Chapter 4

235 9 2
                                    

PUMAPALAKPAK sa buong kapaligiran ang karaniwang ingay na maririnig mo sa isang pangkaraniwang pamilihan tuwing araw ng Linggo. Ito ang araw ng pagsimba at free time ng lahat kaya asahan mo nang dudumugin ito ng maraming mamimili.

Nagkalat ang mga palingkero sa paligid habang matiyagang nagtatawag naman ng mga kostumer ang mga tindero sa kalagitnaan ng maalinsangang panahon.

Kasabay ng abalang hugong ay ang magkabilaang ingay na nagmumula sa mga videoke bars at paandar ng iba't-ibang mga sasakyan na dumadaan at pumaparada malapit sa palengke.

Sa gawi ng mga gulayan, ay may isang dalagang kanina pa naiinip.

She sits uncomfortably in a blue monobloc chair, and in front of her is an old wooden table with a small container of money on top while keeping an eye on it.

Her mother was outside, preparing vegetables in front of their store, all were being neatly displayed on plastic trays for all customers to see.

Paminsan-minsan na napapabuntong-hininga ang dalaga habang nakapatong ang siko sa lamesa at nakadaggan ang pisngi sa kanang palad na pawisan.

Inaantay niya na ma-full charge ang kanyang selpon; ito lang kasi ang nagsisilbing libangan niya laban sa init at antok. Buti na lang at kahit paano'y nagagawang maisalba ng sariwang amoy ng mga gulay ang mood niya.

While charging, she pushes the button on the phone's side that was sitting next to the container and casually checks the battery percentage.

"Ano ba 'yan. 50 pa lang?", pagod niyang reklamo, she lowered her head in dismay and laid her forehead over the table. "Tsk, kainip talaga", she blurted before letting out a loud grunt.

"Nesang!", biglang tawag ng kanyang ina mula sa labas. She sounded thrilled over something-a bit too thrilled if you ask the girl's opinion.

"Ho?", matamlay na tugon ng dalaga.

"Asikasuhin mo nga muna sila saglit, 'nak, at abala pa ako mag-ayos ng paninda", pakiusap nito. "Saglit lang, ha.", malumanay na pakiusap pa niya sa kung sinong mang mga kausap niya sa labas.

'Sila'? May bibili ulit? Nesang questioned.

She lifted her head from the table. At mula sa kanyang kinauupuan, ay sinubukan niyang silipin iyong mga taong tinutukoy ng kanyang ina, ngunit, ni isang hibla ng kanilang mga buhok ay hindi niya magawang makita, kahit anong pilit niya-masyado kasing maraming nakaharang na mga paninda.

After taking a big breath, the girl got to her feet. She strolled past the table while massaging her lower back-she had been sitting there for so long that it hurt.

Once she emerged into the open air, her eyes met two strangers with unusual hairstyles. The other had black curtain hair while the other one had long blonde hair tied into a ponytail; wearing an arm sling and had bruises all over.

Napaano siya? tanong ng dalaga sa loob-looban nito.

Both individuals were wearing casual clothes and ordinary slippers and yet Nesang was mainly charmed by the person with black hair. She thought he was cute.

She held her breath as she managed to make eye contact with him.

"A-Ano po 'yon?", pilit na iniwasang hindi mautal ng dalaga.

"Ano nga, ading", pawang inalala pa ng lalakeng may itim na buhok sa kanyang isipan 'yung gusto nitong bilhin. "Isang repack na gulay nga, tapos, one-fourth na kamatis", galak na tugon nito.

Agad napakilos ang dalaga.

Matapos silang pagbentahan ay saka niya inabot ang kanilang barya.

"Thank you", binigyan siya nito ng napaka-tamis na ngiti.

I Want You: PabKen FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon