Chapter 17

455 11 3
                                    

Xander POV

Nandito kami sa hide out dahil nabalitaan naming bumalik na ang leader ng pinaka mahigpit naming kalaban sa underground at minarkahan nila ang hide out namin . Wala pa naman silang pinapadala kung saan o kelan nila gusto makipaglaban. Pero minarkahan nila ng simbolo nila ang hide out namin .

" Those Bastards . " Inis na sabi ni King habang tinitingnan nya ang simbolo ng mga into na naka pinta sa hide out namin .

Sinundan namin si King papasok sa loob at isa isa kaming naupo para mapag-usapan ang gagawin namin.

" What happened to your research ." tanong ni King kay Andre

" Well, last week lang sya nakabalik dito sa Pilipinas. Almost 2 years din syang nawala at walang nakakaalam kung bakit sya umalis, kahit mga gangmates nya. Sabi nung private investigator na hinire ko, sa South Korea sya namalagi at naghanap sya ng allies nya. " paliwanag naman ni Andre

" We should be careful. Alam nating madumi makipaglaban ang Red Satillion." sabi ko

" King sa tingin ko kelangan mo munang humiwalay ng bahay kay Kiesha. We don't know. Malamang pinapasundan tayo ng mga gungong na yon." suwestyon naman ni Vince

" Fuck it ! " Inis na sigaw ni King

Kiesha POV

Kanina pa ko nag-iintay kay Louie. Anong oras na wala parin. Baka kung ano na nangyari dun. Kung may Gang Fight naman magpapaalam yon .

*ding dong*

Nagulat naman ako sa biglang pagtunog ng doorbell sa gate. Sino naman kaya yon ? Alam naman ni Louie yung password ng gate. Tiningnan ko muna yung monitor muka namang di masamang tao . Baka magtatanong lang direction. kaya lumabas na ko.

" Ahhh... Sino po sila ?" tanong ko

" Gray Harris."

" GAY HARRIS!!???" 😱😱😱😳

'Sayang naman tong gwapong nilalang na'to at ipinangangalandakang paminta sya.'

"Thanks for the compliment. Don't worry di ako masasayang 'cause I'm not gay. It's Gray. G.R.A.Y. Gray Harris. Not Gay. Hahahaha"

Owww men bakit ko nasabi yon. Ang shunga shunga naman nitong utak ko, bakit mo pinalabas sa bibig ko

" He.he.he. Sorry. Ear problem."

Tragis naman ang awkward. Minsan na nga lang makakita ng gwapo napahiya pa ko. Thank you life.

" Do you know how to get in here?" Tanong nya at pinakita sa akin ang hawak nyang papel na may nakasulat na address.

Wag kang lumapit sakin koya. Ang bango bango mo. ano kaya pabango nito makabili. Ay shet ang harot ko.

Binasa ko ung papel at saka itinuro sa kanya ang daan papunta don.

" So do you live here?" Tanong nya

" Ah yes." naiis-speechless ako.

" Thank You for the direction." Pasalamat nya at saka ako nginitian.

Oh Man. Nalaglag na ata yung panty ko. Bat ang gwapo ng nilalang na ito?!

Nginitian ko sya at nagpaalam na syang umalis. Isasarado ko na yung gate ng dumating ang kotse ni Louie, kaya binuksan ko ulit. Pagkapasok nya isinara ko na yon at pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si Louie sa kusina at kumuha ng beer.

"May problema ka?" Tanong ko dito

Tiningnan lang nya ako at saka ininom ang hawak nya beer. Di ko nalang pinansin baka may dalaw eh , kaya masungit.

Pumasok na ko sa kwarto namin , at lumipas ang ilang minuto pero di parin dumadating si Louie.

1 hour..........

Wala parin.

2 hours......

Wala parin.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sya pumasok sa guest room. Teka bakit dun sya matutulog? Ayaw nya ko katabi ? Aba loko yun ah. May pa 'I CAN'T SLEEP WITHOUT MY ARMS AROUND YOUR WAIST ' pa syang nalalaman.

Psssshhhhh... Baliw talaga . Bahala sya basta ako matutulog nalang .

Bumalik na ko sa kwarto at nag online nalang. Magpa-fangirl na nga lang ako.

Bigla kong naalala yung gwapong nilalang kanina.

Tinype ko sa Facebook yung 'Gray Harris' at MAAANNNN !!!! NAKITA KO SYA . Sabi sainyo eh . FBI should hire fangirls.

Inistalk ko sya at My Gulay. Ang gwapo gwapo nya talaga.... Crush ko na ata sya.

Di ko namalayan ang oras at nakita kong 4AM na.

WHAT ????!!!!!

Ayan Kiesha sige ! Stalk pa more ! Dahil alam kong gigising din ako mamaya di na ko natulog , nagsearch nalang ako ng kung ano ano tungkol kay Gray Harris. Pero wala akong masyadong makitang impormasyon. Hayyyy...

Bumaba ako ng makita ko na maliwanag na.

"Kiesha ano ka bang bata ka. Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong sakin ni Manang

Sasagot na ko ng nakita ko si Louie na kakarating lang sa kusina. Kaya tiningnan ko sya . Kumunot naman ang noo nya ng nakita nya ako.

"Napasobra po kasi ang pagpa-fangirl at fanboy namin eh. Kaya po di kami nakatulog." Sabi ko lang kay Manang at saka umupo. Umupo na rin si Louie pero di ako pinansin. Edi di ko rin sya papansinin.

Nauna akong natapos kumain at nauna rin akong lumabas. Habang nag stalk ako kay Gray Harris magkakachat rin kami ng Wolf pack ko . At napagusapang susunduin kami ni Rupert dahil niregaluhan sya ng Tatay ng nya kotse kaya sya ang susundo samin.

Pagkalabas ko nakita ko na rin si Rupert.

"Buti nalang lumabas ka kaagad." Sabi nya

Akmang sasakay na ko kotse ni Rupert ng lumabas si Louie sa front foor ng bahay namin nagtama ang mga mata namin and I saw how he tightened his jaw,pero nag-iwas tingin sya at pumunta sa sasakyan nya.

So wala na syang pakielam sakin ngayon. Psshhh. Edi wag nya ko pansinin di ko rin sya papansinin.

"Tara na!" Yaya ko kay Rupert.

-

Nakatambay ako dito sa likod ng quadrangle ng university kasi vacant ko umuwi naman ang mga kasama ko kaya mag-isa lang ako dito.

"Ikaw ulit." Napaangat ang tingin ko mula sa iPad ng may magsalita sa harap ko

" Ow. You." Yun lang nasabi ko. Nakakawala talaga sa sarili yung mga ngitian nya.

" Wait. What's your name? Two times na tayo nagkikita di ko parin alam pangalan mo."

" Kiesha Torres." Nakangiting sabi ko

"Late enrollee ako at wala pa kong kilala dito. So friends?" Nakangiti nyang nilahad ang kamay nya

"Friends." Deyyymmmnnn ang lambot ng kamay nya. Parang ulap. Shet ang landi ko.

Papunta kaming Science Building at nakasalubong namin si Louie. Di ko sya pinansin at dire-diretso akong naglakad. Napansin ko namang ngumisi si Gray at nagtagis bagang naman si Louie. Pssshhh. Lagi namang ganyan si Louie eh. Ano bang bago?!

That Gangster is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon