CHAPTER 3 | Good friend

315 12 0
                                    

Paul’s POV

“Raegan, uuwi ka na?” tanong ko kay Raegan na kinatango niya, uwian na at mukhang inaantok sya sa hindi malamang dahilan.

“Oo kailangan ko pang tulungan si nanay, alam mo naman na matanda na yun baka nagbubuhat pa ng mabigat” sagot niya at kumamot sa batok, tinignan ko siya ng nakakaawang tingin kaya nawala ang ngiti niya sa labi.

Ayaw niya kasi na tinitignan siya ng ganun ng kahit sino, pero hindi ko mapigilang hindi maawa sa kaniya dahil sa kalagayan nila mag pamilya.

“Sabi ko naman sayo na ayoko ng ganiyang tingin” sabi niya at naglakad, sumabay naman ako sa gilid niya at napa buntong hininga ako.

“Bakit kasi.. hindi mo nalang tanggapin yung trabaho na inaalok ko sayo? Alam ko na ayaw mo sa salitang ‘naaawa’ pero kasi.. yun yung nararamdaman ko sa sitwasyon mo” seryosong sabi ko na kinatahimik niya.

May kaya kami samantalang si Raegan.. hmm paano ko ba sasabihin? Nakatira siya sa isang maduming lugar na maraming sira o puro maliliit na bahay, yung kanila naman ay maayos pa dahil nagbibigay naman ng pera ang ate niyang nasa abroad.

In fact, ang ate niya ang nagpapaaral sa kaniya gamit ang allowance na binibigay sa kaniyang hindi niya naman matipid dahil merong gastusin sa school at pati narin sa bahay nila, hindi na kasi kaya magtrabaho ng nanay at tatay ni Raegan.

Gustuhin man ng tatay ni Raegan ay hindi naman siya pumapayag dahil baka raw lalong manghina ang katawan, sino ba namang hindi maaawa sa sitwasyon niya.

Minsan nga napapaisip na lamang ako kung yung kasiyahan niya ba sa school ay maskra lamang, hindi ko maintindihan ang emosyon nitong kaibigan ko pero kahit ganun ay ayokong bitawan si Raegan.

Ako nalang ang meron siya, bukod sa pamilya niya.

“Paul.. pwede bang..” napabuntong hininga ako at dumukot ng pera sa bulsa ko bago iabot sa kaniya, 1k na alam kong ipambibili niya ng gamot at pagkain sa nanay at tatay niya.

“S-salamat” nakangiting sabi niya, isang tunay na ngiti kaya nasiko ko siya at sabay kaming tumawa.

“Tara na bumili na tayo, may alam akong restaurant na paniguradong masarap ang luto, halika na libre ko. Huwag mo na gastusin yang pera, ibili mo nalang yan ng gamot nila” sabi ko na kinatitig niya sakin kaya tinadjakan ko siya.

“Aray ko naman, para ka talagang babae kung manakit” reklamo niya habang nakasimangot kaya napatawa ako, “huwag mo kasi ako titigan ng ganiyan, umayos ka Raegan ha purkit may naka one night kang lalaki e papatol ako sayo, tárantado straight ako” pabiro kong saad.

“Ano bang sinasabi mo— oo nga pala Paul” napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, nakarating kami sa restaurant at ako na ang bumili.

“Tungkol sa trabaho ba inaalok mo, magkano ba.. ang sahod?” tanong niya, mukhang interesado na siya ah. Nang maibigay na ang order namin ay umalis na rin kaagad kami.

“5k weekly” sagot ko habang naglalakad kami, hindi niya yata namalayan na parating na kami sa bahay nila, ayaw niya talaga akong papuntahin dito. Nahihiya siguro.

Pero ako hindi naman ako nahihiya sa ganitong lugar, ganito ring lugar ang kinalakihan ko noong nasa lolo’t lola ko pa ako, pero noong kinuha na ako nila mama ay guminhawa ang buhay haha.

“Ganun ba, malayo ba yan? Ayoko kasing iwan dito ang nanay at tatay, baka hindi nila kayang asikasuhin ang sarili nila” wika niya kaya napaisip din ako, actually hindi naman talaga sobrang layo nun pero tama nga naman siya.

“Sorry, hindi ko naisip yun, hayaan mo hahanap ako ng pwede mong mapasukan na malapit lang” sagot ko hanggang sa nakarating na kami sa lugar nila.

Magulo at amoy masangsang, may mg bata sa paligid na naglalaro at yung iba ang madusing, yung iba kakagaling lang yata sa kalakal dahil may bahid pa sila ng kalawang sa mga kamay.

“Kuya Raegan!!!” napaatras ako konti nang may apat na bata ang lumapit sa kaniya at niyakap siya, ang dudungis nila at amoy araw at basura pero tila walang pakealam si Raegan, nakangiti pa nga siyang binati sila pabalik.

“Kuya para kila lola yan?” tanong nung isang bata na kinatango ni Raegan, hindi na nakapagtataka kung bakit malapit siya sa mga bata.

“Kuya! Si lola ang kulit, sinabihan na namin siyang huwag magiigib pero ayun nagbubuhat na naman ng timba” nagulat ako dahil biglang kumaripas ng takbo si Raegan kaya sumunod na lamang ako, at nang makarating ako ay kita kong siya na ang bumubuhat sa galon habang sinisermonan niya ang nanay niya.

“Nako ijo, ikaw ba si Paul? Naikekwento ka sakin ni Rey napakabuti mong bata” ngumiti ako nang lumapit sakin si lola, pero napansin niya yata na madumi ang kamay niya kaya inilagay niya sa likod.

“Mano po lola” asik ko kaya wala siyang nagawa kundi ibigay ang kamay niya at walang pagaatubili ko itong hinawakan at nag mano sa kaniya.

“Natutuwa po akong makita kayo, ayaw ho kasi akong papuntahin dito ni Raegan” sagot ko at kinurot niya bigla si Raegan na kinadaing niya kaya natawa ako.

“Huwag mo pagdamutan ang kaibigan mo” panenermon ni lola kaya natawa ako pati yung mga bata dahil nakanguso si Raegan, para talaga siyang tuta na kung may buntot lang siya ay malamang gumagawayway na.

“Hindi naman sa ganun lola, nakakahiya kasi yung lugar ang dumi oh” napabuntong hininga ako at siniko siya ng bahagya, “hindi naman ako maarte” sagot ko at huminga ng malalim.

“Mahiyain ka pala kuya Raegan, kagabi nga naglaro tayo ng lupa e” natawa ako sa sinabi ng mga bata at nag tawanan yung iba pati narin si lola.

“Lola oh, inaaway na naman ako” parang batang sumbong ni Raegan na lalo kong kinatawa.

Ang saya pala sa lugar na ito, namiss ko yung buhay ko noon.

Ang hirap talaga basahin nitong si Raegan.

ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR Where stories live. Discover now