Raegan Schmidt’s POV
“Bakit tulala ka na naman?” nabalik ako sa ulirat nang sikuhin ako ni Paul kaya napakamot ako sa ulo.
“Wala..” pagsisinungaling ko na alam kong hindi niya paniniwalaan, hindi ako nakakaligtas sa lalaking ‘to.
“Masama mag sinungaling, maliban nalang kung kinakailangan” makahulugang sabi niya na kinabaling ko ng tingin sa kaniya.
Pakiramdam ko talaga ay naiintindihan ako ng lalaking ‘to.
“Anyways, you don’t have to tell me kung ayaw mo dahil ayaw naman kitang pilitin kung alam kong hindi ka komportableng sagutin” sabi niya na kinatahimik ko.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba o hindi, pero since nasabi ko naman na sa kaniya ang unang nangyare samin ni professor siguro komportable naman ako sabihin sa kaniya yung nangyare samin kahapon.
Nung nakatulog kasi siya ay nilinis ko muna siya bago ako umalis, ayoko kasi na magpakita sa kaniya sa ngayon dahil baka mabigla ko siya.
“Paul.. alam mo ba kung ano yun Oral Contraceptive Pill? At kung para saan yun, gusto ko lang malaman” tanong ko na kinaisip niya.
“Mm.. i think narinig ko na siyang pinaguusapan nila mommy, pero hindi ko alam meaning e siguro itatanong ko nalang” sabi niya na kinatango ko, akala ko maiiba ko na ang usapan pero humirit pa nga siya.
“So balik tayo sa topic huwag mong ibahin, sinabi ko na ayaw kitang pilitin pero curious talaga ako” sabi niya na kinangiwi ko ng bahagya.
“Ano kasi..” nagdedebate pa rin ang utak ko kung sasabihin ko ba o hindi pero nang makitang nakikinig siya at huminga ako ng malalim bago umayos ng upo dito sa bench. Nasa isang parke kasi kami at bago pumasok ay nakasanayan na naming tumambay rito.
Lumunok ako bago huminganng malalim, “naalala mo nung nagpaalam ako sayo na kukuha ng pagkain kagabi sa party?” tumaas ang kilay niya at tumango.
“Nakasalubong ko si professor Archer, lasing siya nun at sinamantala ko ang pagkakataon” tila nalulumbay na sabi ko at napahawak pa sa ulo.
“Anong oo ibig mong sabihin? Straight to the point nga” napabuntong hininga ako at napapikit ng madiin, humanda para sa magiging reaction niya.
“May nangyare ulit samin” sabi ko at tulad nga ng inaasahan ay magiging kakaiba ang reaction niya.
“ANO?!?!?!” napahatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng sigaw niya na halos umecho sa buong park.
“Ano ba, kailangan bang sa tenga sumigaw?!” inis na reklamo ko habang siya ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin.
“Okay okay, nung nangyare ba yun ay kilala ka niya?” tanong niya.
“Oo, kilala niya ako bilang ka one night stand niya pero hindi niya alam na studyante niya ako, ni hindi nga niya binabanggit ang pangalan ko at kahit tanungin ay wala” sagot ko.
“Raegan, are you planning to be a mistress? Alam mo naman na fiancé siya ng isang professor pa, kapag nalaman pa yan ng iba mayayari talaga si professor Archer” sabi niya na kinasakit ng ulo ko.
Pinagsisisihan ko nang nagpadala ako sa tukso kagabi.
“Tara na pumasok na tayo, sana lang ay hindi ka talaga makilala ni professor Archer” seryosong sabi niya, tumayo ako at sumunod sa kaniya. Nilakad lang namin hanggang sa makarating kami sa school.
Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa classroom at binati kaagad nila kami pero karamihan ay ako ang binabati.
“Nagaalala ako sayo” biglang sabi ni Paul kaya napatahimik ako, “hindi ko naman siya mabubuntis kaya huwag kang magaalala, malabo yun” sabi ko na kinalukot ng mukha niya.
“Hindi yan ang inaano ko Raegan, ewan ko ba minsan ang tigas ng ulo mo” napanguso ako dahil sa panenermon niya.
Lahat naman kami ay napatingin sa pinto nang bumukas iyon at iniluwal si Ms. Nini na may kasamang isang teacher pero nasaan si professor Archer?
“Settle down student, i just have an announcement regarding to you professor Archer, unfortunately he has to stop being your professor for a while because there is a big problem that needs to be solved so ma’am Jenifer is here now to be your temporary teacher. Hindi namin alam kung kailan makakabalik si prof Archer pero magpapatuloy parin ang inyong mga aralin, yun lang maraming salamat” seryosong sabi niya na kinagulat ko.
Nagsimula nang kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa kaba at pagaalala na baka kung ano na ang nangyare sa kaniya.
Mukhang hindi biro ang mga sinasabi ni ma’am dahil batay sa way ng pagkakasabi niya ay mukhang seryoso ngang problema ay meron si professor Archer.
“His absence will not harm your grades, he will still be your teacher until the problem is resolved” huling sabi niya bago deretsyong lumabas habang nananatili ang seryosong expression.
Nang makalabas siya ay nagsimula na ang bulungan sa paligid na kesyo isang araw pa lang siya nagtuturo ay nawala kaagad siya, at mukhang lahat sila ay nagaalala at mukhang nagsu-suspetsya sila na baka may nangyare sa party.
Pinatahimik sila ng bago naming guro at pinakilala ang sarili niya pero ang utak ko ay tila lumilipad at iniisip kung ako ba ang may kasalanan.
“Raegan, anong ginawa mo?” mahinang tanong sakin ni Paul na kinalumo ko, tila binagsakan ako ng langit at lupa sa tanong niya.
Isipin ko pa lang na ako ang may kasalanan kahit hindi ko pa alam ang tunay na rason ay para na akong maiiyak.
Sana nasa maayos lang siyang kalagayan.
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR
RomanceRagen is a college student who happens to have a one night stand with his professor due to an unexpected event, on the other hand, professor Archer seems to have no idea who he is until something unexpected happens that will lead them both into a bi...