Chapter 3

16 0 0
                                    

Tahimik akong nagbabasa rito sa gilid habang ang mga kaklase ko ay may kaniya-kaniya ring mundo. May ibang nasa labas at nagpapahangin dahil sobrang init dito sa loob, merong mga kumakain pa lang ng lunch at meron namang nagdadaldalan na umaabot sa upuan ko ang pinag-uusapan nila sa lakas.

Niña is not yet here dahil na-late raw siya ng gising at nag-aasikaso pa lang. Buti na lang talaga at malapit lang ang dorm niya rito.

"Hi,"

Nag-angat ako ng tingin at saktong nakita kong nakatayo sa may harap ko si Sam, may hawak na matcha drink.

"Hello..." bati ko rin, ngumiti siya saka umupo sa available na upuan.

"Here, oh. Sinabay na kita." sambit niya saka inabot sa akin ang drink kaya naman taka ko siyang tiningnan.

"Nagpabili ba ako?" nalilitong tanong ko dahil as far as I know, hindi naman.

"Ay, hindi naman pero binilhan kita." nakangiti niyang sagot kaya naman hilaw akong napangiti at kinuha sa kaniya iyon. I reached for my wallet pero agad niya naman iyong pinigilan.

Nalipat ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak ngayon sa kamay ko. Okay...?

"Why?"

"Hindi ako nagpapabayad," agad na sabi niya kaya lalong nadagdagan ang pagkakakunot ng noo ko.

"Then why the hell did you buy me this?" sabi ko sabay angat ng drink. I saw her purse her lips before shrugging her shoulders.

"Wala lang, libre ko." nakangiti at tila proud na proud niyang sabi.

Iba trip nito, ah? Hindi pa naman kami ganon ka-close pero nilibre ako? Sana binigyan na lang ako ng pera.

"Thanks?" alanganing sagot ko pero tila wala lang 'yon sa kaniya at mas lalong ngumiti.

Iba nga ang trip ni ate.

Naiiling akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng Watership Down.

"Saan pala friend mo?"

Muling kumunot ang noo ko pero hindi ko na muna siya pinansin dahil nakafocus ako sa binabasa ko. Hindi ko naman na siya narinig pa ulit kaya nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

"Zara..."

Inis akong huminto at nag-angat ng tingin.

"What?" pigil na singhal na tanong ko. Kita ko ang pagkurba ng labi niya na maya-maya'y nakanguso na.

"Wala lang,"

"Nang-aasar ka ba?"

"No...pero hindi mo pa iniinom ang binili ko." mahina niyang sambit kaya naman napatingin ako sa matcha na hindi ko pa nga nababawasan. Huminga ako nang malalim saka uminom doon. Matapos ay ibinalik ko ang tingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na.

"Happy?" tanong ko, tumango naman siya saka nag thumbs up. "Go away na, salamat here," pagtataboy ko. Tumawa lang siya saka tumayo na rin at bumalik sa upuan niya. Sinundan ko siya ng tingin at kita kong nakipagkulitan din siya agad kay Claire. I watched them laugh together, kahit ng lumingon sa akin si Sam at mukhang nagulat dahil nakatingin ako ay tinaasan ko lang ng kilay. Naiiling na ibinalik ko ang atensyon sa binabasa.

Weird.

Three weeks have passed, and we have become so busy, binawian kami bigla ng mga prof kaya biglang hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin kong gawin sa kanila, fortunately, kasama ko si Niña at Sam sa stress. Sam has been helping me a lot too, kung wala siya hindi ko na talaga alam. I don't know kailan kami naging close, I just woke up and tadaaaa, we're like best of friends na. Paano ba maging hindi e sa araw-araw na ginawa ng Diyos hindi na niya ako tinantanan, kahit wala kaming onsite meetings ay panay naman ang pag-spam niya sa messenger at tiktok ko.

The Love We Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon