Chapter 4

14 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa PUP kahit na wala naman kaming schedule dahil gusto raw tumambay ni Sam, inaya ko si Niña pero tumanggi siya dahil may lakad daw siya ngayon kaya naman kaming dalawa lang ni Sam ang magkasama.

"What do you want?"

Bahagya akong ngumuso at pinagpilian kung matcha ba, mango graham, o milo cream-o ang bibilhin ko.

"Lemon na lang, ang hirap mamili sa kanila." sabi ko na siyang ikinatawa niya nang mahina.

"Tara," inakay ako nito papunta sa stall ng nagbebenta ng lemon juice.

As we waited for our drinks dahil masyadong maraming estudyante ang bumibili ngayon I couldn't help but steal glances at Sam. Her hair, slightly tousled from the wind, framed her face in a way that made my heart flutter. And again, I admired the way she carried herself with such confidence and grace, even in the simplest of moments like this.

"Here you go," Sam said, handing me a cup of lemon juice with a smile.

"Thankie, Sam,"I replied, taking the cup gratefully.

At dahil masyadong maraming tao ngayon sa lagoon ay napagdesisyunan na lang namin na sa oval na lang, pero dahil masyado ring mainit ay lumiko na lang kami sa may chapel. We found a quiet infront of the chapel and sat down, enjoying the cool shade and the refreshing taste of our drinks. The campus buzzed with activity around us, but in that moment, it felt like it was just the two of us, lost in our own little world.

Magkatabi kami ngayon habang pinapanood ang mga estudyante na naglalakad at ang iba ay nasa mga upuan, hindi tulad sa lagoon, mas kaonti ang mga estudyante na nandito. Nilingon ko si Sam and I saw her took a sip of her drink and suddenly turned to me. Halos mahugot ko ang hininga ko dahil sa biglaan niyang paglingon. Hindi ko tuloy alam kung magbabawi ako ng tingin o makikipagtitigan na lang sa kaniya but then, she smiled at me. Her eyes filled with curiosity.

"Alam mo ba..." sabi niya kaya naman hinintay ko ang kasunod non pero nakatitig lang siya kaya mahina ko siyang siniko.

"Alam ko ang alin?" medyo naiiritang tanong pero tinawanan niya lang ako saka inilingan. And again, stared at me for a minute.

"Na kapag nagsasalita ka galing na galing ako sayo? The way na sabihin mo kasi kada words may something and I can't figure that out and because of that, I always wonder what kind of future do you see for yourself?"

I paused for a moment, contemplating her words. Grabe naman ang tanungan, philosophy student na philosophy student ang datingan. Akala ko paglabas ko ng room makakawala na ako sa ganyan, sinundan pa talaga ako.

"Future?" mahina kong tanong na siyang tinanguan naman niya. "Well... all I want is a peaceful life..." I started, "Hindi ko alam bakit din ganiyan, alam mo bang tinatawanan ako dati kapag sinasabi kong pangarap kong magkaroon ng tahimik na buhay?" Tumingin ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti, "Hindi nila alam na kaya ganon ang pangarap ko kasi ayon ang bagay na hindi ko naranasan."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging ingay ng mga ibon at ang mga natatapakang dahon lang ang gumagawa ng ingay. Huminga ako nang malalim at muling nagsalita.

"Life is like a dance floor. Each step we take, each movement we make, is an opportunity to express ourselves and find joy. It's about finding balance, embracing the highs and lows. Pero ngayon hindi ko pa kasi mahanap yung akin, hindi ko pa alam paano sisimulan." nag-iwas ako ng tingin at napili na lang tingnan ang mangilan-ngilang estudyante na napapadaan. "Pero sa tuwing pakiramdam ko nawawala ako, sumasayaw na lang ako kasi pakiramdam ko mas nagkakaroon ako ng koneksyon sa sarili ko. It allows me to let go of any worries or doubts, and simply be in the present moment." and when I looked at her, I saw it... I saw softness in her eyes.

The Love We Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon