Chapter 27

195 5 2
                                    


Shit. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Una palang dapat di ko na talaga tinanggap ang account na yun. Alam kong si Louie ang CEO mg kumpanyang yon. Pero di ko naman akalaing makikita ko talaga sya.

Okay. I know naguguluhan kayo.

Yung mga sinabi ko ay adlib ko lang na ginawa ko sa utak ko para kung magkaharap man kami ni Louie. Pero partly truth naman yun.

Oo naaksidente ako. Pero wala akong amnesia. Yun lang ang kasinungalingan sa adlib na ginawa ko sa utak ko.

Tinanggap ko ang account na to kahit alam kong sa kunpanya to nila Louie dahil kelangan ko ng trabaho. Pano ko bubuhayin si Allaine kung wala akong trabaho.

Nung pagpasok ko palang nang kumpanya eh naguguluhan na ko kung bakit lahat ng empleyado ay nakatingin sakin. Di naman nila ako pwedeng makilala. Naghiwalay kami... Wait naghiwalay ba kami?? Basta. Ayun. Bago pa man maging CEO si Louie wala na ko sa buhay nya. Kaya inposibleng kilala ko ng mga tao dito. Ay ewan ko.

Pauwi na ko ng Laguna ngayon at di ko alam kung anong gagawin ko. Paniguradong nakagawa na ng paraan si Louie para mahanap ako. Nakakainis.

Lahat ng ginawa at sinabi ko kanina kasinungalingan. Yes. Kasinungalingan lahat yon. Kasinungalingang kaylangang paniwalaan ni Louie hanggat di ako nakakaisip ng paraan kung pano kami makaka alis ng anak ko.

Butthis time. I'll say the truth.

First. Nung araw na nasa private island kami may kumaha saking mga lalaki. Pero di ko na nakuhang sumigaw dahil agad akong nahilo. Nagising ako nasa isang lumang nodega na ko. Si Gray Harris ang unang pumasok sa isip ko na gagawa nito pero nagkamali ako. Isang kalaban sa gang ni Louie ang dumukot sakin. Ilang araw din akong nanatili sa bodegang yon pero di ako nawalan ng pagasa na mahahahanap ako ni Louie. Kinabukasan non, ang buong akala ko si Louie ang magliligtas sakin pero nagkamali ako si Gray Harris ang nag ligtas sakin.

Second. Pumunta kami ni Gray sa Laguna at don namin nakilala si Aemie at isa syang nurse.

Third. Bumalik ako sa Manila at sinamahan ako ni Gray dahil masyado pa daw delekado para makita si Louie pero malayo palang ako tanaw na tanaw ko na may kasama syang dalawang babae ang isa ay kahalikan nya at ang isa namang ay nakayapap sa kanya habang hinahalika ang leeg nya. Di ako tanga para di ko malaman ang susunod na mangyayari pagkapasok nila sa BAHAY NAMIN. Akala ko ba mahal nya ko? Yan ang tanong sa utak ko nung mga panahong yan.

Fourth. Bumalik ako ng Laguna at sa kinamalas malasang pagkakataon naaksidente ang sinasakyan namin at mabuti nalang si Aemie ang nurse sa ospital na punagdalhan sakin. Gray did not make it. He died because of cardiac arrest sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya. He sacrifice his life for me. Sa kanya tumama ang bakal na dapat ay saakin. Hinarang nya sang katawan nya. Pinakusapan ko na wag magbibigay ng kahit anong inpormasyon tungkol kay Gray, dahil sigurado ako nung mga panahong yon sya ang pinagbibintangan nila Louie nung mga panahong yon. Inihimlay namin si Gray sa katabi ni puntod ng kapatid at mga magulang nya.

Fifth. Allaine is the daughter of Gray and Aemie. Hindi ko alam na may relasyon na pala sila. Sinabi lang sakin ni Aemie lahat bago sya manganak. Simula nawala ang mga magulang ni Allaine ako na ang magulang nya. Dahil kung wala ang mga magulang nya wala na ko sa mundong to. Anak sya ng dalawang tao na pinagkakautangan ko ng aking buhay. Kaya gagawin ko lahag para kay Allaine kahit buhay ko ibibigay ko para sa kanya, dahil ganon ang ginawa ng mga magulang nya para sakin.

Ayan ang katotohanan at hinding hindi malalaman ni Louie ang lahat ng yan.

That Gangster is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon