Chapter 32

187 3 2
                                    

Kiesha POV

Sobrang abala ang lahat dahil nagkulang pa ng isang model kaya nagkaron ng kaunting problema pero naayos rin naman kaagad. Napatingin ako dun sa upuan ni Allaine at naalarma ako nung makita kong wala sya dun. Agad along lumabas para hanapin sya. Tapos na naman ang shoot kaya pwede na kong umalis.

Naglalakad ako sa corridor at pinagtanungan lahat ng makakasalubong ko. Pagay nangyari kay Allaine di ko mapapatawad ang sarili ko.

Tumawag na kaya ako ng pulis. Baka na-kidnap na ang anak ko. Naiiyak na agad ako sa thought na nawawala sya.

"Ate may nakita ba kayong bata na mahaba ang buhok may full bangs mga hanggang bewang ko ang tangkad"

Tanong ko sa babae sa lobby

"Ay pasensya na po ma'am kakastart ko lang po ng shift eh."

"Allaine asan ka ba?"

Muli akong umakyat baka sakaling nandun na ulit sya pero wala parin

"Kiesha what happened?"

Di ko pinansin kung sino man yon at patuloy parin ako sa paghahanap sa bawat office at corridor wala na kong pake kung mawalan ako ng trabaho ang importante makita ko ang anak ko.

"Kiesha sandali." Napatigil ako ng kabigin nya ako sa aking pulsuan

"What happened? Why are you crying?"

Napakapit ako sa pisngi ko at napag alamang basa nha ito. Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

"Xander si Allaine. Nandun lang sya sa may upaan habang nag shushoot kami pero nawala sya." Umiiyak at kinakabahang sabi ko

"Okay calm down. I'll call Vince to check all the CCTV"

"Xander tulungan mo ko. Di ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa anak ko. Please."

"Okay. Just please calm down. Let's go to my office first."

Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Wala na kong pake kahit kanino basta makita ko lang si Allaine. Napaka pabaya ko. Sana di ko nalang sya sinama. Ano naman kung matagal akong di pumasok ng trabaho atleast kasama ko ang anak ko ngayon at di sya nawawala. Kasalanan ko to eh.

"Kiesha tumahan ka na. Sandali lang ayaw sagutin ni Vince ang phone nya"

Parang gripo yung luha sa mata ko. Di ko alam kung pano ako kakalma. Di ko alam kung pano di tutulo ang luha ko. Kelangan ko mahanap si Allaine.

Xander POV

Natataranta na ko eh. Pano ba naman yung luha ni Queen walanh palya sa pag agos. Tas tangina pa nitong si Vince ayaw sumagot sa telepono. Ang sarap makasaksal ng kaybigan.

"Puntahan nalang natin si Vince sa office nya."

Agad namang tumango at tumayo si Queen.

"Xander pwede bang pakapit nahihilo na kasi ako."

"Gusto mo dalhin kita sa ospital ?"

"Hindi na. Kaylangan kong mahanap ang anak ko "

Nandito na kami ni Queen sa office ni Vince pero wala daw ang gago. Tangina talaga yun. Kung kelan kailangan saka missing in action.

Iniwan ko muna si Queen sa office ko dahil pinapatawag daw ako ni King. Aishh bat ngayon pa?

Vince POV

Nabato ako hindi nabato pala kami ni King nung narinig namin ang pangalang yun. Sabihin nyong mali ang iniisip ko.

"Hey Mister are you both okay?" Inosenteng tanong nya at yon ang nagpabalik samin ni King sa katotohanan

Sabi ko na eh. May kamuka talaga tong batang to eh. Pero shet di ko naman naisip na si Queen yun. Napatingin ako kay King at di ko alam ang emosyon nya.

"Is this Tito Xander?" Tanong ulit ni Allaine. Oo may group picture kami sa office ni King. Wag kayo kiligin si Xander lang naglagay nun di nalang pinansin ni King.

"Mister why's my mommy's picture here? Do you know my Mommy?"

Nakita ko si Allaine sa table ni King at tinitingnan ang picture ni Queen. Damn. Tell me this is just a dream.

"Call Xander and tell him to come here." Hindi cold ang pagkakasabi nya eh. Wala. Sobrang walang emosyon.

Ilang minuto lang ay nandito na si Xander.

"Tito Xander!" Masayang bati ni Allaine

Patay kang Xanderiray ka. Wish ko lang na nagpakasawa ka kagabi bilang last day mo na sa Earth.

"Allaine! Where have you been your mommy is looking for you?"

"I know, but this two mister told me that they're going to help but they just stand and stared at me." Nakapout na sabi ni Allaine.

"Let's go to your mommy she's in my office." Sabi ni Xander at paglingon ko kay King nakatikom na ang kamao at mukang ready ng kumitil ng buhay. Ipag darasal kita mahal kong kaybigang Xander

"Karga" sabi ni Allaine at agad naman syang kinarga ni Xander

"Tito Xander bakit di ka na ulit pumunta sa bahay namin?" Tanong ni Allaine at halata naman kay Xander ang kaba at napalingon kay King.

"Take her to her mommy and comeback here. We. Will. Talk.

RIP XANDER MY FRIEND.

That Gangster is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon