin ngayon ang sakit ng ulo ko't pag sabog nang kotse ay naaalala ko. Ang pag hulog ko ay ramdam na ramdam ko.

Nang mahulog ako'y nakita kong may taong umalis na sumilip sa akin. Dahan-dahan na nga akong napa pikit nuon at nawalan na nang malay.

--

Dumilat naman ako't hawak pa rin ang ulo ko.

Ramdam kong naka hawak si Gab sa akin dahil nag-aalala.

“ I know now what happened to me.” saad ko.

Lumingon ako kila mommy, Prince at Gab.

“Gab, my memory is back.” Saad ko't ngumiti habang naluluha.

End of chapter

✍️ Nathanielgs17

"𝙇𝙊𝙑𝙀 𝘼𝘾𝘾𝙄𝘿𝙀𝙉𝙏"Where stories live. Discover now