i. astrei nathaniel

129 0 0
                                    

i. his life after they parted ways.

"How are you?" Ate Nat said in the videocall. Halatang bagong gising lang siya habang nasa tabi niya si Ron at si Kuya Gray.

"I'm fine, Ate."

"How about Hannah and Venice? Where are they?"

"Hannah's still sleeping in her bedroom. And Venice is here wide awake." I showed her Venice na nakangiti nang itutok ko sakaniya si Ate Nat.

"How are you my baby?" Pang baby talk ni Ate kay Venice na tinawanan lang siya. At nagpatuloy sa paggawa ng doll house nya. "Cute talaga." Ate Nat smiled that made me smile too. "Kailan pala kayo pupunta dito? Miss ko na mga baby ko." Sabi ni Ate Nat.

"Maybe later? Dinner?" I said.

"Okay! I'll prepare for dinner. See you later bunsoy and My babies!" Ate Nat said before dropping the call.

Agad kong pinatulog si Venice after siya paliguan para makakilos na rin ako sa Condo. Kaming tatlo lang ang magkakasama. I'm thinking I should get a Nanny for them para naman may katulong ako pero siguro sa susunod na lang. I enjoy taking care of them anyway.


"Kamusta ang mga bata?" Mom asked habang nag
k-kwentuhan kami matapos patulugin ang mga bata. Pumunta rin sila Mom and Dad sa bahay ni ate nang malaman na dito din kami mag didinner. Miss na daw nila ang mga apo nila. Sila Kuya lang ang wala dahil nasa Spain sila ngayon. That family really likes traveling.

"They're very well, Mom." Sagot ko while smiling, assuring her.

"Hindi naman naghahanap ng Mommy?" I stopped eating when she asked that.

Stella left us months before Venice's second birthday. She had a cardiac arrest and we found out na mayroon pala syang Arrhythmia. The reason why she died. Hannah was only 8 at that time. So she had a hard time going through it. But I made sure I was always there for her.

Hannah asked for her Mom. Of course it was hard for her na wala sa tabi nya ang Mommy nya. I feel like she developed some trauma from it because she witnessed it first hand. Halos dalawang buwan akong hindi nakapasok sa trabaho dahil lagi syang umiiyak at sinasabing 'wag ko syang iwan. That's why we sought for proffesional help and up until now nag t-therapy pa rin sya at I'm happy na unti unti na syang nagiging okay.

"Umaayos na naman po si Hannah at nag t-therapy pa rin. I hope tuloy tuloy na yung pag galing nya. Si Venice po hindi naman na hinahanap ang Mommy nya at hindi mahirap pakainin dahil tinutulungan naman po ako ni Ate." Sagot ko.

"That's good! I just can't help but to feel sad para sa mga apo ko." Napatungo ako sa sinabi ni Mom.

I also feel sad for my children na maagang nawala ang Mommy nila. Masakit din para sakin dahil minahal ko rin si Stella. We we're building our family despite all of the circumstances we had. Dapat nga ikakasal na kami pero nawala sya agad. Kinuha agad sya samin.

Mahirap pagkatiwalaan ulit si Stella matapos lahat ng nangyari pero naipakita nya sakin kung gaano nya pinagsisihan lahat nang 'yon. Walang araw na hindi ko sya nakitang sinubukang bumawi sakin. She cared for me, she loved me. Lahat tinanggap nya saakin. Kahit pa masakit para sakanya, tinanggap nya pa rin.

I remember what she said to me once.

"Kahit sinasabi mong mahal mo ako, alam kong iba pa rin ang nasa puso mo. Trei, alam kong mahal mo pa sya. Alam kong hindi ko mahihigitan ang pagmamahal mo sakanya. Masakit pero ano nga ba magagawa ko? Sapat na sakin na sinusubukan mo 'kong mahalin at ang pagmamahal na binibigay mo sa mga anak natin. Sobra sobra na 'yon."

It's You, August (Lifeline Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon