Chapter 1

3.2K 155 17
                                    

River Grey

Napapikit ako ng biglang ibato ni Tatay ang pantalon nitong maong sa batya kung saan ako naglalaba. Sumabog kasi ang bula at tubig sa mukha ko dahil sa lakas ng pagkakabato nito. Alam ko na, lasing na naman. Palagi silang nag-aaway ni Nanay kapag ganito.

"Labhan mo din iyan!"

Hindi na lang ako nagsalita at pinunasan ang mukha ko gamit ang aking suot na damit.

"Nasaan ang gaga mong ina?!"

Napatingin ako rito at hindi nga ako nagkamali. Namumula ang mga mata nito. Ang aga aga pero alak ang unang inaatupag nito.

He's actually my step father. Nabuntis si Nanay ng isang sundalong foreigner. Isa itong mananayaw sa isang bar noon pero hindi raw sumasama kahit kanino para mailabas.

Nahulog lang talaga siya sa Tatay kong kano at may nangyari sa kanila pero makalipas non ay hindi na sila nagkita pa at ako ang naging bunga.

Simula ng malaman ng Nanay ko na buntis ito sa akin ay pinili nitong iwan ang nakasanayang trabaho at ang maliit na naipon nito ay pinamuhunan para magtinda na lang sa palengke.

Doon sila nagkakilala ng pangalawang ama ko ngayon at hindi ko alam paano nahulog si Nanay sa ganitong klase ng lalake. Noong una ay ok naman hanggang sa tumagal ay bumalik ito sa pagbibisyo. Siguro nga ay malas si Nanay sa kanyang buhay pag-ibig.

"Nasa palengke po. Nagtitinda." Simpleng sagot ko rito.

Sinuntok nito ang pintuang plywood na halos papagiba na dahil sa kakasuntok at tadyak rin nito. Halos mapalundag ako sa gulat dahil kahit hanggang ngayon na palagi nitong ginagawa ay nagugulat pa rin ako at hindi maiwasang kabahan. Wala naman kasing nasasanay sa pagiging bayolente lalo na kapag matino ang isang tao.

"Siguradohin mong may pagkain!"

Mabuti na lang at nakapagsaing na ako. Nakapagprito rin ako ng isda, iyong natirang hindi nabenta ni Nanay kahapon.

Pinagpatuloy ko ang paglalaba.

Gusto kong umalis sa lugar na ito, kami ni Nanay pero wala pa akong kakayahan sa ngayon. Konting tiis pa.

Nag-aaral ako sa HFU. Isa akong iskolar doon dahil kung regular na estudyante ay hindi namin kakayanin ang laki ng matrikula. Swerte lang talaga akong nakapasok dahil kahit papaano ay matalino ako.

Ngayong darating na pasukan ay huling taon ko na sa kolehiyo. Kumuha ako ng architectural engineering. Alam kong mas mahirap na ang mga klase ko ngayong huling taon ko na pero may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko.

Marami akong natutunan kay professor Forest Hans sa nagdaang taon. Ang crush ng best friend kong si Season Alegre.

Natigilan ako sa pagkuskos ng maalalang magiging professor ko ang crush kong si professor Vega Howard.

Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako non mapapansin kahit kailan dahil una, mahirap ako, pangalawa ay hindi naman ito bisexual. She's straight for sure. Me, I am sure na bisexual ako pagdating kay Miss Howard. She's a goddess for me idagdag pang matalino ito.

Iyon nga lang, maraming negative comments about sa ugali nito. She's the type of a very serious person. Hindi ito ngumingiti. Para itong taong bato. Ilan na sa mga taong nakapagsabi na nagmana ito kay Mikaela Howard, her mom pero hindi ko pa naman ito nakikita at walang nakakakilala rito.

I wonder how she teach her students. Kung paano ito sa loob ng silid aralan pero usap usapan din ang pagiging magaspang nito. She's cruel, cold, strict, and rude.

Napabuntong hininga ulit ako saka ito iwinaksi sa isipan ko.

Ipinagpatuloy ko ang paglalaba. Pagkatapos ko rito ay dederetso ako sa palengke para tulongan si Nanay. Kahit kadalasan ay ayaw ako nitong pumupunta doon para tulongan itong maglako pero wala rin itong nagagawa kapag nandoon na ako.

Ng matapos akong maglaba ay naghanda na ako para umalis. Nakita ko si Tatay na nakatihayang natutulog sa pahabang kawayang upuan.

"Hindi ka na magbabago pa, Tay." Pabulong na wika ko.

He's not my father but I still respect him. Kagaya ng sinabi ko, hindi naman ito ganito noong una. Iba talaga ang nagagawa ng bisyo.

Umalis ako at tinahak ang daan papunta sa palengke.

Napasipol si Chester bago ko pa madaanan ang mga ito. Kilala itong bad boy sa lugar namin. Mas matanda lang ito ng tatlong taon kaysa sa akin. Kainuman na naman nito ang mga barkada nitong sina Paeng at Napoleon.

Inirapan ko ito. "Ang aga Chester. Inom pa."

Natawa ito. "Gumaganda talaga ang araw ko sa tuwing napapadaan ka ilog."

"Oo nga. Tangay mo kami hanggang sa palengke." Si Paeng.

Napangiti ako. Kahit naman bad boys ang tatlong ito ay matulongin naman. Sila minsan ang nagiging kargador sa mga paninda namin.

"May kakargahin ba ulit kami bukas?" Si Napoleon.

"Hindi ko alam. Malalaman ko pa lang mamaya kung maraming inorder si Nanay."

"Sabihan mo lang kami ilog."

Kumaway ako sa mga ito. "Sige, salamat. Huwag masyadong magpakalasing at baka mapaaway na naman kayo."

"Aysus! Aminin mo na kasi sinong pinagnanasahan mo sa aming tatlo!" Si Paeng.

Napailing na lang ako habang nakangiti saka kumaway at umalis na doon. Ng makarating ako sa tindahan ay abala si Nanay sa pagbebenta ng isda dahil may mga bumibili.

Nilapitan ko ito saka hinalikan sa pisngi. Hindi ko magawang magmano dahil alam kong hindi rin naman papayag si Nanay dahil malansa ang mga kamay nito.

"Oh bakit nandito ka na naman? Diba ang bilin ko sa iyo River ay sa bahay ka lang?"

Napangiti ako rito. "Eh Nay, wala naman na po akong ginagawa doon kapag ganitong oras. Saka nandoon po si Tatay, tulog pong iniwan ko at lasing."

Napabuntong hininga ito bago iniabot ang supot ng isda kay Tiyang Esme.

"Naku Digna, iwan mo na kasi ang batugan mong asawa. Magpukos ka na lang sa anak mo, sakit lang iyong si Matin sa ulo. Hindi ka ba nagsasawa na palagi kayong nag-aaway? Mamaya baka mapaano pa kayong mag-ina. Alam mo naman ang mga taong nagbibisyo iba ang pag-iisip." Sawsaw ni Tiyang Esme, kapitbahay namin ito.

"Matagal ko ng iniisip iyan Esme kaso natatakot pa ako ngayon lalo wala kaming sapat na pera. Noong huli kasing sinabihan kong iiwan namin siya. Pinagbantaan ako."

Napatingin ako kay Nanay dahil sa narinig. Kailan pa siya pinagbantaan ni Tatay? Hindi man lang nito nasabi sa akin o dahil ayaw ako nitong mag-alala.

"Naku, iwan niyo na bago pa kung ano ang gawin sa inyo. Sige, salamat dito."

"Nay." Baling ko kay Nanay ng makaalis si Tiya Esme. "Kailan pa ho?" Tukoy ko sa pagbabanta ni Tatay.

"Ilang linggo na rin." Sagot nitong hindi lumilingon habang naglilinis ng mga isda dahil may mga ibang bumibili.

"Pero hindi pa sapat ang ipon ko para makaalis tayo ngayon anak. Ayaw ko namang matulog tayo sa kalye."

Gusto ko sanang sabihin na ok lang kaysa sa mapahamak kami pero mas pinili ko na lang na manahimik at tulongan siya sa paglilinis ng isda pagkatapos kong magsuot ng apron.

"Basta pagbutihin mo ang pag-aaral. Iyon ang importante."

"Oo River." Sawsaw ni Aling Rina na kadarating lang para bumili. "Ipinanganak ka bilang hampaslupa, mamamatay ka pa ring hampaslupa." Saka ito tumawa.

"Lumayas ka nga sa harapan ko bago pa kita sampalin ng mag-asawang isda Rina! Chismosa ka!"

"Magpasalamat ka nagkaroon ka ng anak na ubod ng ganda! Kung dika nagpakapokpok noon Digna. Wala-"

"Aba't!-" Pero inawat ko si Nanay at mabilis ng umalis si Aling Rina. "Gagang babae, matanda na masama pa rin ang tabas ng dila. Huwag ka ng babalik dito ha! Dederetsohin ko iyang dila mo!"

"Tama na Nay. Hindi naman po iyon totoo." Ngumiti ako rito. Alam ko kasing kay Tatay lang ito sumama noong nabuo ako. I know her story. She's only a dancer at hindi ito isang bayarang babae. Masyado lang talagang pinasama ni Aling Rina ang kwento nito.

"Basta mag-aral kang mabuti anak para hindi ka matulad sa akin."



Tumango na lang ako rito.

My Captive Heart (Hampaslupa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon