Chapter 7

964 78 5
                                    

River Grey

"Gusto ko na lang maging kabute. Iyong tipong lulubog kapag nandiyan si Ma'am at saka lang lalabas kapag wala na siya." Nanghahapong wika ni Peach matapos ang madugong klase namin kay professor Howard.

"Sana mag-retire na siya." Si Fortney kaya natawa kami rito.

"Ang bata pa ni Ma'am para mag-retire." Saad ko. "Mga sixty dapat ang taon ng guro para makapag-retire diba?"

"Basta, tama si Fortney." Sang-ayon ni Season. "Dapat mag-retire na si Ma'am total naman ay matalino naman siya at kahit papaano. Marami na siyang naturuan."

"Tara na sa trabaho bago pa tayo ma-late."

Ng makasakay kami sa tricycle ay medyo malayo ang binyahe namin makarating lang sa Metiz.

Dumiretso kami sa mga locker namin para magpalit. Ng makapagpalit ay si Fortney at Peach ang pumalit sa dalawang cashier. Bale walo ang cashier dahil lumaki na nga ito kumpara daw noon at ngayon nga ay sobrang daming kumakain.

"Ikaw na ang bahala sa table ko Ilog. Number six, seven, nine, at fifteen." Si Giana dahil ito ang papalitan ko ng shift ngayon. Bale hanggang alas dyes na kaming lahat na natira kung saan ito ang closing time namin.

"Sige, salamat. Ingat ka."

Tinapik lang ako nito sa balikat bago nagmamadaling umalis para makapagpalit at makauwi na.

Ginawa ko ng maayos ang trabaho ko. Medyo pagod na kami ni Season sa paglalakad. Kahit marami kaming mga waitress at waiter ay marami rin kaming lamesang inaasikaso. Paroot parito dahil sa dami ng orders at lilinising lamesa.

"Kung gusto niyo kami na muna ni Peach ang mag-serve. Kayo naman ni Season ang mag-cashier." Si Fortney pero umiling lang ako rito.

"Bukas na lang din kayo mag-serve."

Salitan kasi kami dito. Every other day ay kung hindi pagka-cashier ay pagseserve naman. Tatlong oras pa lang namin dito ngayon at pangalawang araw bilang regular sa trabaho. Ayokong may masabi ang ilan sa mga kasamahan namin. Hindi porket magkakaibigan kami ay pwede na naming gawin ang mga bagay na gusto namin kahit sa trabaho.

Most cases doesn't work that way.

"Montecarlo, additional table number twelve." Si Piper bago inilapag sa harapan ko ang isang tray na may mga lamang pagkain.

Binuhat ko iyon at nagtungo sa table na sinasabi nito. Muntikan ko ng mabitawan ng ilapag ko ang tray dahil nagulat ako ng mag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng isang babae.

"Easy there." Naagaw ang atensyon ko sa dalawa pang babae na kasama nito. Magaganda sila. What's with these past few days at napapadalas yata ang pagsulpot ng mga magaganda sa paningin ko.

"Hello po Ma'am. Pasensya na po kayo. Heto na po ang mga inorder niyo."

Inisa isa kong inilapag ang laman ng tray sa lamesa ng mga ito.

"What's your name?" Tanong sa akin ng isang pinakabata. "I'm Savienne." Inilahad pa nito sa akin ang kamay nito.

"Um, River po-" Kinuha nito ang kamay ko at ito na mismo ang kumamay sa akin. Hindi ko mapigilang pamulhan ng mukha.

"Nice to meet you!" Dagdag pa nito bago nito bitawan ang kamay ko.

"Stop it Sav. You're making her uncomfortable." Wika ng isa pa.

"I just want to know her name. By the way, mga pinsan ko sila, that's Micaelle Thalassophile." Turo nito sa babaeng nasa kanan ko. "And that's Aurora Aluna." Turo naman nito sa babaeng sumalubong kanina sa akin ng ngiti.

"Huwag mong pansinin iyan." Baling sa akin ng nagngangalang Micaelle. "Babaero iyan."

Nagulat ako sa sinabi nito pero hindi ko pinahalata rito. Lahi sila ng magaganda pero mukhang tagilid ang mga bangka.

"Ay hindi ah!" Tutol nito bago ngumuso. Gusto kong matawa rito pero minabuti ko na lang na magpaalam.

