iii. they saw each other again.
"Uno!" I shouted when Uno, my son ran away from me. Hinabol ko agad sya at nang mahabol agad ko syang kiniliti.
"Mommy!" He screamed while laughing trying to get out of my hold.
"Don't go too far, baby.." I said when I let go of him.
"Oki Mommy! Sowwy!" He pouted and kissed me. He really knows how to get me.
I decided to have an IUI the moment I got back here sa America noong concert ko sa pilipinas 3 years ago.
I want to have my own child. This is the only dream na hindi ko pa natutupad.
Some may say na bakit hindi na lang ako nag boyfriend para may tatay ang anak ko. Well, they will never understand me. At wala naman na dapat akong iexplain pa. Masaya ako sa decision ko.
Siguro darating nga ang panahon na magtatanong si Uno tungkol sa Daddy nya. Naisip ko na din yan dati. Pero sisikapin kong ipaintindi sakanya ang sitwasyon habang lumalaki sya.. And besides si Kuya ang tumatayong Daddy nya dahil lagi syang binibisita nito. Wala pa rin kasing baby si kuya kaya lagi syang nakatambay samin para kay Uno.
"Daddy Den!!" Napatingin ako sa sigaw ng Anak ko. Nandito na pala si Kuya. Lumapit agad ako sakanila para batiin si Kuya.
"Nandito ka na naman? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" I said jokingly kay kuya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Kayo lang naman pinagkakaabalahan ko besides work. Saka baka mamiss ako ni Uno." Natawa ako sa sinabi ni Kuya.
"Bakit hindi ka maghanap ng girlfriend? Puro mukha ni Uno ang laman ng social media mo. Baka akala nila may anak kana. Kamukha mo pa naman nyan" I said while cooking our dinner.
"Okay lang, 'di naman ako naghahanap ng girlfriend.." Sabi nya
"At bakit? Dahil 'di ka pa nakakamove on?" Pinamewangan ko sya. Umiwas sua ng tingin sakin at pinagpatuloy ang pakikipag laro kay Uno.
"Kuya tumigil ka na nga sa kahibangan mo. May asawa't anak na yung tao. Move on move on din.." Pang aasar ko. Lagi ko syang inaasar dahil mahal nya pa rin ang ex nya na mukhang may asawa't anak nya. Ang bagal nya kasi yan tuloy iniwan na sya.
"Wow! Nagsalita ang nakamove on na." Pang aasar nya rin.
"Oh bakit? Nakamove on naman na ako ah!" Sabi ko pa.
"Ah baka gusto mong ipaalala ko sayo ang nasa search history mo sa facebook at instagram? Ano yun natalie guerrero, nicholas guerrero, astrid guerrero, astrei guerrero??" Pag lakad nya pa sa huling pangalang binanggit nya. Nag init ang pisngit ko at tinalikuran sya. Pano nya ba yan nakita?! Siguro nang hiniram ni Uno and phone ko. Kainis! 'Di na ako makaganti.
Kuya spent the night with us. Halos dito na nga sya tumira dahil ayaw nya kami iwan. Wala daw kasi kaming kasamang lalaki sa bahay lalo na at delikado daw ang panahon ngayon. I'm thankful for that.
Kinabukasasan binihisan ko si Uno dahil ininvite ako ni Mama Pau sa kasal daw ng anak nya. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na ako. Matagal na rin kaming hindi nagkikita at hindi nya na rin nakikita si Uno. For sure miss na rin sya ni Uno.
Habang nag d-drive papuntang simbahan pasulyap sulyap ako kay Uno sa likod na tahimik na nakatingin sa bintana. Malamang gutom na yan.
"Uno, baby. Are you okay?" I asked dahil tahimik talaga sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/285541903-288-k993368.jpg)