Francis texted me na wag munang pumasok ngayon. Sila na daw muna ang bahala sa clinic maybe the others already know what happened last night
It's already eleven am. Hindi pa din ako lumalabas sa kwarto
"Meow!!!" Kanina pa nag Me-meow si Ash siguro na gugutom na siya
"Oo na Ash bababa na tayo" binuhat ko nalang siya at bumaba kami papunta sa kusina naabutan ko doon ang isa sa maid namin na naghahain sa lamesa
"Sakto Maam Jasmine magtatanghalian na po kayo bababa na po sina Maam Raya at Sir Greg" lumapit siya sa akin
"Pakakain po ba si Ash Maam?" kinuha niya si Ash mula sa akin. Napansin niya ang sugat sa leeg ko
"Naku Maam anong nangyare jan?" natataranta niyang tanong
"Lower your voice. I'm just fine hindi naman malalim to. Pakainin mo na si Ash kanina pa umiiyak yan" Hindi na siya nagtanong pa. Dinala niya na si Ash para pakainin
"Jasmine? ano ung naririnig ko kanina? What happen to you? hindi ka pumasok?" Saktong dumating si Mommy at Daddy
"Oh? bakit may sugat ka sa leeg?" Mom look at my wound with a worried face
Hindi ko pa pala naku kwento sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Tulog na kasi silang lahat yung maid nalang namin ang nagbukas ng pinto sa akin kagabi
I sat at the dining table. I tell them about what happened to me last night. They were surprised by what I told them and Daddy showed so much concern on his face
"You must be scared my little angel" dad held my hands. I just smile tapos naman na iyon ang mahalaga ligtas ako
"Maam? May bisita po kayo?"One of our maid interrupts. Nagkatinginan kami ng parents ko. I think we both didn't expect having a visitor today
" Sino daw? "Mom asked
" Maam Gail daw po" Mom stood up para puntahan si Tita Gail. What brings her here at our house
"I'll promise you Jasmine. Ipapakulong ko ung gumawa sayo non kagabi" Dad was still talking with me. Grabe hindi halata na Daddy's girl talaga ako
Bumalik si Mommy sa dining area kasama si Tita Gail she's not alone kasama ni si Cael at isa pang lalaki na kahawig ni Cael mas mukha lang matanda sa kanya ito
Napatayo ako mula sa pagkaka-upo. Anong ginagawa niya dito??? Our eyes have met he's having a bright aura hindi gaya kagabi na nakakatakot. He looks chilled today
"Naku Mare nang nakwento ni Cael kaninang umaga ay nag desisyon akong puntahan kayo. Grabe ang kaba ko. Jasmine iha!!! Kamusta? haynako!! buti walang nangyaring masama sa iyo!! Jusko para akong aatakihin sa puso kanina jusko!! Yael! Cael! saluhin nyo ako!" Why Tita acting like this? para siyang Oa na kikay mother sa isang drama
So Yael ang pangalan ng isang kasama nila. He's just smiling while holding on Tita's back. Si Cael naman pokered face habang nakahawak sa likod ni Tita
"Ok na po ako Tita. Thank you po sa concern" I don't know what to say natatameme na naman ako. Cael is staring at me like how he stared at me before nakakailang
"Buti nalang talaga Gail dumating si Cael. Salamat talaga iho" hinawakan ni Mommy ang kamay ni Cael
"No worries Tita" he's stealing a glance on me while looking at Mom
YOU ARE READING
Broken Call [ON GOING]
RomansaSinunod ni Jasmine ang kanyang bokasyon bilang madre. Ngunit dahil sa isang pangyayari agad niyang iniwan ito at umalis sa loob ng kumbento dahil sa tingin niya hindi na siya karapat-dapat pang manatili pa rito dahil sa kanyang nagawang kasalanan ka...