Prologue

186 8 2
                                    

Sinalubong sila  ng masangsang na amoy mula sa nakabukas na cargo.Lulan nun ang mga babaeng sakay na galing pang Visayas.

"Boss,mukhang wala ng buhay sa loob!"Balita ng binatang si Luis sa amo nitong si Pablo Caballero na nakaupo sa backseat ng magarang itim na suv.

"Tangina!bakit?anong nangyari?"

"E Boss,hindi namin alam,patay din kasi yung drayber at helper."

Bumunot ng baril si Pablo at tinutok sa noo ni Luis.

"Tanga ka ba?!gamitin mo yang utak mo!alamin niyo kung paano namatay ang mga basurang yan!"

Ang mga basurang tinutukoy nito ay ang mga babaeng biktima ng human trafficking.Mga babaeng probinsyanang kinukuha ng nga illegal recruiter at binibinta sa lolo nitong si Don Facundo.Binibili nila ang mga babae para pagkakitaan sa mga negosyo nilang bar,ang iba naman ay binibinta nila sa mga banyaga.

Mabilis na bumalik si Luis sa bungad ng cargo at inalam ang nangyari.

Tumunog ang telepono ni Pablo,nahilamos nito ang kanang palad sa mukha ng rumihestro sa screen ang pangalan ni Don Facundo.

"Hello Apo?nasaan ka?"

"Lo?ah,dito Lo pinuntahan ko yung cargo na sinasabi mo."

"O ano na?magaganda ba yung nga babae?"

Binaba ni Pablo ang cellphone sa gilid saka nagmura bago iyon inangat ulit.

"E Lo.May problema."

"Problema?bakit?nahuli ba kayo ng mga pulis?"

"Hindi Lo,yung mga babae..patay na yung mga babae."

"God damn it!bakit?!"

Naglalaro sa imahinasyon ni Pablo ang galit na mukha ng kanyang lolo.

Malaki ang malulugi nila dahil sa kapalpakan ngayon.

"Aayusin ko to Lo."

"Paano?!Bubuhayin mo ang mga babae?!dahil sa tagal mo kaya namatay ang mga yan!puro ka babae!pagpapakasarap!kaya hindi mo maasikasu ang negosyo ko!isa kang Caballero!pero utak monggo ka pa rin!"

Mariing pumikit si Pablo,panay mura na niya sa isip.

"Sunugin niyo na yan!Para walang ebidensyang makita ang mga pulis!Huwag kang uuwi dito sa mansyon hanggang wala kang maipapalit dyan sa mga basura na yan!"

"Pero Lo!Lo--shit!!"

Tinapon niya ang cellphone sabay labas sa sasakyan.

Halos mapaatras siya sa masangsang na amoy.

"Boss,anong gagawin natin sa mga bangkay?"

Ang sabi sunugin,pero hindi niya magawa iyon.Kahit gagu siya tinatablan pa rin siya ng kunsensya.

"Maghukay kayo at ilibing ang mga yan!"

"O maghukay daw tayo!bilisan niyo!"sabi ni Luis sa mga kasamahan nito.

Isa-isang binaba ang mga bangkay.

Habang isa-isang kinukuha ang nga katawan ay mas lalong kinabahan na may halong takot ang isang natitirang buhay sa mga bangkay na nagtatago lang sa likuran ng mga nakatambak na kahon.

Hinihintay lang nito na mabuksan ang cargo para makalabas siya.Ilang araw na siyang nasa loob,walang mainom,walang makain at halos malason na sa amoy ng kanyang mga kasamahang babaeng lulan ng cargo.

Ang tanging naalala lang niya ay biglang huminto ang cargo truck,pagkatapos nakarinig sila ng sunodsunod na putok ng baril,at isa-isang tinamaan ang kanyang mga kasamahan.Nagkubli siya sa isang katawan kaya hindi siya natamaan ng bala.

Nang mawari ng mga ito na patay na ang lahat ay agad din ang mga itong umalis at pinadlock ulit ang cargo truck.

"Kailangan ko ng makaalis dito!pagbukas ng cargo,tatakbo ako agad at tatalon para makatakas!"saad ni Sophia sa sarili.

Inipon ni Sophia ang natitirang lakas.It is now or never.

Sumilip siya maliit na butas ng kahon at nakita ang pigura ng isang lalaki sa baba.Nakatalikod ito sa bungad ng cargo.

Ito ata ang Boss ng mga lalaki.

May sa anim na lalaki ding nagpapalitang kunin at buhatin ang mga bangkay palabas.

"Boss nababa na namin lahat ng bangkay!"

"O tapos?ako pa ang maglilibing?!"

"Tara na mga kasama!ilibing na muna natin ang mga to!"

"Sunugin ang bwisit nato pagkatapos niyong mailibing ang mga yan!"saad nito sa mga tauhan.

Umalis ang mga tauhan ni Pablo,naiwan ito sa harap ng cargo.

Pablo lit a cigarette habang hinihintay na bumalik ang mga tauhan.

Dahandahan namang lumabas si Sophia mula sa pinagkukublihan,ang akala niya makakatakbo siya agad,ngunit tila nauupos na kandila ang kanyang mga binti sa ilang araw ding walang kain,tubig at pagod.

Hindi pwede!kailangan kong tumakbo!Matatakasan ko ang lalaking to!nag iisa lang siya!nag-iisa lang---

Kung kelan nasa bungad na si Sophia ng pinto at nasa likuran na ng lalaki,ay siya namang pagharap nito sa kanya.Na agad nagsalubong ang kilay at nagulat ng makita siya.

"Who the hell---"

Bago pa man marinig ni Sophia ang kabuuan ng sasabihin nito ay tuluyan ng umikot ang kanyang paningin at naramdaman ang derechong pagbagsak sa bisig ng estrangherong lalaki.

Mabilis na nasalo ni Pablo ang babae na walang malay na ngayong nasa kanyang bisig.

Pinagmasdan niya ang mukha nito.May galos,may dumi,at nabibiyak na ang maputlang labi.

What the----she is one of the girls?!and how come she's alive?!

"Miss?!Miss?!wake up!"

Naguguluhan siya kung ililibing din ba niya ang babae!Gayung humihinga pa naman ito.

Damn it!

Dahandahang dumilat ang mga mata nito.

Napalunok si Pablo.

"Tu-tulungan mo ako."Last words she said bago ito nawalan ulit ng malay tao.

Unconditionally,YOUWhere stories live. Discover now