5-The Guy Shes in love with

147 6 3
                                    

Sophia

"Sophia?Sophia,wake up.."

Nagising ako sa boses ni Pablo. 

Agad gumuhit ang ngiti sa aking labi ng masilayan ko ang kanyang mukha. 

Salubong ang kanyang kilay at bakas ang pagtataka na may halong pag aalala sa kanyang mukha."Why are you sleeping here?"

"Hinihintay kita."Sagot ko.

He looked confuse.

"Bakit?"

"Kasi---kasi nag-aalala ako sayo."

He is silent. Nakatitig lang siya sa akin. 

"Stand up,at pumasok ka na."Utos niya. Hindi naman siya galit pero ramdam kong wala din siya mood para kausapin ako. 

Tumayo ako at tinalikuran siya. Ngunit huminto ako at humarap sa kanya. 

"Sir Pablo?"

Nag-angat siya ng tingin. "What?"

"Gu-gusto mo ba ng kape?"

Umangat ang isang kilay niya."Mahina ba talaga ang utak mo at hindi mo kayang sundin ang sinasabi ko?"

Napalunok ako.Galit na siya. 

"Ah--ka-kasi malamig at--at nakainom po kayo,Baka kaku gusto niyong mahimasmasan."

''Do I looked like Im drunk to you?"

Mabilis akong umiling."Ano kasi--a-amoy alak ang bibig niyo."

He smirked saka humakbang papalapit sa akin. 

Napako ako sa kinatatayuan. 
Yumukod siya ng bahagya para mag libel ang aming mukha.
"So...inaamoy mo ako?"

Para akong nabibilaukan,at hindi ako makapagsalita.

Pilyo ang ngiti sa kanyang labi.

"Sige amuyin mo pa ako.."

Mas lalo niyang inilapit ang mukha sa akin. 

Nanlaki ang aking mga mata. 

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. 

"Ano?anong naaamoy mo?"

Nanuyong parang disyerto ang lalamunan ko. 

"Ma---mabango---"

Umangat ang kanyang mga kilay.

"Mabango ang----"

Nagkagulo na ang braincells ko sa utak,hindi na sila magkasundo sa sobrang tense na nararamdaman ko. 

"Ma-ma----"sa taranta ay inamoy ko ang ulo niya at "Mabango ang buhok mo!"sabi ko sabay atras.

Muntik na akong matumba,mabuti nalang at nasalo niya ako sa beywang. 

Mas lalong uminit ang aking pisngi ng magdikit ang aming katawan. 

Nahuli ko rin ang kanyang paglunok at paggalaw ng adams apple. Naisip ko tuloy kong nanunuyo din ba ang lalamunan niya gaya ko. 

"Si-sir?"

"Bakit?"

"Inaakit niyo po ba ako?"

Nabitawan niya ako.

Bumagsak ang puwet ko sa sahig. 

Napangiwi ako sa sobrang sakit. 

Nabigla siya at halatang nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ba ako o hindi. Sa huli ay iniwan niya rin ako. 

Unconditionally,YOUWhere stories live. Discover now