Raegan Schmidt’s POV
*BELL RINGS*
“Class dismissed” pinanood kong umalis si professor dala ang nga gamit niya, as usual seryoso parin ang expression niya.
“Uy Raegan, Paul. Magkakaroon ng celebration mamayang gabi ah, para siyang party pero gaganapin daw sa bahay ni professor Archer” saad ni secretary ng klase nang lumakad siya palapit samin.
“I hate parties” sabi ni Paul kaya tinukso siya ng Yumi kesyo ang kj niya raw etc. Wala lang sa kanilang dalawa yan dahil madalas naman silang mag-asaran.
“Raegan ikaw ba?” napaisip naman ako bigla, kung pupunta ako edi makikita ko ang bahay ni professor, pero paano sila nanay at tatay?
“Hindi ko pa alam, walang maiiwan sa bahay” sabi ko at nangalumbaba, “ganun ba, mag paalam ka Raegan sayang naman yun” napahinga ako ng malalim dahil sayang naman talaga ang oportunidad.
Nagulat naman kami sa biglang pag sulpot ng treasurer, “sayang talaga, sabi kasi ni professor Chris mansion daw ang bahay ni professor Archer, nako excited na ako mamayang gabi” usal niya na kinaliwanag ng mga mata ko.
Mas lalo lang tuloy akong natutukso na pumunta, “paalam ka nalang, Raegan, isama mo si Paul para kung sakali na makapunta ka edi sabay na kayo” mungkahi niya kaya tumango si Paul.
“Sigurado ka? Hindi talaga ako sigurado, Paul” nag-aalangan na sabi ko, “kung hindi ka naman pupunta, hindi rin ako pupunta e” napangiwi ako sa sinabi niya, siraulo talaga.
Nagusap lang kami ni Paul hanggang sa hindi namin namalayan na tapos na pala ang breaktime kaya nagpatuloy na ang klase.
Ilang oras ang lumipas ay tumunog na ulit ang bell hudyat na uwian na, kaniya-kaniyang ayos ang usapan na patungkol doon sa gaganapin sa party.
Hindi naman daw buong school ang a-attend, yung mga klase na hawak lang ni professor Archer at swerte ng section namin dahil nilagay siya rito.
“Tara na, Raegan” sabay na kaming lumakad ni Paul, kumaway samin ang iba kaya kumaway kami pabalik hanggang sa makalayo kami sa room.
“Uy Raegan, Paul. Sasama kayo? Sana talaga nandun kayong dalawa lalo ka na Reagan favorite ka pa naman nung may birthday” natatawang ani ng student sa kabilang section na kilala rin namin, close kami ng iba dahil kilala ang pangalan namin ni Paul.
Hindi naman sa matalino pero pala-kaibigan kasi kami ni Paul kaya kalat ang pangalan namin hanggang sa ibang department.
“Hindi namin sure, pero susubukan namin” si Paul na ang sumagot, “ganun ba, sana makapunta kayo, byeee” nagpaalam na rin kami at nagpatuloy sa paglalakad.
FAST FORWARD
“Goddámn.. sobrang laki naman ng bahay ba ‘to, sobrang yaman siguro ni professor Archer” komento ni Paul habang nakatingala kami pareho sa mansion na ito, may fountain sa gitna at may pool naman sa gilid which is may mga students na from different sections.
Mabuti nalang pinayagan ako, dun daw kasi matutulog ang pinsan ko kaya nakiusap ako na siya muna ang magasikaso kay nanay at tatay.
“Uyy Raegan! Paul! Dito!” nabaling ang tingin namin sa sumigaw, siya yung babae kanina. lumapit kami ni Paul pero bago kami pinapasok ay pinakita muna nami ang id namin.
“Sabi na makakapunta kayo e! Uyy Raegan hinahanap ka agad ni ms. Nini, sabi ko naman sayo hahanapin nun ang paborito niyang studyante sa school niya” napatawa kaming lahat dito sa table dahil sa sinabi nita, parang anak na kasi ang turing nun sakin.
“Raegan! I’m glad nakarating ka, sorry kung hindi kita nasabihan about dito sa party i lost time na ipaalam sa lahat, you know this party needs a lot of preparation” napangiti ako sa sinabi ni ms. Nini.
“Wala ho yun, happy birthday ma’am” bati ko at ganun din ang ginawa ng iba, yung iba may sari-sariling mundo at nagsasaya.
“Maraming salamat, enjoy the party ha? There’s a lot of food inside don’t be shy, we also have a mini bar for those who wants to drink” nakangiting sabi niya at akmang aalis na pero may gusto pa akong malaman.
“Nga po pala ma’am, balita ko po bahay ito ni professor Archer, bakit po dito nag celebrate?” tanong ko na kinagulat niya at ang mga kasama ko, kahit si Paul e.
Nakatanggao naman ako ng mahinang siko ni Paul sabay bulong sakin, “hindi mo ba alam na kapatid ni ms. Nini si professor Archer?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
So ibig sabihin pagmamayari niya rin yung university? Okay that’s unexpected.
Bigla naman kaming napatigil dahil narinig namin ang mga bulong sa paligid kaya napatingin kami sa gate at ang nagcacause pala ng mga bulungan nila ay ang dalawang professor.
None other that professor Chris and Archer, they are together again.
“Ms. Nini hindi naman po sa nangengealam kami pero curious lang kung bakit palagi silang mag kasama, may.. something po ba sa kanila?” tanong ni Paul sa tabi ko, sa tingin ko siya na ang nagsalita para sakin.
“Ohh yeah, you guys don’t know” nakangiting sabi niya na kinataka namin, bigla naman akong kinabahan sa susunod niyang sasabihin.
“Christof is Archer’s fiancé” usal niya na halos kinagulat naming lahat.
(ʘᗩʘ’)
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR
RomansaRagen is a college student who happens to have a one night stand with his professor due to an unexpected event, on the other hand, professor Archer seems to have no idea who he is until something unexpected happens that will lead them both into a bi...