Kabanata 18

124 3 2
                                    

"Ay Maam wag ka pong iiyak!!! " Nagpanic ang make up artist ko hahang papalapit sa akin

I'm standing in front of a mirror. Ang ganda - ganda ko ngayon. I can't believe it's really happening. Ikakasal na ako

I'm wearing a sleeveless ballgown created by Michael Cinco, the gown was full of jades and crystals it looks simple at the first glance pero kapag napansin mo ang details niya sa malapitan, you'll really know na pulido ang pagkakakabit sa mga batong nilagay dito. There's also a tiarra in my head na bigay sa akin ni Tita Gail at Tito Javan it looks luxurious hindi ko na nga tinanong kung magkano ang bili niya dito dahil sa itsura palang alam kong mamahalin na.

Having Cael in life was already too much masyado niya akong Mahal. I doubt myself that I deserve that man parang hindi, sobra-sobra siya para sa akin. And he gave me my little angel, Thaddeus

He also let me plan this occasion according to my dream wedding. Pero wala naman akong masyadong plano. Ayaw ko ngang masyadong bonggahan ang kasal namin ni Cael basta matuloy lang ito at siya ang groom ko ayos na pero si Mommy at Tita Gail ayaw pumayag na simple lang ang kasal ko

I understand them, hindi naman basta-basta ang pangalan ng parehas na pamilya namin ni Cael so I let them help me. I remember the day I fit my wedding gown kasama ko si Mommy at Tita Gail bumayahe pa kami pa Dubai para mismong mapuntahan ang botique ni Michael Cinco dahil doon siya naka base.

Cael, on the other hand, was always there for the things that the two of us had to decide about our marriage. All plans and details regarding our wedding were arranged quickly. Kahit na medyo madaliang preparations lang ay naramdaman ko ang pagiging perfectionist ni Cael

Kuya Yael offered the hotel for the reception sino ba naman ako to decline his offer? . Kaya malapit lang din sa Hotel ang Simbahang pinili ko para sa kasal namin ni Cael. It was just a traditional but elegant church wedding Mom and Tita Gail made sure that the flowers for my wedding are fresh at engrande ang magiging arrangement

Nagkaroon lang ako ng konting problema sa Maid of Honor ko. Ang hirap hanapin ni Dalisay nakakaramdam ako ng pag-iwas niya kay Kuya Yael. Hindi ko na rin ginulo si Kuya Yael about her kaya naman I decided to ask Cael to help me finding her, sa bar kung saan siya nag tatrabaho doon ko siya nakita. I can't forget how she was surprised to see me on her work place

"Uy? Jasmine anong ginagawa mo dito?" She looks so surprised while entering the suite kung nasaan ako. She's wearing a fitted above the knee dress. Kitang - kita ang ganda ng katawan niya sa suot niyang ito. She's wearing a heavy make up too bagay sa kanya ang ayos niya

"Twinkle kanina ka pa hinihintay niyan  niyan ni Maam sa akin, sige na maiwan ko na kayo jan" Their manager left us. Cael contacted the owner of this bar kaya he assisted me pagkadating ko palang dito at dinala ako sa VIP suite

We both watch him leave the suite. When he exited bumalik ang tingin namin ni Dalisay sa isa't-isa pero yumuko siya para maiwasan ako

"You look stunning Dalisay. I wish I had a sexy body like that" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa

Tumingin ulit siya sa akin with a shy look, siguro nahihiya siyang nakita ko siyang nakasuot ng ganito. She doesn't have to, I mean she looks stunning with this look. Napakaganda niya

"Jasmine? an-ano ba kasing ginagawa mo dito?" napakamot pa siya ng sintido niya

Naupo ako sa couch na narito sa suite. I looked around. There's a KTV and Disco lights. I pat the space on the couch beside me to tell Dalisay that she must sit first bago ko sagutin ang tanong niya mukhang nagets niya naman agad ako at umupo siya sa tabi ko

Broken Call [ON GOING] Where stories live. Discover now