"Sige po. Enjoy your food mga ma'am. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa po kayo."

"Salamat." Aurora Aluna beamed. Bakit parang nakita ko na ang ngiting iyon? May hawig kay Ma'am Natalie Luane ng una ko itong makita.

Naipilig ko ang aking ulo at saka nagpatuloy sa pagta-trabaho.

"River, tawag ka ng mga diyosa sa table number twelve. Bill daw." Si Season. Lumipad ang tingin nina Fortney at Peach sa sinasabi nito. Nanghahaba ang mga leeg.

"Guys huwag kayo halata. Nakakahiya." Suway ko bago naglakad papunta sa mga ito dala ang bill ng mga ito.

"Hello again." Savienne beamed. What's with her? Sinuklian ko ito ng tipid na ngiti.

"Ako na ang magbabayad." Si Aurora Aluna at akmang kukunin na nito ang bill ng hablotin ito ni Micaelle sa akin.

"Ako na." Hindi pa nito nabubuksan ng kunin naman ito ni Savienne.

"Ako na kasi." Inilayo pa nito.

Rich kid talaga ang mga ito at pinag-aagawan pa ang pagbabayad.

Hindi ko alam ang bill ng mga ito pero nakita kong naglabas ito ng walong libo.

Hindi naman ganun kalaki ang kinain ng mga ito. Naglabas din ng tigli-limang libo sina Micaelle at Aurora.

"Tip mo." Sabay pang wika ng mga ito.

"Ha?" Maang ko dahil sobrang laki naman yata? Sampong libo na tip?

"Huwag ng magreklamo. Kundi ay makakarating ito sa may-ari." Tumingin ito saglit kay Aurora Aluna. "And trust me, she'll fire you kapag nagsumbong akong uma-attitude kang tumanggap ng tip. She'll believe me kasi close kami non." Dagdag pa ni Savienne ng makita nito ang pagtutol sa mukha ko. "Thank you for serving us today, gorgeous." Kumindat pa ito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko dahilan para matawa ito na parang tuwang tuwa sa reaksyon ko.

Hindi naman siguro ako tatanggalin sa trabaho ni Ma'am Natalie Luane diba? Pero close sila ni Ma'am Savienne at pwede ako nitong ipatanggal.

"W-Wala pong anuman." Sa unang pagkakataon ay parang hindi ako sigurado sa sasabihin ko. "Salamat din po Ma'am."

"Call me Savienne." Wika nito bago sila nagsitayuan.

Ng makaalis ang mga ito ay binuklat ko ang bill at tumambad ang nakaipit na mga pera. Halos tatlong libo lang ang bill ng mga ito. Ibig sabihin ay fifteen thousand pesos ang tip ko sa mga ito maliban pa sa mga naunang nagbigay sa akin ng tip kanina.

Napakagalante naman ng magpipinsan na iyon. Parang galit na galit sa pera.

Itinago ko ito at balak kong bigyan sina Fortney, Season, at Peach pagkatapos ng shift namin.

Nilinis ko ang table pagkatapos dalhin kay Peach ang bill. Ng matapos kami sa trabaho ay maga-alas diyes na. Pagod pero sobrang sulit.

"Tara na." Si Peach at pumara ng isang ligaw na tricycle. Ng makarating kami sa lugar namin ay bineso kami ni Fortney isa isa.

"Maaga na naman tayo bukas sa school. Good night mga beasties. Walang male-late!"

"Sige." Natigilan ako ng may maalala. "Teka lang." Pigil ko sa mga ito saka dumukot ng anim na libo at binigyan sila ng tig dadalawang libo.

"Saan mo ito nakuha?" Maang na tanong ni Peach. Kahit si Fortney at Season ay napanganga.

"Sa mga diyosa." Mabilis akong tumalikod para hindi na magtanong pa ang mga ito.

"Magpapaliwanag ka bukas!"











*****

Here goes.. remember them sa story ni Mrs. Knutson?

Micaelle Thalassophile - Bunso nina Dominique at Mikaela.. Kapatid ni Vega Astrophile aka (professor Howard)

Aurora Aluna - Daughter of Natalie Luane and Ametiz

Last but not the least..

Savienne - Only child nina Sofiera at Jazmine

In addition to it- si Forest Hans (Medge daughter) apo ni Meadow at Jen

My Captive Heart (Hampaslupa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon