MAG-AALAUNA imedya na nang makauwi sina Stell at Pablo sa kanilang tinutuluyang bahay.
Sumakay na sila ng traysikel dahil paniguradong aabutin pa sila ng mahigit isang oras kung tatangkain pa nilang lakarin ang bahay pauwi.
Iba pa naman ang tindi ng init ng araw sa panahon ngayon, nakakapaso sa balat.
Isa pa, hindi papayag si Stell na maarawan ang balat niya, dahil kung hindi, ay masasayang lang ang mga isinasabon niyang pampaputi rito. Todo effort pa man din siyang mapanatili ang kanyang kompleksyon sa pang-araw-araw; isang bagay na sa kasamaang palad ay hindi mage-gets ng isang Pablo Nase.
'Sus, hindi mo na kailangan 'yan', ganyan palagi ang anas ni Pablo sa kanya tuwing naaabutan ito sa banyo na nagsi-skincare.
'Oh, tapos? Tinatanong ko ba opinyon mo?', ganting sagot naman sa kanya ni Stell palagi.
Tapos, tatawa na lang sa kabilang pinto yung loko at sasabihing, bilisan na niya at naiihi na raw siya.
Kahit sabihin pa ni Stell na sanay na siya sa ugaling meron si Pablo, ay hindi pa rin talaga niya maiwasang maasar. Pasalamat na lang talaga siya, dahil sadyang malambot ang puso ni Stell lalo na pagdating sa kanya.
---
Nang maihatid na sila, ay hindi na nagawa pang maantay ni Pablo ang kaibigan na makapagbayad doon sa traysikel drayber, kaya dumiretso na siyang pumunta papasok sa kanilang gate.Saglit niya munang ibinaba ang bitbit niyang egg tray at binuksan ang front door, bago tuluyan na hinayaan ang sarili na makapasok sa loob ng bahay, na bitbit na muli iyong mga itlog.
He places the tray on their wooden dining table, and a soft sigh of relief fell out from his lips.
"My God, finally", he muttered.
Hinanap ng kanyang madamdaming mga mata ang puwesto ng kanilang sopa at lumakad papalapit dito, dahan-dahan niyang inihiga roon ang katawan at marahang idinantay ang kanang brasong may suot na arm sling sa kanyang bandang tiyan.
Doon lang dumaan sa ala-ala niya iyong sinabi ni Stell kanina, na umakyat na raw si Pablo at magpahinga na. Kaso, napatingin lamang siya sa hagdanan at napapunas sa kanyang mukha. He yawned and rubbed his eyes.
Hindi niya inakalang ganoon na pala siya napagod magmula nang maihimlay ang katawan sa malalambot na seat cushions ng sopa. Ang ending, ay hindi na niya nagawa pa na sundin si Stell sa kung ano man ang ipinapagawa nito, kahit alam niyang pagagalitan siya nito mamaya.
Para saan pa? Eh, komportableng-komportable na nga siya sa sopa.
Maya-maya'y sumunod nang pumasok si Stell at nadatnan ang kaibigang nakahiga sa salas. "Hindi ka aakyat?",
"Hindi na", simpleng sagot ni Pablo, sabay hagilap doon sa mga bitbit ni Stell. "Ay, sorry. Akin na, tulungan na kita mag-ayos." Bumalikwas si Pablo sa pagkakahiga at akma na sanang tatayo.
"'Wag na, kaya ko na 'to", malumanay na tanggi naman ni Stell nang hindi man lang lumilingon. "Diyan ka na lang."
And here he thought, magagalit si Stell sa kanya, inabangan pa man din niya ang sermon ng kaibigan.
Pablo couldn't help but pout as Stell turned away and walked towards their dining area. Nilapag niya ang mga gulay at karneng dala niya sa dining table, katabi ng tray na ibinaba ni Pablo kamakailan lang.
Ba 'yan, para naman ako'ng baby 'neto, napakamot si Pablo sa kanyang baba.
Ganyan na talaga si Stell, likas na ang pagiging maasikaso at maalalahanin, lalo na sa kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
I Want You: PabKen Fanfiction
FanfictionAfter settling his family's debt, Pablo decided to escape from everything, leaving behind an unresolved deal with Ken. Years later, they meet again by chance to settle their unfinished business. Pablo soon rises to the top of the entertainment indu...