Raegan Schmidt’s POV
“Hi Paul, good morning” kumaway ako nang kumaway hanggang sa mapansin ako ni Paul sa hallway.
Marami rin ang bumati sakin kaya binati ko sila pabalik habang naglalakad palapit kay Paul, nakita ko naman na may mga kasama siya.
“Hi, ikaw ba si Raegan?” tanong nila na kinagulat ko pero nang siniko ako ni Paul ay tumango ako at ngumiti, malamang ay siya ang nag pakilala sakin.
“Ah Raegan, ito nga pala si Ryo at Joy sila yung tinanungan ko para sa trabaho na papasukan mo, malapit lang dito sa school kaya malapit lang din yun sa bahay niyo” sabi ni Paul kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa.
“Ah, oo ako nga, nagagalak akong makilala kayo” sagot ko, nagtaka naman ako dahil tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa, “tamang tama lang ang katawan mo para sa trabahong ibibigay namin sayo” nakangiting sabi nung Joy.
“Mahilig ka bang nag workout?” tanong nung lalaki na kinatango ko, “tama lang, may experience ka naba sa pagiging couch sa isang gym?” tanong nung Ryo na kinatango ko, ginawa akong couch dati sa isang private gym at tumagal ako ng 5 months.
“Sakto, kailan ka ba pwede mag simula?” nagulat ako sa tanong nung Joy kaya na-awkwardan ako, “uhhm kasi..” humingi naman ako ng tulong kay Paul na kaagad naman niyang nakuha.
“Mukhang hindi pa siya ready kunin yung trabaho” sabi ni Paul, “kailangan ko pa kasing siguraduhin na kaya na ng nanay at tatay ko” dagdag ko na kinangiti naman nila.
“Ayos lang naman, hindi kami nagmamadali” nakangiting sabi nila na kinangiti ko at nag pasalamat.
“Tawagan niyo nalang kami kapag ready ka na Raegan, sige na may klase pa kami” nagpaalam na ako at kumaway kaya ganun din ang ginawa ko, sabay na rin kaming lumakad palayo ni Paul.
“Salamat ah, ito nga pala yung hiniram ko kagabi” inabot ko sa kaniya yung 1k na kinataas ng kilay niya, “ayoko, bayaran mo ako kapag may trabaho ka na, alam kong mas kailangan mo ng pera” sabi niya na kinangiti ko at binulsa ulit yung pera.
Ang bait talaga nitong bestfriend ko.
“Naccr ako Paul, mauna ka na” sabi ko na kinasimangot niya, “sama ako, naccr din ako” ngumiwi ako pero wala akong magagawa dahil nauna pa siyang lumakad sakin.
Habang naglalakad kami ay may bigla kong napansin si professor Archer sa hindi kalayuan kaya nagliwanag ang mukha ko, grabe ang pogi niya talaga.
Subalit nawala bigla ang ngiti ko nang makita kong may biglang lumapit sa kaniyang isang professor din, that’s professor Christof na isa ring coordinator.
Masaya silang naguusap kaya bigla kong naimagine na ako yung nasa position ni professor Christof, hindi naman kasi ngumingiti ng ganiyan sa kahit kanino si professor Archer.
May something kaya sa kanilang dalawa?
“Naging tuta kana naman, ano bang tinitigna— Oh” nakatitig lamang ako sa kanila at hindi pinansin si Paul, nagda-daydream ako habang nakatitig sa kanila rito sa second floor ng building namin habang sila ay naglalakad para yata sa next subject.
“Uy nagseselos” siniko ako ni Paul at nginisian ng nangaasar kaya napanguso ako, dapat maiinis ako pero hindi ko talaga kayang magalit.
“Halika na, hindi ka maalala ni professor dahil narin siguro sa kalasingan, kalimutan mo na yung nangyare sa inyo” sabi ni Paul sakin at hinila na ako paalis, sumulyap pa ako sa kanila bago ako sumunod sa kaniya.
“Raegan para kang tuta, huwag ka ngang gumanyan ang laki laki mong tao e” sabi niya na kinahinga ko ng malalim at pinilit ngumiti.
“Para ka talagang siraulo minsan..” bulong niya na narinig ko naman kaya sinamaan ko siya ng tingin na kinangiwi niya.
“Parang may chemistry sila sa isa’t-isa” usal ko na kinahalakhak niya ng tawa kaya nagtaka ako.
“Malamang chemistry teacher e, wala kang pagasa dun kaya tigil mo na yang pantasya mo” natatawang sabi niya na kinasimangot ko.
Grabe ang supportive niya talaga.
Ang hirap din magselos na walang karapatan. (。•́︿•̀。)
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR
RomanceRagen is a college student who happens to have a one night stand with his professor due to an unexpected event, on the other hand, professor Archer seems to have no idea who he is until something unexpected happens that will lead them both into a bi...