Chapter 1

33 3 0
                                    

I am just staring intently at the white board while our professor is writing something I couldn't even understand. I just don't get it; I don't even know why I am taking this philosophy as my major.

Well, nasa choices ko naman ang mag-madre, pwede naman na ako dumiretso sa kumbento after ko matapos 'to, ang mahalaga maging degree holder.

“Do you get it, class?”

Kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon, gets ang ano?

“Wala ka na naman naintindihan,”
Napangiwi ako sa sinabing iyong ng nasa likuran ko. Hindi kami pwedeng magtabi dahil dinadaldal niya ako at kotang-kota na kami kay miss. Baka kapag mapikon siya ay sulatan na lang ng singko ang mga index card namin, that'll be a nightmare.

After niya magdismiss ay tamad kong sinukbit ang bag sa balikat at nauna ng lumabas dahil para akong nasa impyerno sa init sa loob.

“Hoy, Zara! Hintay nga!” I heard Niña shouted. Huminto naman ako at hinintay siyang makalapit, “Linear tayo?”

Nagsimula na kaming maglakad habang panay pa rin siya sa pangungumbinse sa akin na sa linear kami tumambay.

“Teh, ang baho kasi kapag humangin doon.” Angal ko.

“O edi saan tayo? Para machat ko na sila Alex.”

“Sa tapat na lang ng CHK,”

“Init! Hindi nga mabaho, mainit naman!”

“Oo na, sige na, linear na tayo.” Nakabusangot na pagsuko ko, siya naman itong bubulong-bulong na kesyo nanalo na naman siya sa akin.

Nagpasama muna akong bumili ng siomai rice dahil nagugutom na ako, tatlong oras din akong nakinig kahit wala akong naintindihan aba. After kong makabili ay lumakad na ulit kami papunta sa linear habang pinag-uusapan ang discussion kanina.

“Parang tanga naman kasi, hindi nga maintindihan, eh. Ikaw ba may naintindihan sa subject niya?”

“Syempre wala, tagal ko nga—shit!”
Napabuka nang bahagya ang labi habang nakatitig sa pagkain kong nasa lapag na.

“I’m sorry,” rinig kong sambit ng nakabangga sa akin. “Are you okay?”

“Yung siomai rice ko...” uupo na sana ako sa sahig para damputin ang nalaglag kong pagkain ng may pumigil sa braso ko kaya naman napatingin ako roon. Napakurap pa ako matapos siyang matitigan. Her hair that is black as a raven, was cut short in a stylish hush that beautifully framed her face. Her almond-shaped eyes with captivating shade of hazel brown. Her thin lips that looks red right now...mukhang masungit, teka—

Kilala ko 'to, ah?

Pinanliitan ko siya ng mata habang iniisip kung saan ko siya nakikita, tama! Kaklase pala namin.

“Pupulutin mo?” the confusion is visible in her tone.

“No?” patanong na sagot ko, “Lilinisin ko,” kitang-kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya sa sagot ko saka tinapunan ng tingin ang nasa lapag kong pagkain pagkatapos ay bumalik sa akin ang tingin niya pero agad din iyong nawala dahil bumaba ang tingin niya sa dibdib ko...dibdib ko?!

Agad akong napatingin sa may dibdib ko sa pag-aakalang nambabastos ang kaharap but I was horrified when I saw stains on my shirt.

“Hala ka!” rinig kong sambit ni Niña, “Za, wala akong extra.”

“Do you have an extra shirt?” malumanay na tanong nito, I bit my inner cheek saka umiling. “I have one, ipahiram ko na lang sayo pero nasa lagoon kasi yung bag ko, gusto mo sumama para sa may cr na lang din doon ikaw magpalit?”

The Love We Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon