CHAPTER 9

14 2 0
                                    

               

               *Ang Pag Amin*







Mica Pov:

Simula ng malaman ko na may matagal nang ka relasyon si gerry
Hindi na muli pang nag pa ramdam
Si gerry sa akin.

Hindi na siya nag tetext ng Mga sweet sa akin kapag morning, hindi na rin
Siya tumatawag lalong Lalo na hindi na niya ako sinusundo sa trabaho.

"anong nangyari sa atin gerry bakit hindi ka na nag tetext at tumatawag
Sa akin tapos palagi naman ako pumapasyal sa tambayan natin pero hindi naman kita nakikita sa isip isip ko.

Habang nag lalakad ako sa garden ng tinatambayan namin malungkot pa rin ako na nag lalakad at inaalala ang mga masasaya na kasama si gerry.

Hindi pa naman ako nagagalit sa kanya dahil Baka nag si sinungaling
Lang ang babae pero sa ginagawa niya  parang pinapatunayan niya na Tama ang sinasabi ng babae.

Ang hirap mang hula, ang hirap mag isip Kaya ang ginawa ko Inayos ko na ang gamit ko at nag desisyon akong umuwi na dahil mag gagabi na.

aalis na Sana ako sa inuupuan ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko
Agad akong lumingon.


"gerry" nasabi ko na Lang nang lumapit siya sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos napansin ko na umiiyak
Siya bigla naman akong nagtaka kaya
Agad akong bumitaw sa pag ka kayakap niya.



"bakit ka umiiyak? Isa pa bakit ngayon ka lang nag pa kita sa akin?? Ano ba talaga ang dahilan naguguluhan kasi ako tanong ko Kay gerry.




"ano kasi hmmm!!!! May aaminin kasi ako Sabi ni gerry sa akin.



"na may ka leave in kana??
Tanong ko ulit Kay gerry.




"ang totoo hmm!! Meron na hiyang Sabi ni gerry.

Nagulat ako ng aminin ni gerry ang totoo hindi ko Alam kung ano mara ramdaman ko sa Mga nalaman ko
Pero Isa Lang ang gusto ko mangyari bibitawan ko na si gerry kahit masakit
Na iwanan ko ang taong minamahal ko.

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni gerry dahil Lalo Lang ako masasaktan agad akong umalis sa harapan niya
At sumakay na ng jeep.

Durog na durog ang puso ng umuwi ng bahay nag kulong na naman ako sa Kwarto at iyak ng iyak sa galit.


Hindi na naman ako maka focus sa trabaho Pati sa pag kain  wala na akong Gana sobrang lungkot ko
Kapag naalala ang mga nangyari.

Madalas pa rin tumawag si gerry pero pinapatayan ng tawag hanggang sa nag pasya na akong I block siya para hindi na siya mangulit.


Hindi muna nag paramdam sa Mga Kaibigan ko, nag focus na lang ako sa Trabaho at bahay para makapag isip isip,Ginusto  ko muna mapag Isa.


Habang nilibang ko muna ang sarili ko nag pasya akong mag OT sa trabaho.

Sa bahay naman kapag Day off ko nag kukulong Lang ako sa Kwarto nag iisip nakikinig nang Mga music tapos pipilitin matulog pero dumadating pa rin sa point na sumasagi pa rin sa isip ko si gerry tapos iiyak na naman ako.

Sobrang hirap nang sitwasyon ko dahil durog na durog pa rin ang puso ko, madalas Inaaway ako ng magulang ko dahil pinapa bayaan ko ulit ang sarili ko.

Hanggang sa bumalot na sa galit ang puso ko sa Mga lalaki at ang tingin ko lahat sa kanila man loloko.

May mga kasama ako sa trabaho Na gustong gusto ako pero hindi ko sila pinapansin dahil tingin ko na sa Mga lalaki ay man loloko in short bitter na talaga ako.


Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako makikipag usap sa Mga lalaki
Lalo na hindi na ko mag papa bola sa kanila.

Galit na Lang talaga ang nanalaytay sa puso ko at isip kahit gwapong lalaki hindi ko pinapansin.

"anak samahan mo ako mamalengke tutal naman bukas pa ang trabaho mo
Sabi sa akin ni mama.



"ayoko Lumabas ma!! Dito na Lang ako sa loob ng bahay Sagot ko sa kanya.




" pinapa bayaan mo na naman ang sarili mo ano broken ka naman tanong ni mama sa akin.



"oo ma broken na naman sa lalaki Yan pang aasar ni ate.



"Naku!! Pag ganyan ganyan ka habang buhay ka na Lang lolokohin hindi ka man Lang marunong lumaban,Sabi ni mama sabay alis sa harapan ko.


"duwag kasi si Micah Kaya hindi marunong lumaban tumatawang
Sabi ni ate.



"atlis hindi ako nan loloko ng lalaki
Sagot ko Kay ate sabay sara ng pinto
Ng Kwarto.



"Tama nga sila duwag ako, mahina ako umiiyak kong Sabi  sarili.


tinitignan ko ang itsura ko sa salamin pumapangit na nga ako dahil palagi na Lang ako Naka focus sa sakit na nararamdaman ko.


Sumagi na naman sa isip ko ang mga lalaking minahal ko, mga lalaking sinungaling at manloloko,mga mang gagamit.

Buong mag damag na Naman akong umiyak at hindi kumakain dahil sa
Pagiging broken ko, gusto ko na Lang mag Palamon sa lupa para matapos na
Gusto ko nang makalimutan ang sakit pero paano.

nakakapagod na rin mag kulong sa Kwarto at umiiyak mag Isa tapos
Aasarin kapa ng pamilya mo dahil
Duwag ka  at mahina.




Nahihiya naman ako sa Mga Kaibigan ko na humingi ng tulong dahil Ilan beses na akong niloko at  sinaktan
Ng Mga minahal Ko.



Habang tumatagal pa hirap ng pa hirap ang nang yayari para akong
Masisiraan ng ulo, minsan kapag
Nag lalakad ako mag Isa parang
Gusto ko nang mag pa sagasa.



Hindi ko na mamalayan Isang taon na Pala akong ganto, broken bitter Kaya nag pasya akong baguhin ang sarili ko
Dahil rin sa isang taon na pag papayo ng mama ko binago ko na ang sarili ko
Hindi na ako papayag na lokohin ulit ako.



Lahat ng Ipon ko binili ko ng gamit sa pag papa ganda Inayos ko na rin ang Kwarto ko dahil sobrang dumi na
Gusto ko nang tanggalin sa sarili ko
Ang pagiging burara sa gamit.




Simula ngayon magiging mautak na ako magiging man hater na rin ako
Mag papa kita na ulit ako sa kaibigan
Ko dahil miss na miss ko na sila.



Nag pa gupit muna ako ng bagong buhok para kapag nakita nila ako
Maganda na ako sa paningin nila.

I Never Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon