River Grey
"Akin na." Si Fortney saka nito inilahad ang palad para ibigay namin ang aming mga pamasahe rito. Sasakay kasi kami sa tricycle.
"Dalawang tricycle na lang, ayoko sa likuran at mas lalong ayokong magsiksikan tayo." Reklamo ni Season.
Napairap si Fortney dito. "Ang arte mo. Alam mo namang may kahirapang sumakay sa tricycle saka mas maganda ng magsiksikan tayo kaysa sumakay sa iba tapos iba ang makikisiksik dahil lang sa gusto mong umupo ng maayos."
"Season bumili ka na lang ng sarili mong tricycle." Natatawa si Peach rito.
Napalabi si Season. "Turnilyo nga wala akong pambili. Tricycle pa kaya. O ayan na! Daming sinabi!" Sinaksak nito ang ilang coins sa kamay ni Fortney.
"May galit ka eh."
"Nakangiti na nga oh." Pekeng ngumiti pa ito kay Fort.
Natawa kami ni Peach dahil halatang napilitan lang talaga ito. Pumara si Fortney ng tricycle saka kami sumakay.
Nauna akong umupo sa loob at sa tabi ko ay si Fortney. Walang imik na umupo si Peach sa center seat.
"Dito ka na lang sa labas ineng hindi ka na kakasya pa sa loob." Si manong driver. "Malawak rito."
"Hindi na manong. Gusto kong umupo ng maayos."
"E wala ka ng uupoan sa loob."
"Kakasya po!" Sinaksak nito ang bag kay Peach at talagang siniksik ang katawan.
"Aray! Ano ba Season! Ang bigat mo!" Reklamo ni Fortney dito.
Paano ba naman kasi, talagang siniksik ang sarili sa loob at talagang pinaghiwalay pa nito ang mga hita ni Fortney para lang makaupo sa kandungan nito habang nakayuko ng todo. Mabuti na lang medyo may kalakihan rin ang sidecar ni manong lalo na may katangkaran kaming apat.
Tawang tawa kami ni Peach sa kalokohan ng dalawa.
"Pasaan ba kayo at para kayong pupunta sa lamay?"
"Huh?" Si Peach.
"Daldal mo manong. Larga sa HFU!" Si Season.
"Putang ina mo Kapanahunan! Para akong manganganak punyeta!" Reklamo ni Fortney habang umaandar na ang tricycle.
"Ginusto mo ito diba? Isang tricycle tapos ayaw mo akong paupoin ng maayos. Pwes ngayon Fort, magdusa tayong dalawa!"
Mas lalo kaming natawa ni Peach sa mga ito. Mabuti na lang at wala kaming mga uniform kundi ay siguradong lukot na ang mga ito. May department t-shirt naman kami pero tuwing Biyernes lang.
Dumating na ang pinakahihintay naming pasukan. Kami lang namang mga iskolar ang sumasakay sa tricycle dahil puros lahat na ng mga nandoon ay mayayaman. May mga sariling sasakyan, may sariling parkingan.
"Namamanhid na ang mga hita ko. Ang bigat mong hayop ka."
"Kaunti na lang Fort. Makakaraos din tayo. Masaya pala kapag ganito kahit araw arawin natin. Medyo masakit lang sa leeg ko."
"Hindi na! Bukas mauna ka ng pumasok sa eskwela! Hindi sasapat ang pamasahe mo para lang umupo sa kandungan ko!"
"Pwede namang palit tayo Fortney. Ikaw umupo sa kandungan ko tapos ihagis kita sa labas kapag nangalay ako."
"E kung itulak kaya kita palabas ng tricycle kahit gumulong ka pa ngayon din mismo?"
"Harsh mo naman."
Ng makarating kami sa eskwela ay agad na bumaba si Season. Hinilot nito ang nangalay na leeg dahil sa pagkakayuko. Tawang tawa kami ni Peach sa itsura ng dalawa dahil iika ika na parang kakapanganak lang ni Fortney. Si Peach na rin ang nag-abot ng bayad kay manong driver dahil nag-iinat si Fortney ng mahahabang biyas nito.
"Kung gusto niyo mga ineng ako ulit susundo sa inyo bukas!" Natutuwang sambit ni manong.
"Hindi na po! Maglalakad na lang kami!" Balik ni Fortney. Napakamot na lang si manong bago ito umalis.
"Tara baka ma-late tayo." Si Peach.
We already have our schedule dahil electronic naman na ito ngayon. Sine-send through email at pwede mo na lang doon i-view kaya kinailangan pa naming dumalo sa computer shop dahil wala kaming sariling mga cellphone.
Nakasuot lang kami ng itim na t-shirt at nakapantalon. Nakasuot ng lumang puting sneakers na kahit papaano ay maputi pa rin dahil sa tamang pangangalaga. Kaya siguro nasabi ni manong kaninang para kaming dadalo sa lamay.
Nakaback pack rin kami hindi kagaya ng mga mayayamang nag-aaral dito na talagang nakakabili ng kahit na anong gustong isuot kagaya ng ibat ibang blouse, heels, maraming option sa sapatos, at ilang designer bags.
Hindi naman kami materyalistik na tao pero nakakailang lang din kasi dahil para kaming naligaw sa eskwelahan na ito. Hindi kami nababagay makisalamuha. Nakakapanliit ng sarili.
Hindi rin sana namin afford ang mga pagkain rito dahil sa mahal pero dahil iskolar kami ay kasama sa benepisyo namin ito. They chose students na talagang sobrang kapos sa buhay pero matalino.
Siguro swinerte lang kaming apat.
"Unang klase natin si Mr. Fabroa."
Kahit maraming nakatingin sa aming ibang mga estudyante ay pilit na lang naming hindi pinapansin. Siguro dahil sa mga simpleng suot namin.
Ng makarating kami sa loob ng silid ay dumiretso kaming lahat sa likuran. Wala rin namang may gustong makatabi kami. Mabuti na rin iyon dahil ayaw rin naman naming may makatabing iba. Marami pa naman ang matataray sa mga ito. Mga spoiled sa buhay.
"On time lang tayo. Wala pa si Mr. Fabroa."
Naghihintay lang kami ng pumasok si Mr. Fabroa.
"Good morning class."
Babati na sana kami ng may pumasok na matangkad na babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala si Mrs. Fin. Siya ang direktor ng eskwelahan namin at isa sa mga nagma-may-ari.
Nagi-speech ito minsan kapag may mga event ang eskwela pero never itong nalapitan ng mga estudyante dahil sa kagalang galang na aura nito ay mahihiya ka talagang iapproach.
Napangiti ito ng matamis kaya napakurap kurap ako. Sobrang ganda nito sa malapitan.
"Madam. Kumusta kayo?" Si Sir Fabroa.
"I'm good Mr. Fabroa. This will only take a few seconds."
"You can have all the time Madam."
Bumaling ito sa amin. "Hi students! Welcome back this school year. I hope you will enjoy it and gain a lot of knowledge again. Sa inyong lahat lalong lalo na sa mga scholars, this is your last year sa HFU. We hope we gave you the best opportunity we could ever give and offer. It's the least na maibibigay namin."
Hindi pa kami nakakabawi ng may pumasok ulit na babae. Mas matangkad ito kaunti, mas diyosa pero sobrang lamig kung tumingin. Parang walang buhay. A little older version of professor Howard.
Napatikhim si Mrs. Fin. "This is Mrs. Adicof. My sister in law and the schools co-owner."
Wala pa ring nagsasalita sa amin na parang parehas na kaming lahat na naputolan ng dila sa pagkamangha. Literal na kagalang galang ang mga taong nasa harapan namin ngayon. Hindi lang basta basta. They are the owner of this prestigious school.
"Isang karangalan ang maging parte kayo ng eskwelahang ito." Seryosong wika nito. Pati mga balahibo ko ay nagsitayuan sa lamig ng boses nito.
Kinurot ako ni Season na parang kinikilig. Inapakan ko ang paa nito. Walang pinipiling tao.
"Students?" Si Mr. Fabroa kasabay non ang mahinhing pagtawa ni Mrs. Fin.
"Thank you po." Iyon na lang ang naging sagot ng ilan sa amin. Hanggang sa makaalis ang mga ito ay parang lutang pa rin ako. Naiwan pa ang pabango ng dalawa na humahalimuyak pa rin sa loob.
"Tang ina, kung ganun ang magiging Mrs. ko babakuran ko ng husto." Si Season.
"Possessive mo masyado Kapanahunan. Magpayaman muna tayo bago mangarap na may malaglag na bituin sa alikabok. Putik!" Si Fortney.
"Heto na nga, mag-aaral ng mabuti para makasungkit ng patay na tala!"
"Punyeta talaga. Pantasya pa!"
BINABASA MO ANG
My Captive Heart (Hampaslupa Series 1)
General FictionRiver Grey Montecarlo * Vega Astrophile Howard