Prologue

373 8 1
                                    

I ran panting down the hospital hallway finding the ICU. I have been holding myself back from crying

"Nurse--saan po banda ang ICU?" My voice was trembling

"Sister liko po kayo jan sa kanan nanjan na po ang ICU"

"Salamat" Halos liparin ko na ang ospital para lang makarating agad doon

Kahit pa suot ko pa ang abito ko at pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko inalintana ang nasa paligid ko kailangan kong makarating agad sa ICU at makita ang Daddy ko

"Jasmine!!" sigaw ng Mommy ko nang makita akong papalapit sa kanila ni Kuya na nakaakbay sa kanya

Yumakap ako ng mahigpit kay Mommy. Halos manghina ako nang ipatawag ako ng Mother Superior namin at ibinalita sa akin na nasangkot sa isang car accident ang daddy ko. Nahulog ang sasakyan niya sa Fly over sa Edsa

"Mom? si Daddy po? kamusta po siya??" I was so really nervous hindi na nga ako nakapag dala ng gamit ko nang payagan ako ng Mother Superior kong lumabas sa Kumbento

"Jasmine your dad is in critical condition anak. Mataas ang pinaglaglagan niya" Mom started crying

"Paano? Bakit po siya nalaglag doon? Diba po matagal niya nang driver si Kuya Dondon? bakit bigla silang naaksidente ng ganyan?" Sumilip ako mula sa salamin ng pintuan ng ICU

Dad is in the bad shape ang daming nakasaksak sa katawan niya. There's a nurse inside attending on him

" Mukhang sinadya anak. Ang laki ng yupi sa likod ng sasakyan ng Daddy mo according sa mga pulis may nakitang sasakyan na bumubuntot sa daddy ninyo from company and it was suspicious. The police has stared their investigation " I gasped when Mom said that

Dad is a very good person. Ayaw niya na may natatapakan siyang tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit mayroong nagbanta sa buhay niya ngayon

Nagpaalam ako kay Mommy at Kuya na pupunta muna ako sa Chappel ng Ospital para magdasal

I took the rosary from the pocket of my Abito. Nagsimula akong magdasal ng taimtim para sa kaligtasan ng daddy ko nang driver namin

"Sister Jasmine binibigyan ka namin ng isang buwan lamang para lumabas dito sa Kumbento para matulungan ang Mommy mo sa pag-aalaga sa Daddy mo ngayon. Ipagdarasal din namin ang mabilis na pag galing ni Mr. Dela Fonso" Nasa opisina ako ng Mother Superior namin para humingi ng pahintulot na makalabas ako mg kumbento ng ilang araw

"Maraming Salamat po Mother Superior" niyakap ko ang Mother superior ko bago lumabas sa opisina niya

Isa-isa kong inampake ang mga damit ko. Nagbihis na rin ako mula sa Abito ay nagsuot na lamang ako ng aming kasuotan kapag pinapalabas kami sa Kumbento

Isang pantaas na mahaba ang manggas at paldang lagpas sa aming tuhod. Suot ko pa din ang aking belo hindi ko pwedeng makalimutan ito

Isa-isa akong nagpaalam sa aking mga kasamahan Madre at mga mas nakakataas sa akin

Nasa labas naman si Kuya para sunduin ako

"Alis na tayo Sister Jasmine?" lagi niya akong binibiro ng ganyan pwede niya naman akong tawagin sa pangalan ko lang dahil kapatid niya ako

"Haynako Kuya. Tara na nga" nagdrive na siya papunta sa bahay doon muna ako didiretso para ibaba ang mga gamit ko

For 5 years ngayon na nalang ulit ako makakalabas ng ganito katagal mula nang pumasok ako sa Kumbento

Broken Call [ON GOING] Where stories live. Discover now