Reagan Schmidt’s POV
“Morning tol, bakit ganiyan itsura mo?” tanong ni Paul nang makita ako, sinabayan niya ako maglakad subalit masyado akong malumanay.
“Wala naman..” malumanay ring sagot ko na kinataas ng kilay niya, i know he’s not buying it.
“Anong wala? Gago usually sobrang energetic mo tapos ngayon ang tamlay mo, para ka tuloy tuta na iniligaw ng amo niya” napabuntong hininga ako sa sinabi niya, binigyan niya naman ako ng mahinang siko sa tagiliran.
“Sabihin mo na Gray” pangungulit niya, yan talaga ang tawag niya sakin noong highschool pa kami, masyado raw kasing mahaba ang Reagan.
“Mamaya ko na sasabihin, tinatamad pa ako” matamlay na sagot ko, tumawa siya at hindi na ako kinulit pa.
Nang makarating kami sa room ay sabay na kaming pumasok at umupo sa dulo, dito kami palagi nakapwesto dahil ayaw namin matawag if ever na may discussion tapos biglang may surprise recitation.
“Raegan pakopya naman sa assignment, bayaran ko nalang mamaya” ika ni Lyka, “yung sa chemistry” dagdag niya pa.
“Magbabayad daw, wala ka ngang pera pang hulog sa paluwagan niyo nila Janelle” pangaasar ni Paul na kinasama ng tingin ni Lyka, at nagsimula na nga silang nag bangayan. Napailing na lamang ako sa kakulitan nilang dalawa, agad ko ring inabot ang pad ko kay Lyka.
“Bakit ang tahimik mo yata ngayon? Nakakapanibago ka Reagan ha” napasalampak nalang ako sa table ng desk ko at ilang beses bumuntong hininga.
Ano nga bang problema ko?
“Ano ba talagang problema? May bumabagabag ba sayo?” tanong ulit ni Paul, huminga naman ako ng malalim. Hindi talaga ako nakakapag sikreto sa lalaking ito.
“Diba nag bar kami kagabi?” sabi ko na kinatango niya.
“Oh may nangyare bang hindi maganda?” tanong niya na kinatango ko ng dahan-dahan.
Tumaas ang kilay niya at binigyan ako ng isang nagdududang tingin, “ano naman iyon?” tanong niya at nangalumbaba.
“May.. ano kasi e—.. uhmm” tila tumiklop ang dila ko dahil hindi ko mabanggit ng maayos yung sasabihin ko.
“Ano nga Reagan? Ang hina mo naman, sasabihin mo lang hindi mo pa mabulalas” panunuya niya kaya sinamaa. ko siya ng tingin bago bumuntong hininga at nanahimik ng ilang segundo.
Mukhang hinintay niya naman kaya naghanda ako, huminga ako ng malalim bago nag salita, “may naka one night kasi ako kagabi— ayan nasabi ko na, ang kulit mo ka—”
“ANO—”
“Huy ano ba! Siraulo ka, huwag kang maingay!” pasigaw ngunit pabulong na sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Namimilog parin ang mga mata niya at tila hindi makapaniwalang nakatingin sakin.
“Paano nangyare— teka, siraulo ka paano kung mabuntis mo yun?! Nagaaral ka pa, kahit sabihin mong college kana hindi mo parin mapagsasabay ang pagaalaga ng bata at pagaa—”
Napatigil siya dahil muli kong sinupalpal ang kamay ko sa bibig niya para manahimik siya, “napaka oa mo naman, hindi siya mabubuntis kaya tumigil ka sa kahibangan mo” ngiwing sabi ko na kinataka niya at kalaunan ay tumaas ang kilay.
”At paano mo nasabi huh?! For sure hindi mo na naalala na gumamiy ka ng cóndom, paano mo nasabing hindi?” taas kilay na tanong niya na kinalunok at tahimik ko.
Paano ko ba sasabihin sa kaniya?
“Tama hindi ko maalala kung gumamit ba kami ng protection pero naaalala ko parin ang mukha niya.. k-kasi Paul ano.. h-hindi siya ba—”
“Good morning class, just a quick announcement you all have a new professor usually nagbibigay lang kami ng bagong guro sa highschool but since highest rank naman kayo napag kasunduan ng mga head administration na magbigay ng guro galing sa isang sikat na unibersidad” naputol ang sasabihin ko at pareho kaming napaayos ng upo ni Paul dahil may biglang dumating.
“Hahayaan ko nang siya ang magpakilala sa sarili niya” ika nito at maya-maya lang ay may pumasok na binata na kinanganga ko.
It’s him.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at lahat ng nangyare sa bar ay biglang bumalik sa ala-ala ko, i swallowed hard cause i suddenly feel the heat when i remember everything. Now that i saw him again, i suddenly felt his touch which seems to be lingering all over my body.
“I-it’s him..” sobrang hinang sabi ko na kinabaling sakin ni Paul, “may sinasabi ka?” tanong niya, napalingon ako sa kaniya at lumunok.
“S-siya yun.. siya yung sinasabi kong naka one night stand ko” mahina pero sapat na para marinig niya, muli na namang namilog ang mga mata niya.
“L-lalaki naka one night stand mo? S-seryoso ka ba sa sinasabi mo, baka nagbibiro ka lang?” hindi makapaniwalang tanong niya na kinalunok ko at dahan-dahang tumango.
“Tanga tandang tanda ko na yung mukha niya, siya nga yun. Sinabi niya pa nga pangalan niya nun sakin” protesta ko.
“If i’m not mistaken i think ang sabi niya ay rice.. uhm.. Ritchie?” hindi siguradong sabi ko na kinalukot ng mukha niya at mukhang hindi naniniwala kaya inisip ko ng maigi hanggang sa maalala ko na.
“Tama, Archer!”
“Good morning everyone, from now on i will be your professor and I expect respect from you guys at ayoko rin na may nahuhuli sa klase ko, hangga’t maaari ay iwasan ang pagliban sa klase upang maiwasan ang mahuli sa mga aralin dahil hindi ako umuulit ng mga talakayan” seryosong sabi niya habang naglilibot ng tingin, nagtama ang tingin namin ngunit parang hindi niya ako kilala dahil hindi nanatili ang mga mata niya sakin.
Hindi niya ba ako maalala? Aww..
“Allow me to introduce myself, I am your professor in History. Bachelor of arts in History, my name is Archer Baneau and I am 23 years old. I expect your cooperation and i hope you will respect me and treat me as a professor even though we’re almost the same age” lahat kami nagulat sa edad niya, mukha nga siyang 25 na dahil sa medyo maskuladong katawan niya pero mas lamang ako ng sobra.
“Ang bata niya pa nga talaga, 21 ka na diba? Hindi nalalayo edad niyo sa isa’t isa” bulong ni Paul na kinatango ko.
“Teka nga.. huwag mo sabihing binottom ka niyan?!” mahina pero pasigaw na tanong niya kaya hindi ako nakasagot.
“W-well no.. i’m at the bottom, but he’s the one who’s moving back and forth”
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR
Roman d'amourRagen is a college student who happens to have a one night stand with his professor due to an unexpected event, on the other hand, professor Archer seems to have no idea who he is until something unexpected happens that will lead them both into a bi...