Chapter 33

216 5 1
                                    

Xander POV

Habang naglalakad kami papuntang opisina ko at di ko magawang hindi kabahan. Patay talaga ako kay King. Di pa naman ako nanghimasok ng kweba kagabi. Isang bagay na pag sisisihan ko yun kung sakali.

"Tito Xander are you okay? You look like having a LBM." Tanong sakin ni Allaine. Bakit ba ang daming alam ng batang to. Sa gwapo kong to muka ba kong nagtatae?!

"ALLAINE WHERE HAVE YOU BEEN? DIBA SINABI KO WAG KA AALIS SA PINAGIWANAN KO SAYO?! PANO KUNG NAPAHAMAK KA?! PANO KUNG....."

"Mommy calm down. I just need to pee and then I got lost. You're so OA." Walang ganang paliwanag ni Allaine na para bang sanay na sanay na sya sa ganong reaksyon ni Queen.

"I love you that's why I'm OA. You are my daughter that is why I always want to protect you." Sabi naman ni Queen at pinunasan nito ang mga luha nya. I know na sobrang swerte ni Allaine kay Queen. Noon pa nga lang high school at college kami sobrang maalaga at maaalalahanin samin ni Queen eh. Kaya para na talaga syang nanay ng barkada at si King naman ang tatay namin.

"I'm sorry mommy." Sabi ni Allaine sabay yakap kay Kiesha at saka tumayo at lumapit sakin

"Thank you Xander ah." Sabi nya

"King saw Allaine and he already knew about her. I'm going back to his office so if I were you I'll leave." malamig na pagkakasabi ko. Kelangan kong gawin yon dahil alam kong hindi pa hanada si Queen at kilala ko si King.

Agad namang tumango si Kiesha at kinarga si Allaine at lumabas ng opisina ko.

Damn I'm dead. Yan nalang ang nasabi ko pag kaalis nila.

-

Papunta na ko sa opisina ni King at tangina kinakabahan talaga ko. Kelan pa kasi naging Tito ang tawag sakin ni Allaine? Kanina lang Mister ang tawag nya sakin. Yung batang yun talaga. Buti nalang at cutie patotie sya. Yak ang bading nun ah.

"Explain." Pagkapasok na pagkapasok ko palang yan agad ang sinabi ni King

Sa totoo lang di yan ang inaasahan ko. Ang akala ko sapak agad ng gagawin nya sakin.

Pero ano nga ba ang ieexplain ko?

Di ko na tatangkain pang magtanong dahil sadyang mamawala na ang gwapong katulad ko kung sakali.

"Ahhhmm. Si Allaine yun anak ni Kiesha. Hehehehe."

Tangina xander para kang gago.

"With whom?" Tagis bagang na tanong nya.

"Hindi ko alam. Wala naman syang nabanggit sakin."

Parang ulul lang mga sagot ko. Ayoko mag seryoso ng boses lalo kasi akong kakabahan punyeta.

"Tangina mo Xander umayos ka nga!" Sigaw sakin ni Vince

"Eh tangina kinakabahan ako. Bakit ako ang mag eexplain ako ba si Kiesha. Di naman ako ang tatay ni Allaine ah..."

*boogsh*

Tangina Xander yung gwapo mong muka.

"Oh gago. Okay na eh. Tanga mo talaga." Sabi ni Vince nung nahimasmasan ako.

Lumingat ako at nakita ko nalang ang pasarang pinto.

"Wala ka talagang alam sa tatay ni Allaine?" Tanong ni Vince

"Tangina kung may alam ako edi matagal ko ng sinabi para matagal na rin nating nabugbog."

Kiesha POV

"Mommy are we rich now? Taxis are expensive right?" Inosenteng tanong sakin ni Allaine

"No baby nagmamadali lang tayo" paliwanag ko naman

"Mommy I saw your picture in that Mister's office. I don't know his name but he is handsome but he looks scary."

Lalo akong kinabahan. Ngayong alam na ni Louie ang tungkol kay Allaine hindi nya ako titigilan. Kilala ko sya, si yun titigil hanggat walang nakukuhang sagot.
Nakarating kami sa bahay at agad kong inimpake ang mga gamit ni Allaine.

"Mommy where are going?" Nagtatakang tanong sakin ng anak ko

"We're going to stay at Tita Andi's house for the mean time."

"Why?" Tanong nya ulit

"Ahhhh..." ano sasabihin ko?

"Don't forget my ipad's charger mommy. I'll watch tv now."

"Okay."

Natapos ko ng ayusin ang gamit ko at ni Allaine. Hindi ko alam kung bakit ko ba to ginagawa, pero alam ko lang di pa tamang panahon to para magpaliwanag kay Louie.

"Allaine, baby let's go."

Palabas na kami ng gate ng...

"Going somewhere wife?"

That Gangster is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon