River Grey
Inaantok ako ngayon habang nasa klase dahil napuyat ako kagabi. Alas diyes ang out ko sa trabaho. Maga-alas onse ng makauwi kami ng mga kaibigan ko. Naglinis ako ng katawan bago ginawa ang mga assignments ko. Akala ko makakatulog na ako non ng mahimbing pero hindi, alas kwatro kaninang madaling araw ng magising kami dahil nagwawala si tatay sa sobrang kalasingan.
At bilang tagapagligtas at mabait na kapitbahay si Chester. Sinuntok nito si tatay na agad na nawalan ng malay. Hindi kasi namin maawat ni nanay at nagsimula itong saktan si nanay. Natabig pa ako dahilan para mapatilapon ako sa gilid ng kahoy na upuan namin. Mabuti at tagiliran ko ang tumama at hindi ang ulo ko.
Kaya ngayon ay iniinda ko ang pananakit at nagkaroon ito ng pasa idagdag pa ang pamamaga nito dahilan kaya medyo masama ang pakiramdam ko.
"If my class bores you. Get out."
Para akong natauhan ng marinig ang malamig na boses na iyon. Si Miss Howard.
Awtomatikong napaangat ako ng tingin at lahat sila ay nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil sa sobrang kaba at kahihiyan.
"Get out daw." Mahina pang ulit ni Fortney sa tabi ko. Gaga talaga ang babaing ito.
"Huwag mong hintaying maging tuloyan kang yelo diyan." Si Peach.
"Ang sabi ay if." Paanas ni Season. Sa totoo lang ay hindi sila nakakatulong.
"I'm sorry ma'am." Mahinang wika ko. Gusto ko na lang talagang lumubog sa kahihiyan ngayon. "I didn't mean to."
"You know your way out."
Tinignan ko ito habang namumungay ang mga mata ko.
"Yes po." Kinuha ko ng dahan dahan ang bag ko dahil nga masakit ang tagiliran ko. Nahirapan pa akong isukbit ito at tuloyan akong napangiwi dahil sa sakit. Nabalian yata ako ng buto.
Uuwi na lang ako at magpapahinga sa bahay kaysa mag-attend ng wala akong naiintindihan.
"A word with you outside." Malamig ulit na saad nito at walang emosyon.
Nauna itong maglakad sa labas at walang imik na sinundan ko ito. Ito na ang nagsara ng pintuan.
Kapagdakay pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib nito at malamig akong tinitigan. Ramdam ko ang talim ng titig nito sa akin at hindi ako komportable kaya nakatingin lang ako sa sahig.
"Eyes up."
Dahan dahan akong napaangat ng tingin at halos mabitin sa ere ang hininga ko dahil sa sobrang ganda nito. As usual ay wala itong emosyon.
"P-Po?" Kinalma ko ang sarili ko lalo. Ayaw kong maging tanga sa harapan nito dahil sigurado akong ayaw nito sa mga tangang tao.
Mataman ako nitong tinitigan na parang inaanalisa.
"You ok?"
Nabigla ako sa tanong nito pero hindi ko ipinahalata. Ito kase ang klase ng taong kung titignan mo ay talagang walang puso.
"Ok lang naman po ako Miss Howard." Malumanay pa rin na wika ko.
"You are not a good liar."
"I'm not-"
"And you can't fool me. Your eyes says otherwise."
Hindi ako nakaimik. Namumungay ang mga mata ko pero bakit nito alam na may dinaramdam ako. Namumula ba ako ng hindi ko alam?
"Go to infirmary." Iyon lang at tumalikod na ito bago binuksan ang pintuan saka pumasok sa loob.
Ngayon ko pa lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa kinokontrol. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagdesisyon akong uuwi na lang pero dalawang hakbang ko pa lang ay bumukas ulit ang pintuan at iluwa non si Season.
"Sabi ni Ma'am samahan kita sa infirmary. Bakit hindi mo sinabi kanina na masama ang pakiramdam mo?"
Umiling ako rito. "Napagod lang siguro ako."
May pagdududa ako nitong tinitigan. "Nasabi ni nanay ang nangyari sa inyo kaninang madaling araw. Ok lang ba si aling Digna?"
Napangiti ako rito. "Ok naman. Bumalik ka na sa klase Season. Hayaan mo na lang ako. Uuwi na lang ako kaysa maglagi sa infirmary."
"Pero-"
"Ako na ang nagsasabi. Ako ang kaibigan mo hindi si ma'am."
Natawa ito. "Sige, ayoko lang manigas sa kalamigan niya e at mabuti na lang wala tayong pasok mamaya sa trabaho kundi ay sayang ang kita mo."
Napatango ako rito. Araw araw kasi ang sahoran sa amin dahil ang rason ni ma'am Natalie Luane ay mga estudyante ang nagta-trabaho. Kailangan ng allowance para sa pag-aaral.
Humahanga talaga ako sa kabaitan nito at sa anak nitong siyang humahawak daw sa mga negosyo nito. Gusto ko rin sana itong makita sa personal para mapasalamatan. Malaki kasing tulong sa akin at mga kapwa ko estudyante ang pagbibigay ng mga ito ng pagkakataon na makapagtrabaho at mabago ang buhay.
"Kaya nga."
"Ihatid na kita kahit sa may kanto lang kung saan ka mag-aabang ng tricycle at baka mapano ka pa."
"Ano ka ba. Ayos lang ako. Alam mo namang kung hindi ko kaya ay magpapasama talaga ako. Sige na, pumasok ka na at aalis na ako."
Niyakap muna ako nito. "Ingat ka ha."
Ng makalabas ako ng campus ay dahan dahan lang akong naglakad papunta sa kabilang kanto kung nasaan ang paradahan ng tricycle. Ng makasakay ako at makauwi ay wala akong nadatnan sa bahay. Si nanay alam kong nasa palengke ito pero si tatay hindi ako sigurado kung nasaan. Mabuti naman kung ganun at makakapagpahinga ako ng walang nag-uutos sa akin.
Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit. Tinanggal ko lang ang mga sapatos ko bago sumampa sa higaan kong banig. Isa lang ang unan ko. Gusto kong bumili ng ilang gamit kaso mas gusto kong makaipon ng makaalis kami rito.
Nagkumot lang ako hanggang leeg saka agad na nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero namalayan ko na lang na may humahawak sa hita ko. Kahit nakasuot ako ng pantalon ay ramdam ko pa rin ang init ng palad nito.
Ng magmulat ako ng mga mata ay medyo nahihilo ako. Inaantok pa ng sobra pero parang lumipad iyon ng makita ang malademonyong mukha ng tatay ko. Namumula ang mga mata nitong parang may tama. Hindi naman ito ganito kapag nalalasing. Hindi kaya gumagamit ito ngayon ng ipinagbabawal na gamot?
"Tay?" Tawag ko rito pero parang wala ito sa sarili.
Sisigaw na sana ako ng takpan nito ang bibig ko. Nagsimula akong manginig dahil sa takot.
"Hindi ko akalaing lalaki kang napakaganda. Siguro naman, pwede na ngayon diba?"
Umiling ako at nagsimulang pumalag kahit pa nanghihina ako. Hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay ko sa isang kamay lang nito habang ang isa ay nanatili pa ring nakatakip sa bibig ko. Pinipilit kong sumigaw kahit lumalabas lang iyon na parang ungol.
Nasaan na ba si nanay? Kahit si Chester na lang, si Paeng o si Napoleon. O kahit sino sa mga kaibigan ko. I need them to save me from this monster right now.
Help!
BINABASA MO ANG
My Captive Heart (Hampaslupa Series 1)
General FictionRiver Grey Montecarlo * Vega Astrophile Howard